10_COSMOS MARK

50 16 3
                                    

Chapter 10:
COSMOS MARK


MS. MICA P.O.V

"Coffee?" Napahinto ako sa pagbabasa ng libro nang makita ko ang isang tasa ng kape sa harapan ko.

"Thanks." I supposed to be normal while getting the cup of coffee but suddenly, I feel freez when I touch the wrong thing, "I-I'm sorry." I apologize.

"It's ok." Napansin ko ang pag impit ng tawa niya ngunit hinayaan ko na lang 'yon.

We are now in the middle of teaching nasa training room kami ngayon kung saan sinasanay ang mga estudyanteng sasabak sa Abyssus Island. I took a several years before I driven to this kind of situation. I am volunteer teacher from the forest before, hanggang sa may isang salamangkero na nakitaan ako nang potensyal kaya inampon ako.

Ang makapasok sa klase ng ganitong lugar ay napaka sarap sa pakiramdam, ngunit kabaliktaran naman ang lahat sa tuwing meroong iilang mga batang salamangkero't salamangkera ang handang tumanggap at pumirma ng ilang mga napakalaking Quest para lang mapasama sa tinuturuan namin ngayong alyansa.

Marami akong naging estudyante noon na hindi na nakabalik ngayon dito sa Reyalona Academy nang dahil sa pagtanggap ng ilang mga bigatin at dalikadong quest para lang mapasama sa hanay ng mga kukuha ng Solar Orb. They all willing to join the prestigious alliance in this school knowing that behind of this prestigious alliance is more on pressure and chance of death. Nakakatuwa at kung minsan nakakaawa sa tuwing lumilipas at papalapit ang mga araw, madadama mo ang isang bagay na hindi mo akalain na pag aagawan ng marami na kahit hindi nila lubusang alam kung ano mga posibleng mangyari sa buhay nila kapag pumasok sila ganitong klaseng sitwasyon. Sa mahigit anim na taon ko dito sa Reyalona Academy, bitbit ko araw-araw ang mga pangamba at takot para sa mga batang may tyansang mamatay para sa kaligtasan nang nakakarami.

Dito ko nakita rin na hindi uso ang pa easy-easy, dahil gaya ko, itong si Sir. Aljun ay isa ring guro noon sa isang maharlikang pamilya ng Divine Goddess Family. Upang makuha ang Sun Orb, maging siya ay nangamba para sa estudyante niya na sumulong sa napaka-init at nakamamatay na laban at sa ngayon, ito na naman daw siya, nagtuturo sa mas delakadong bagay. Kala ko talaga noon, nasa kamay ko lahat ang matinding paghihirap ngunit nang makita ko nga ang mga taong 'to dito sa Reyalona Academy, na ang lugar na kung saan ay ang paniniwala ay pagkakakilala nang nakakarami ay masaya at walang problema, ang eskwelahan pala na 'to aypuno pala ng banta at pagdurusa.

Habang iniinom ang kapeng binigay ni Sir. Aljun biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Principal Teodor.

"Kumusta ang mga bata?" Magiliw na tanong ni Principal Teodor.

Si Principal Teodor ay ang nag-iisang tanging taong nabubuhay sa kapanahunan ni Queen Riva, at ang higit pa sa lahat, siya ang kanang kamay noon ng Reyna na si Riva. Bukod pa do'n, isang dahilan kung kaya't matagal nang namumuhay sa mundong ito si Principal Teodor at napakabagal tumanda ng balat niya, ay dahil iyon sa may lahi siyang Bestia. Isa siyang taong may lahing halimaw kung kaya't ganon na lang din siya ka lakas at hindi ka tanda.

"Nasa gitna sila ng training ngayon Sir, sinubukan namin ang sportsmanship ng bawat isa sa estudyante at sa kung papaano sila gagalaw lahat bilang isang team."

Napatingin kami sa isang wide screen habang pinapanood ang bawat galaw ng estudyante. Malapit na ang grupo nina Noah kina Mae, Ralph at Billy samantala humiwalay naman sila Yumi at Janelle sa grupo nila ngunit hindi ko talaga mabasa kung anong plano ng dalawang babaeng 'to kung bakit sila humiwalay sa kasamahan nila.

Gaya ng inaasahan namin, nagkita na ang walo ngunit ang dalawa naman na sina Yumi at Janelle at tila malayo pa din sa kanilang mga kasamahan. Ngunit gaya ng inaasahan ko, si Rona talaga ang puntirya ng grupo nila.

REYALONA (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora