23_NOTHING BUT A TRUTH

22 8 5
                                    

CHAPTER 23:
NOTHING BUT A TRUTH


Kasalukuyang hindi ko matukoy kung ano ang nararamdaman ko ngayon, mga magkakahalong takot at galit ang kasalukuyang namamayani ngayon sa katawan ko dala ng mga nakikita at naalala ko. Isa-isa ring ani mo nga'y nagsisisulputan ang ilang mga impormasyong nagbigay sa 'kin ng masalimuot na nakaraan noong araw na kinuhaan ako nang dalawang importanteng tao sa buhay ko. Hindi ko man alam kung bakit at papaano ko na iisip ngayon ito, ngunit para akong pumipigil nang isang malaking alon ng emosyon upang manatili lamang na kalmado ang sitwasyon.

"Ikaw."

Muling bumaling sa akin ang atensyon ng magulang ni Rozi, halatang-halata sa kanya ang matinding galit sa akin.

"Ma! Nangyayari 'to sa bawat training, normal 'to—"

Napahinto si Rozi sa pagsigaw nang isang kakila-kilabot at matulis na kristal ang biglang lumabas sa sahig upang tuktukan ang leeg niya.

"Hindi kita kausap, hindi ba Rozi? Ang tanging gagawin mo lang ay itatahimik mo 'yang bibig mo at hahayaan mong usigin ko ang taong nanakit sa 'yo."

A-Ang k-kristal na 'yon... K-Katulad ng kapangyarihan ng babaeng nakamaskara na kumuha kay Ella... H-Hindi kaya...

Nang makalapit na sa akin ang Mama ni Rozi, gustong gusto ko na alamin ang mga bagay na naglalaro ngayon sa isipan ko tungkol dito ngunit hindi ko rin magawa nang dahil ng sa nangyayari ngayon. Nahihilo na ako at hindi ko na alam kung ano ang pagtutuunan ko ng pansin. Kasalukuyan o nakaraan, pareho kong hindi alam kung ano dapat kong unahin hanggang sa isang sampal ang gumising sa akin sa reyalidad.

"Bastos ka. Napaka-irresponsable at walang galang! Mapanakit ka at dapat inililipat at ipinararamdam sa 'yo ang mga ginagawa mo!"

Isang sampal na naman ako dumampi sa kanang mukha ko hanggang sa umulit-ulit ito. Halos tumulo na ang luha ko sa sobrang sakit ng sampal ni Ms. Riza.

"Ngayon!" Isang sakal mula kay Ms. Riza ang natanggap ko dahilan upang mas manginig ako sa sobrang takot.

Bakas na bakas sa kanyang mukha ang galit at inis sa akin, inis na parang kay tanggal niyang kinimkim at inipon upang mailabas lang sa 'kin ngayon. Hindi ko 'man alam kung papaano at bakit ganito ang galit ni Ms. Rozi na kahit mismong anak at mga tao sa paligid ay hindi niya magawang pakinggan ngunit isa lang ang alam ko, dalikado siyang tao.

Hindi ko na nagawang mag isip nang kahit ano tungkol sa mga tanong na naiisip ko simula nang makita ko ang kaliwang kamay ni Ms. Rozi na nagpalit mula sa isang napakataas na kristal. Hindi ko na rin marinig ang mga sigawan ng mga kasamahan ko at kaibigan ko mula sa labas ng bilog ng kapangyarihan na ito ni Ms. Riza.

"You will pay and you also get what you did... " Bulong ng mama ni Rozi sa tenga ko.

Unti-unti na'ng pumapatak ang mga luha ko hanggang sa tuluyan na akong mapapikit at hindi marinig ang lahat ng ingay kahit na mismong ingay na mga sinasabi nang kaharap kong si Ms. Rozi. Namayani't nagwagi ang matinding takot sa isip at puso ko ngayon dahilan para ipikit at panatilihin ko ang sarili ko na binabalot ng matinding takot.

Hanggang sa...

Isang pagsabog at pagkaka-untog sa isang matigas na bagay nang dahil sa pagkakatalsik ang muling nagpadilat sa aking pagkakapikit.

"Itigil mo na 'to Ma!"

Kahit punong puno ng usok ang lugar nang dahil sa matinding pagsabog, na rinig ko pa rin ang hingal na hingal na boses ni Rozi. Mukhang siya nga may gawa ng pag sabog.

REYALONA (COMPLETED)Where stories live. Discover now