14_ANVIL GUTS

43 15 2
                                    

CHAPTER 14:
ANVIL GUTS


Isang malaking pangil ng lobo ang akmang sasakmal sana sa 'kin ngayon ngunit agad ko itong nahawakan sa magkabilang gilid ng bibig nito kaya naman napigilan ko agad ang mabilis na pagbabadya nitong sakmalin ako.

Ugong ng isang galit na malaking itim na lobo ang kasalukuyan kong pinipigilan kasabay ng malakas nitong pagpalag sa bawat pagpigil ko na masakmal niya ako.

Sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan ko ngunit hindi ko ito magamit dahil nga hawak-hawak ko ang gilid ng bunganga ng lobong ito. Nawawalan kasi ng puwersa ang lakas ko sa tuwing sinusubukan ko siya gamitan nito.

Napaluhod ako sa sobrang bigat ng bunganga ng lobong hawak-hawak ko, para bang isang minuto na lang bibigay na ako sa sobrang lakas ng puwersa nito sa pag-usog sa 'kin, masakmal lang ako.

Sa paglubog ng paa ko sa putik ng dahil sa matinding pagpipigil ko, maya maya, dumilim ang pagitan namin ng pinipigilan kong lobo hanggang sa mapatingala nga ako sa itaas at nakita ko ang katawan ng isa pang malaking kulay puting lobo.

Sinakmal ng puting lobo na iyon ang kaninang pinipigilan kong itim na lobo. Nakakatakot silang pagmasdan sa tuwing nakikita ko ang kanilang naglalakihang mga pangil at nakakakilabot nilang mga ugong para akong halatang nangangatog.

Saktong susugod na rin sana ako nang mapahinto ako nang biglang makakita ako ng isang napakaliwanag na ilaw na parang papunta sa malapit sa direksyon namin. Isang hakbang na sana papa-abante ang gagawin ko ng bigla naman akong mapa-atras ng sunod-sunod dahil sa bigla ko nga natanaw ang nakakakilabot na ngiti ni Mae.

Agad kaming tatlo ng mga lobong kasama ko ay napatalon at napalayo sa gitnang direksyon namin dahil halos magsiliparan ang lahat ng buhangin at mga malalaking bato ng dahil sa lakas ng pagbagsak ni Mae sa gitna namin.

Napakapit ako sa itaas ng sanga ng malaking punong pinagsabitan ko.

Napakahamog ngayon nang dahil sa mga alikabok sa lugar ng dahil sa matinding pagbagsak ni Mae.

Napahawak ako ng mahigpit sa dagger na nasa likod ko nang dahil sa kaba. Alam ko kasi na pag si Mae ang kalaban ko sa ganitong klaseng laban, wala akong palag sa kanya, sadyang utak lang ang mapapanlaban ko para maiwasan ang nakamamatay niyang mga mabibigat na kamay at paa, pero kahit na gano'n alam ko rin na mautak itong si Mae sa lahat ng aspeto ng laban.

"Rona iwas!"

Tila sa sobrang lito at gulat ay hindi ko na magawang gumalaw dahil sa pagkalito sa sigaw ni Janelyn at sa isang kulay lila na bilog na aura-ng paparating sa puwesto ko.

Sa sobrang taranta ko ay parang 'di ko na magawa pang kontrolin ang sariling pangangatawan, tanging nagawa ko lang ay titigan ang isang nakakakilabot na kulay lila na aura na papabulusong sa akin.

Halos isang metro na lang mula sa mukha ko ang nakakakilabot na malaking aura na bilog nang biglang may lalaking biglang lumitaw sa harap ko at inangat nga nito ang kanan niyang kamay saka lumabas mula sa kanang kamay nito ang isang itim na aura at agad nitong binalot ang kulay lila na bilog na aura nang walang kahit anong pagsabog na nagaganap.

"Woah! Iba talaga basta si pareng Noah!" sigaw ng boses ni Iryll

Maging ako ay na papahanga pa rin sa kakayanan ng kapangyarihang meroon si Noah, kahit matagal na ako rito sa paaralang 'to, hindi ko pa rin talaga magawang hindi mamangha sa kung anong kayang gawin ng kapangyarihan niya.

"Sa susunod, pagtapos mo sa isa, mag-focus ka naman sa isa, walang muang rito ang laging tulala," aniya ni Noah bago tuluyang tumunog ang bell na hudyat na ibig sabihin ay tapos na ang pagsasanay namin.

REYALONA (COMPLETED)Where stories live. Discover now