02_PROPESIYA

105 21 13
                                    

CHAPTER 2:
PROPESIYA


Hindi ko alam pero parang may kung anong humampas sa batok ko dahilan upang magising ako dahil sa sobrang sakit nito.

Pasado madaling  araw pa lang kung hindi ako nagkakamali at napaka-aga pa para magising. Hindi ko alam ang dahilan pero ang sakit talaga ng batok ko kaya napaigtad ako at napahawak sa batok ko, grabeng hapdi nito at napaka-init din na para akong tinutusta.

"Ah! Aray!" mahina kong pag-iinda.

Pinilit kong tinitiis ang sakit at pinilit ko rin na hindi ako makagawa ng kahit na anong ingay dahil ayokong magising sina Mama at Ella kaya naman grabe ang pagtitiis ko.

Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa kisame.

Ang sakit ng batok ko nakakainis!

Humihip ako sa kawalan upang kahit papaano nama'y maibsan ang sakit na nararamdaman ko pero alam kong hindi rin sapat 'yon.

Ano ba 'tong nangyayari sa akin! Ah!

Napatingin ako sa labas ng bintana habang tinitiis ang sakit at nakita ko na nga na ang langit na kulay asul na hinaluan ng kulay itim na hindi ko maaninag kung anong kulay nga ba ang mas matingkad sa dalawa kaya't bilang pag-intindi sa sakit ko, hindi na ako nag abala pang mag-isip at sa halip hinayaan ko na lang ito sa kung anong mang kulay ang mero'n ito.

Habang unti-unting sumasakit lalo ang batok ko, tumayo ako para pumunta ng sala para doon ko i-inda lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Uminom ako ng tubig at saka ako puwesto ng upo sa isang mahabang kahoy ba upuan dito sa sala namin.

"Ugh! Araay!" Halos masira na ang ipin ko kakikiskiss nito upang hindi lang makagawa ng kahit na anong ingay.

Damang dama ko ang sakit ng batok ko pero hindi ko alam kung ano ang dahilan nito kaya habang naka-upo, pinilit kong tiisin na lang at ipahinga kahit na malabong makakatulog pa ako sa lagay kong ito.

                                  *****

Dumaan ang ilang mga oras kong pagpapahinga ay nawala na nga ng tuluyan ang sakit na nararamdaman ko.

"Salamat. . . Hay. . ." saad ko habang todo hinga ng malalim.

Tumayo ako para tignan sa salamin kung anong mero'n sa batok ko kung bakit ito sumakit. Ngunit, akmang titingin pa lang sana ako sa batok ko nang may bigla akong marinig na pamilyar na boses at kung hindi ako nagkakamali boses iyon ni mama na mula sa loob ng k'wartong tinutulugan namin kaya naman agad ako pumunta roon.

"Rona, anak." Napatingin ako sa k'warto namin kung saan kami natutulog lahat nina Mama at Ella.

Nang makapasok ako sa loob nagulat ako sa itsura ni mama, bakas sa mukha niya ang lagi kong nakikitang ekspresyon kapag siya'y nag-aalala.

Nang makita ako ni Mama, marahan itong tumayo dahil sa pagaalala. "Bakit anak? Naramdaman ko na parang may iniinda ka kaya nagising ako," aniya ni mama.

Kakaiba talaga ang kapangyarihan ni mama, biruin mo kahit nasa gitna ng pag tulog gumagana ang abilidad ng kapangyarihan niya.

"Nahilo lang po ako kaya uminom ako ng tubig Ma. Kayo Ma, bakit gising pa po kayo?" tanong ko rito.

Pinagmasdan ako ni mama na parang alalang-alala ngunit biglang na agaw ang pansin niya sa labas ng bintana namin ng parang may napansin siya na kung ano. Hinawi niya ang kurtina at naramdaman ko na parang umiba ng kaunti ang timpla ng itsura ni mama na para bang napalitan ng kaba at tensyon ang kaninang ekspresyon niya na pag-aalala.

REYALONA (COMPLETED)Where stories live. Discover now