20_CONFESSION

26 10 2
                                    

CHAPTER 20:
CONFESSION

Noah P.O.V

After 1 week and 4 days, we're always checking Rona if she is now awaken or consciously fine. But sad to say, she's still unconscious way back the day when it all started. We've just thinking if how long her mind may not possessing. Mahigit gabi-gabi na nga rin akong pumupuslit dito sa kuwarto kung nasaan siya para lang mabantayan ko siya. Sa tuwing hindi kasi siya nakikita ng mata ko ay parang napakaraming posibleng mangyari ang tumatakbo sa isip ko.

Habang chinicheck ko ang suwero ni Rona, napansin ko ang paggalaw ng isang daliri niya kaya naman agad akong lumapit sa kanya.

Nananatiling sarado ang dalawang mata ni Rona ngunit ang panginginig ng daliri niya ay masasabi kong hindi pangkaraniwan kaya naman medyo kinahabahan ako.

"Mama... Ma... Ma—"

"R-Rona... Rona. Rona!" Pinilit kong ginising si Rona dahil parang binabangungot siya at kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

"MA!!"

Kasabay ng pagsigaw ni Rona ay ang pag tulo ng luha sa kanyang dalawang mata kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng matinding kaba at takot kaya naman nag pasya na akong humingi ng tulong.

"R-Rona... S-saglit tatawag ako ng healer!"

Akmang tatakbo na ako para tumawag ng healer nang biglang nakaramdam ako ng kung anong bigat at lamig sa kanang kamay ko at nang titigan ko ito, nakita ko ang kamay ni Rona na nakahawak sa kamay ko.

She's still unconscious but I've felt and I saw to her face that she's suffering and she really need help that is why, she's holding my hand.

I know to myself that I'm look liked imbroglios but I swear, even though Rona is still unconscious, I know that I'm fallen in love when I see her. Hindi ko na itatanggi na may pagtingin ako sa kanya kahit na lagi ko siyang sinusungitan o inaasar. Gusto ko lang na sana malaman niya ang mga bagay na katulad no'n, pero alam ko rin na hindi ito ang tamang oras.

"Rona..." Sinubukan kong hawakan nang marahan ang mukha niyang at saka ko pinunasan ang kanyang dalawang mata na nagluluha.

Sa sobrang himbing ng pagkakatulog ni Rona habang yakap-yakap ang kamay ko, hindi ko maiwasang hindi mapangiti kahit na naaawa ako sa sitwasyon na kinakaharap niya. Ang mga mata niyang alam kong sumasabak sa laban at ang malambot niyang kamay na nakahawak sa 'kin, masasabi kong napakatapang niya at suwerte ko. Parang dati lang kasi hirap ako makipaghalubilo sa mga tao rito lalo na sa mga kasamahan ko na kahit si Iryll na mismong masayahin at papansin sa grupo ay hindi ko pinapansin.

Everything was totally changed noong dumating si Rona sa mga buhay namin, nagkaroon siya ng iba't ibang papel sa buhay namin na pinahalagahan ng lahat at kinatatakutan mawala ng ni isa sa amin.

I haven't expect that it would be happen, lehitimong pinaniniwalaan ng iba sa amin na nasa laylayan lang namin ang mga mahihirap no'n at bilang mula sa taal na pamilya, kinamulatan ko rin ang mga bagay 'yon noon ngunit hindi ko lubos na aakalaing si Rona pala ang nagpapahiwatig sa amin na kahit nasa baba ang antas ng buhay ng isang tao, 'di hamak na dapat silang itaas nang dahil sa prinsipyo nila sa buhay lalo na kung totoong may kabuluhan ito.

Bilang mula ako sa taal na pamilya ng mga bantog na assasin, maaga akong namulat sa mga bagay na 'di kalimitan na itinuturo sa mga natural na bata na wala pa sa wastong gulang. Noong apat na gulang ako, bihasa na ako sa mga bagay na tungkol sa pakikipaglalaban at pagkitil. Tunay din na maalam ako sa ilang mga taktika at lohikal na bagay na kung saan mas humuhubog sa akin bilang isang malakas na salamangkero at mandirigma nang bayan namin. Ang pamilya ko lalo na si Lola Prima ay kilala bilang isa sa mga malalakas noong henerasyon nila at sinundan din 'yon ng ama kong si Proli Vasquez noong kapanahunan niya, kilala sila bilang malalakas noon kaya naman simula noong masundan iyon ng kapatid kong si Pollux, nagkaroon na ng ilang pagkukumpara sa aming pamilya tungkol sa aming magkakapatid na kahit kailan hindi ko naman ninais na mangyari. Simula kasi noong maging tagapangalaga si Pollux, mas tinutukan siya ng Ama at Lola ko sa tuwing nagsasanay kami, gusto rin ng Lola at Mama ko na mahigitan o kahit man lang mapantayan ko ang kapatid kong si Pollux na kahit kailan hindi ko rin inisip.

REYALONA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon