08_LINE UP

51 14 3
                                    

CHAPTER 8:
LINE UP


Kinis ha, parang handa talaga siyang patayin ako gamit 'yang kapangyarihan niya. Hindi ko alam na ganito pala gumanti ang mga mayayaman dito sa lugar na 'to pag nasampal sila, kala mo pinatayan sila ng mahal sa buhay nang dahil sa sampal, bwesit.

Pero buti na lang talaga, hindi kasi talaga ako maaring mamatay nang dahil lang sa babaeng 'yon. Bilang na ang mga nag sakripisyo ng buhay nang dahil sa 'kin at para sa buhay ko, hindi na ako makakapayag na hindi pa ako makaganti sa mga taong pumatay sa taong importante sa 'kin. Kaya bilang may pinanghahawakan, lalabanan ko 'tong babaeng 'to nang hindi ako namamatay.

Hindi ko man alam kung papaano pero alam ko sa sarili ko na napagana ko ang kapangyarihan ko kanina sa dalawang malaking bato bilang proteksyon nang bátuhan ako ni Janelle ng kapangyarihan niya gaya noong una niyang ginagawa sa una naming pagkikita.

"Wala ka nang magagawa, hindi ako papayag na hindi ako makaganti sa sampal na ginawa mo sa 'kin noon. Baliw na kung baliw, ngayon, magdudusa ka at pagsisihan mo na nanampal ka ng gaya ko dahil hindi na kita bubuhayin, tandaan mo 'yan!"

Unti-unting nagsilakasan pa lalo ang hangin, hindi ko alam kung gagana ang gagawin ko pero sususbukan ko.

"Sa kapangyarihan na mero'n tayong mga salamangkero dito sa mundong ito, naniniwala ba kayo na may hindi marunong gumamit no'n sa atin?" tanong ng guro namin.

"Opo ma'am, kami, kaya nga po kami nandito kasi hindi kami marunong gumamit ng sarili naming kapangyarihan e," sagot nang kaklase ko.

"Tama po siya ma'am, kasi kung alam po talaga namin hindi na po kami papasok dito," sagot naman ng isa kong lalaking kaklase.

Halos lahat ng kaklase ko sang-ayon sa sagot nang isa kong kaklase, kahit din naman ako ay sang-ayon din. Dahil kaya naman talaga kami dito pumasok ay para magamit ang kapangyarihan namin.

"Alam niyo kasi mga bata, tama naman ang sagot niyo pero ang tanong ko: kung naniniwala ba kayong may hindi marunong gumamit no'n sa atin. Lahat tayo mga bata marunong gumamit ngunit hindi natin alam kung sa papaano natin gagamitin ang mga kapangyarihan natin. Magkaiba pa rin ang Alam sa Marunong mga bata. Pumasok kayo dito kasi hindi ninyo alam gamitin pero lahat kayo talaga ay marunong. Kung isasapuso ninyo ang biyaya ng mga bathala sa inyo na kapangyarihan at gagamitin ninyo ito sa tama, madali niyo itong magagamit. Tandaan, hindi matuto ang isang guro na salamangkero ng mga kaalaman kung hindi sila desedido na makatulong sa mga kapwa nila salamangkero na hindi alam gamitin ang mga kapangyarihan nila. Kaya nasasainyo pa rin talaga kung pipilitin ninyong mapalabas ang sari-sarili ninyong mga kapangyarihan na mero'n kayo. Kayong kasing dalawa ng kapangyarihan mo ang magtutulungan sa gusto niyong mangyari sa inyong iisang katawan na ginagalawan."

Hindi ko maintindihan ang punto ng guro namin na 'yon pero habang tinitignan ko ang palad ko. May kung anong enerhiya ang dumadaloy sa katawan ko na gustong-gusto makawala.

_

Onti na lang at makakapasok na ako sa loob ng portal na gawa ni Janelle pero isang bagay ang mas nanaig sa 'kin nang makita ko ang nakangiti na mukha ni Janelle. Para bang mas lalong nanaig sa akin ang mga pinanghahawakan ko kaya mas lalong hindi dapat ako ang mamatay.

Isang malaking bato ang papalapit sa direksyon ko para makipagsabayan sa akin sa pagpasok sa loob ng portal. Kaya bilang paghahanda, pumikit ako at hinayaan kong lumabas ang mga kapangyarihan kong nagpupumilit lumabas sa loob ng katawan ko.

Nang idilat ko mata ko, nakahinto ako sa mismong harap ng portal ni Janelle, ramdam na ramdam ko ang malakas na pulang aura na nakikita ko ngayon na bumabalot sa akin na nagsisilabasan sa loob ng katawan ko. Napansin ko ang pagkagulat ni Janelle sa mga nasaksihan niya ang itsura ko.

REYALONA (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat