07_BRUTALITY TRAINING

59 16 2
                                    

CHAPTER 7:
BRUTALITY TRAINING


Maaga ako nagising gaya ng inutos sa amin, maaga na para sa 'kin ang oras na alas otso dahil 'di ko talaga kayang gumising nang pasado ala sais na gano'n ka aga. Kaya labag man para sa dati kong nakagawian ay tinanggap ko pa rin na gumising sa ganitong oras kahit na ayoko. Sana lang talaga hindi sila magalit dahil wala na rin naman silang magagawa.

Dinaanan ako ni Janelyn sa tinutuluyan ko kaya sabay na kaming pumunta sa Hall upang kumain muna, nakasuot kami ng puting sando at brown na cargo pants at itim na boots. Mabigat sa pakiramdam ang suot naming damit pero hindi ko rin alam kung bakit nga ba ito mabigat, pero ang sabi sa amin ni Sir. Aljun, it helps us to become stronger especially to our body because it has a massive intensity. Ito na rin daw ang magiging proper training uniform namin sa pang-araw-araw naming pag t-training dahil ang bigat daw nito ay isa sa mga tutulong sa amin para masanay ang katawan namin sa laban.

Habang papalapit kami ni Janelyn sa may Hall, gaya rin ng inaasahan ko, wala na kaming taong nadatnan dito dahil tanging paglilinis na lang ginawa ng mga maid ngunit dahil kilala na si Janelyn bilang dakilang late, nakakain pa rin kami kahit na late na kami.

Matapos naming kumain, napa-daan kami sa isang hallway kung saan mayroong brown board at may mga iilang estudyante na nakatambay.

"Rona tar—"

"Saglit."

Bahagya akong lumapit sa puwesto ng brown board kung saan may mga nakapaskil na mga papel na hindi aabot sa sampung piraso. Umagaw sa atensyon ko ang isang papel na nakalagay sa isang covered glass ng dingding malapit sa brown board. Nilapit ko pa ang sarili ko upang sa gano'y mabasa ko kung ano ang mga ito.

Isang larawan ng isang isla na hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko ang nakapaskil sa gilid ng brown board, pero parang pamilyar ito pero hindi ko lang talaga maalala. Pero nang mabasa ko ang pangalan nito, biglang pumasok sa utak ko ang mga nabanggit ni Prof-T sa orientation namin kahapon.

"Ito na ba yung Abyssus Island?" tanong ko kay Janelyn.

"Yan nga," maikli niyang tugon.

Pinagmamasdan ko ang larawan ng nasabing isla. Malaki ito at kakila-kilabot ang bawat detalye ng lugar, animo'y hati ang liwanag at dilim sa nag kukubling magkabilang gilid nito, simula sa pinaka gitna nito na kung saan nasaan ang isang puno na punong-puno ng mga bunga ng kumikinang na prutas at naglalabas ng itim na kumikinang na tubig. Sadyang mapapaisip ka na kung ano ba talaga ang nais ipahiwatig ng lugar na ito.

"Ano ang ibig sabihin ng blangkong guhit na 'yan? Bakit 'yan umiilaw?" Bahagya akong napalapit sa larawan para basahin ang mga nasa itaas ng guhit.

"Ayang guhit na 'yan ang magsisilbing pag sagot natin kung tatanggapin ba natin ang quest o hindi. Sa oras na handa na tayo, pipirmahan na 'yan ng principal para ipasa sa council at opisyales. Sagrado ang misyon na ito dahil dangal ng buong hilagang bahagi ng kabiserang ito ang makikinabang sa proteksyon na 'yan kaya ang lahat ay nagtutulungan talaga para makaligtas sa kung ano pang panganib ang mga posibleng mangyari." Nakatingin lang ako kay Janelyn habang pinapaliwanag niya sa akin ang lahat. Para bang may ilang bagay na nag udyok sa 'kin na gampanan ko na ang dapat.

"Gano'n ba..." Napangiti na lang siya sa 'kin ng mapakla.

"All of this are full of sacrificing Rona, you should be practical whether you like it or not." Bahagya akong nakarinig ng impit sa boses niya pero iwas pa rin ang tingin sa akin. "You know, everyone here says that we're they hero but they didn't know that we are just only a little tikoy, because every minutes and every seconds we've just bring the pressure that they gave us just to get Solar Orb." Napansin ko ang pag tulo ng luha niya. "Hindi man lang nila naisip na buhay natin ang kapalit sa pagkuha ng isang bagay na p-protekta sa atin para sa mga bago pang parating na problema." Hindi ko alam pero nakaramdam ako nang awa kay Janelyn, siguro awa na rin para sa sarili ko na kahit pala nandito ako ay nasa bingit din pala ako ng kamatayan, sadyang binigyan lang talaga ako ng tadhana ng ka sabay at pinatagal lang ng kaunti.

REYALONA (COMPLETED)Where stories live. Discover now