09_BURNING REVELATION

53 16 4
                                    

CHAPTER 9:
BURNING REVELATION


Nakatulog ako, promise walang halong kasinungalingan. Pero one hour lang. Malapit-lapit na kasi akong ma-baliw sa tuwing nag si-sink in sa utak ko ang pagiging opisyal na miyembro ko ng Reya's Alliance. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mas kailangan kong kabahan sa mga ilang nagbabadya na pressure na papalapit sa 'kin. Iba talaga ang pressure kapag dumating, nakakapangilabot.

Gaya ng mga nakasulat doon sa loob ng blue na notebook na ibinigay sa akin ni Prof-T, nakasuot kami ngayon ng puting tshirt, cargo pants na brown, nakatali at naka boots.

Bigat na bigat man ako nang dahil sa magic spell  na nilagay sa damit namin nina Sir. Aljun at Ms. Mica, kinaya ko pa rin itong bitbitin.

Nasa loob na kami ng training room ngayon habang naka-upo. Pinagmamasdan namin ang malaking simulator arena na kasalukuyang hinahanda para sa magiging training namin.

"Hi Rona, good morning." Napa-angat ako ng tingin ng makita ko si Janelyn sa harap ko na nakasuot din ng gaya ng suot ko. "Congratulations pala sayo a, kamusta ka na?" tanong niya bago siya tumabi sa p'westo ko.

"Ayos naman," sagot ko.

"Hm... Mabuti kung gano'n, nga pala, mag ready ka," aniya.

"Ba't naman?" tanong ko.

"Kasi—" hindi natuloy ang sasabihin ni Janelyn nang bigla sumulpot si Iryll.

"Hi dai, good morning!" Magiliw at malakas na bati ni Iryll habang may bitbit-bitbit na tubig, "Congrats pala sa 'yo, welcome to team!" aniya ulit ni Iryll pero noong magawi ang tingin niya kay Janelyn bigla niya itong inirapan.

"Bakla!" sigaw ni Janelyn.

"Mother mo!" aniya naman ni Iryll sabay irap kay Janelyn.

Lagi na lang mainit ang ulo nang dalawang 'to pag nag kikita sila, onti na nga lang iisipin ko nang mero'ng namamagitan sa dalawang 'to.

Makalipas ang ilang minuto, dumating na ang iba naming mga kasamahan at maging sila ay binati rin ako bilang isang bagong miyembro ng grupo nila pero sina Mae at Janelle hindi ako pinansin gaya ng inasahan ko, isang mataray at sintipatika kung mag salita at isang bitchesang brat ang pag-uugali, 'yang mga ugaling 'yan ang mero'n sina Mae at Janelle, I was supposed to be middle by two mean girl, pinagkaiba lang nila hindi tugma ang ugaling mero'n sila.

Habang naka-upo sa sahig at umiinom ng tubig nagkatinginan kami ni Janelle. Lagpas isang minuto rin 'yon bago siya tumigil sa pakikipagpatayan ng titig sa 'kin at saka siya may ibinulong kay Yumi.

Trip ng babaeng 'to.

Napalingon kaming lahat sa pag bukas ng malakas ng pinto. Isang maliit na babaeng nakasalamin at nakasuot ng black skirt with white long sleeve polo ang kasama nina Prof-T at Ms. Mica at Sir. Aljun ang biglang pumasok dito sa loob ng training room.

Nang titigan ko ang maliit na babae hindi ko maiwasan ma-cute-an sa kanya lalong-lalo na sa liit nito. I am just wondering if she's a daughter of the principal, naalala ko tuloy ang bata kong kapatid na si Ella.

"She's so cute, she looks eight years old," mahinang bulong ko kay Janelyn. "Is she is daughter of the principal?" tanong ko kay Janelyn.

"I don't know. But she looks familiar," naguguluhang tanong sa sarili ni Janelyn.

"Baka estudyante 'yan dito?" mahinang bulong ni Iryll habang may nginunguya.

"Mero'n bang elementary dito?" tanong ko.

"Wala? Ewan? Hindi ko alam." Kibit balikat na sagot ni Iryll bago niya lunukin ang kinakain niya.

"Goodmorning Reya's Alliance, I would like you to meet Head Mistress. Coline Luna the secretary of Magic Council in Uteriyala."

REYALONA (COMPLETED)Where stories live. Discover now