11_IMPACT OF RESPONSIBILITIES

57 15 8
                                    

CHAPTER 11:
IMPACT OF RESPONSIBILITIES


Hindi ko alam ngunit bakas sa mukha nina Prof-T, Headmistress Coline, Ms. Mica at Sir. Aljun ang pagkabalisa sa biglang pagpasok ng mga member ng Magic Council dito sa Reyalona Academy.


"H'wag kang magsasalita na kahit na anong hindi naman tungkol sa mga itatanong sa 'yo ng magic council, kapag nagtanong ang ni isa man sa member ng magic council sa 'yo kalma ka lang, o maski na ang kabahan, wag, mag ingat ka lagi at sumunod lang sa utos namin." Napatitig ako kay Ms. Mica na hawak-hawak ang kamay ko. Hindi naman na ako nag-abala na problemahin pa ang request niya dahil hindi ko rin naman ugali ang makipagkwentuhan sa hindi ko kilala, isa pa ba't ako kakabahan sa mga 'yan.

Ang problema ko, makirot pa rin ang mukha ko at hindi ko alam kung bakit bigla na lang ito kumirot. Nang hawakan kasi ito ni Headmistress Coline kanina ay bigla na lang sumakit ang mukha ko.

"President, magandang hapon po sa inyo." Yumuko si Prof-T bilang paggalang sa mga kaharap niya ngayon.

Anim na taong nakasuot na itim na mahabang damit na may hoodie ang biglang sumulpot sa eskwelahan namin ngayon. Kapansin-pansin ang mga tattoo ng mga ito sa kanilang kamay at ibang bahagi ng katawan kahit todo nakatalukbong sila sa kanilang mga damit.

Nang tanggalin ng isa ang hoodie ng damit niyang suot ay agad akong nakaramdam ng takot nang makita ang mukha niya kaya naman napa-atras ako at mas lalong humigit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Ms. Mica.

Isang lalaki na nasa edad kwarenta pataas na ang nakikita ko sa mukha ng kaharap namin ngayon. Punong-puno ng sinaunang ukit ang buong kabuoan ng ulo niya, ang mata niya rin at may sugat at punong puno ng tattoo rin ang bahaging dibdib ng katawan niya.

"Principal Teodor, kumusta ka, ang tagal na ng huli nating pagkikita hindi ba?" Magiliw na bati ng lalaki ngunit bakas ang kapanindig balahibo nito sa pagsasalita.

"Ayos lang, President Lucio. Maligayang pagbisita pala dito sa aming paaralan." Pabalik na bati naman ni Prof-T.

Hindi ko alam kung bakit kailangan akong itago sa mga kasamahan ko sa mga taong 'to. Wala naman akong nakikitang masama ngunit parang mero'n naman akong nararamdaman na kung ano, na hindi ko maipaliwanag. Pero kahit na, mukha naman silang matino.

Sa gitna ng pag-uusap nina Prof-T at no'ng lalaking nagngangalang Lucio, isang titig ng kasamahan niya ang pumukaw ng atensyon ko dahilan upang mag bigay sa akin ng biglang pagkabalisa.

Isang matandang babae na nasa edad na, nakasuot din ito ng itim na damit na may hoodie gaya ng mga kasamahan niya, ngunit iba ang babaeng 'to nang dahil sa kanyang misteryosong titig.

Napalunok ako ng bahagya dala na rin siguro ng takot, ngunit isang bagay ang malinaw kung ba't ako mas lalong natakot sa babaeng ito. Bigla kasing namuti ang mga mata nito at marahang humakbang papalapit sa puwesto ko. Na agaw ang atensyon ng iba niyang kasamahan ng dahil sa bigla nitong pag usad papunta sa direksyon ko.

"Fedora. Anong nakikita mo?" Tarantang napahawak si Lucio sa palapulsuan ng babae ngunit nang mahawakan niya ito ay agad din siyang napabitaw.

"Ilapit niyo sa akin ang babaeng 'yan!"

Mas lalong tumindig ang balahibo ko nang titigan ako ng lahat ng miyembro ng council. Para akong lalamunin ng lupa ng dahil sa mga matatalim na titig sa akin ngayon.

"T-Teka, bakit po?" takot na tanong ni Ms. Mica ng bitawan niya ang kamay ko para harangin ang matanda.

Sinubukan kong maging kalmado kahit hindi nakikisabay ang buong katawan ko sa gustong mangyari ng utak ko. Alam kong kita ng lahat ang panginginig ng tuhod ko.

REYALONA (COMPLETED)Where stories live. Discover now