26_QUEST BEGGIN

25 8 1
                                    

CHAPTER 26:
QUEST BEGGIN


Ms. Mica P.O.V

Habang patuloy kong binabagtas ang limitasyon ng aking labis na pagiging emosyonal. Sinusubukan ko pa ring maging kalmado para kahit papaano ay walang maapektuhan na kung ano o sino nang dahil sa 'kin lalong lalo na sa mga batang sasabak ngayon sa quest.

Habang pababa kami sa hagdan nina Aljun, Prof-T at Headmistress papunta sa labas ng Reyalona Academy kung nasaan ang ilang opisyales at mga tao na aalalay at susubaybay sa pag-alis ng grupo ng Reya's Alliance. Habang kami ay naglalakad pababa ng hagdan, napalingon ako nang saglit sa gawi ni Prof-T na panay ang iling at hinga ng malalim, gustuhin ko man siyang tanungin kung ano ang nararamdaman niya at anong mali ngunit hindi ko na 'yon nagawa dahil sinalubong na kami ng mga Magic Council.

"Anong oras ang alis ng grupo niyo?" Napatingin kami kay President Lucio, "Hindi ba't maganda sana kung maaga sila makaka-alis dahil maliwanag pa."

"Tama naman po kayo ro'n president pero kasi base po sa mga meteorology natin, wala pa raw pong kahit na anong nagpapakita na isla sa nasabing lugar nang dahil sa malalakas na mga sigalot," sagot ko. "At isa pa po pala, wala pa po ang maghahatid sa mga bata papunta sa isla."

"Nasaan na ba si Lady Prima?" tanong nito.

"Antayin na lang natin siya sa labas," aniya ni Prof-T at saka naglakad papalabas ng hindi man lang kami kinibo kaya naman sumunod na lang kami.

Nang makalabas kami sa mismong unang gate ng Reyalona Academy, tumambad sa amin ang napakaraming mamamayan ng Reyalona kaya naman medyo nagulat kami. Nakapalibot ang mamayan ng Reyalona sa isang napakalaking bilog. Dito kasi bababa ang Plu​to​ni​an Black Raven Uwila na alaga ng pamilyang Dark Dragon Eater kaya nilagyan nila ng boundary ang posibleng masasakop ng Plu​to​ni​an Black Raven Uwila.

Nang makita ko ang kabuoang lugar at ang mga itsura ng mamayanan ng kabisera ng Reyalona, kapansin-pansin ang mga iba't ibang emosyon at hinaing, ang iba ay panay ang iyak at ang iba naman ay panay ang pagsisigaw. Ang karaniwang bukang bibig nila ay ang sana maiuwi ang solar orb, ang iba pa nga'y panay ang samba at dasal at ang iba naman ay panay ang pagbibigay ng lakas ng loob.

Kung nandito lang sana ang Reya's Alliance, siguro kahit papaano ay makatutulong ito sa pagpapagaan ng sitwasyon nila para sa kakaharapin nila sa loob ng isla.

"Sa tingin niyo kaya na ng mga bata?" Napatingin kami ni Aljun kay Prof-T, "Kinakabahan ako na baka hindi na sila makabalik nang dahil sa atin. Sapat kaya ang edukasyon na naibigay natin?" Pailing-iling na sambit ni Prof-T.

First time kong nakitang ganito ka kabado ang itsura ni Prof-T. Ang pala biro at mapang-asar na matanda na si Principal Teodor ay ngayon ay parang tuliro at napaka-kabado.

"May tiwala ako sa kanila, alam kung kaya nila." Napatingin ako kay Aljun bago ako ngumiti.

"Oo tama... Mag tiwala lang tayo siguro sa mga bata Prof-T, magagaling at malalakas sila, alam kong kakayanin nila 'tong quest na 'to."

Napatingin kaming tatlo sa likod nang biglang may nag salita, "Yes, I believe them also. Kaya ikaw Teodor, don't pursuit a negative vibes comes to your mind, also don't engage too much anxiousness to your students. Alam kong alam mong magagaling sila," aniya ni Headmistress Coline. "Anyway, nandito na sila."

Muli kaming napatingin sa loob ng main door ng hall kung nasaan ang paaralan. Para bang biglang bumagal ang eksena at halos lahat kami ay nakatuon sa iisang liwanag.

REYALONA (COMPLETED)Where stories live. Discover now