31_ATTRIBUTIVE FACTICITY

32 9 2
                                    

CHAPTER 31:
ATTRIBUTIVE FACTICITY


Rona P.O.V

Tila maraming na bago sa mga planong isinagawa namin simula noong unang meeting kumpara sa kinahinatnan namin ngayon. Tila sobra-sobra rin ang pagbabago at pagkawala ng ilang mga planong pinag-isipan namin noon bago kami pumasok dito. Ngunit kalimitan at mga bago naman doon sa planong 'yon ay na sunod naman kahit papaano. Ngunit isang bagay lang ang bigla kong napagtanto sa mga bagay na 'yon habang naririto kami, tila nga siguro na kahit anong plano ang nais ng isang tao o grupo na gawin, kahit anong klaseng mga paghahanda pa ang isa alang-alang, kung nasa binggit naman kayo ng ganitong klaseng pangananib at napapalibutan ng ganitong mga problema, tila totoo ngang mahirap kumilos kung utak mo lang ang handa at hindi ang katawan o nararamdaman mo bilang isang tao.

Habang patuloy kami sa pagtakbong lahat nang dahil nga sa kakaibang kapangyarihan ng Hera na nakalaban namin. Napagtanto naming lahat na ,babae pala talaga ang taong may kapangyarihan nang dugo na 'yon, ginawa niya lang kasarinlan siguro ang pagiging lalaki para makakuha ng ilang kahinaan sa amin pero kahit na gano'n na nga, wala rin namang nag bago. Sa lakas ng kapangyarihang taglay na meroon siya, napilitan kaming lahat na tumakbo lalo na't ang sama ng lagay ng kamay ni Jane ngayon.

Tila hindi nga rin si Janelyn mawala sa focus sa paggagamot sa kalagayan ni Jane dahil sa pamamayat na nararanasan nito, hindi na rin biro ang lagay ni Jane dahil umaabot na ito mismo sa may balikat niya, at ang kabuoan ng kamay niya ay tuluyan nang nalalanta at parang wala nang mga dugong dumadaloy. Mabilis na na-uubusan ng dugo ang katawan niya dala ng panghihigop nang  kapangyarihan ng kalaban namin sa mismong pangangatawan niya.

Habang binabagtas namin ang kinaroroonan ng tinatakbuhan namin, tanaw na tanaw ko naman ang isang liwanag.

Ayon ang sinusundan naming marka dahil alam namin na may mga impormasyon kaming makukuha roon lalo na't ganitong hindi sumasagot sa tawag namin si Rozi.

Hindi ko alam kung anong plano niya 'ukol sa mga narinig ko noon sa kanya pero tila kumpleto naman ata lahat ang mga kasamahan namin at wala talaga siyang pinatay ni isa. Ang akin lang, nasaan siya, ayoko naman na hindi kami kumpletong lumabas dito lalo na't nangako rin kami na kaming lahat ay lalabas dito ng buhay kasama ang solar orb.

Tila nagulat kami nang may biglang tumalsik na walang malay na Abysuss Beast sa direksyon namin, ang mga iba naman ay kinakalaban ang mga kapwa nila Abysuss Beast na kala mo ay hindi talaga nila kakampi.

"Naririto sa malapit lang ang mga kasamahan natin, abilidad 'yan ni Iryll." Napatingin ako kay Noah na nasa tabi ko nang sabihin 'yon.

"Saglit guys!" Napahinto kami nang bigla namin marinig ang boses ni Janelyn. "Hindi na ata kaya ni Jane."

Nang tingnan ko si Jane, malakas pa rin ang presensiya niya ngunit pansin ko ang katawan niya lang ang hindi na may kaya. Kitang kita ko sa mukha niya ang kagustuhan na kumilos pero parang tila kay sakit ng iniinda niya.

"Nanlalambot ako. Hindi sumasang-ayon ang katawan ko sa gusto ng isip ko," anito.

"Paparating na sila," bigkas naman ni Pollux.

"Iwan niyo na ako. Ako na haharap sa kanila," biglaang sambit ni Jane.

"Hindi pup'wede! Tumigil ka dyan!" galit na sigaw ni Janelyn.

REYALONA (COMPLETED)Where stories live. Discover now