21_CHAOS VS SPATIAL

31 9 3
                                    

CHAPTER 21:
CHAOS VS SPATIAL


Rona P.O.V

Isang matinding sikat ng araw ang agad nagpagising sa mahimbing kong pagkatulog. Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko, nang umpisahan kong galaw-galawin ang katawan ko napatingin ako sa gawing ibabaw ng taong yakap-yakap at sinasansadalan ko, kitang-kita ko ngayon ang mahimbing na natutulog na si Noah. Ang mapula niyang labi, matangos na ilong, mapupungay at makakapal na pilik mata at higit sa lahat ang gwapo at maputi niyang mukha.

Hinawakan ko ang pisngi ni Noah habang iniipit sa likod ng tenga niya ang mahaba at magulo niyang mga buhok. Nagniningkad rin kasabay ng sikat ng araw ang makinis niyang mukha, na animo'y kahit na gulo-gulo ang ayos ng buhok niya, nanatili pa rin ang itsura ng pagiging gwapo sa mukha niya.

Sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari kagabi, tungkol sa kung papaano niya ako pangaralan at alagaan nang dahil sa nararamdaman kong takot sa nangyari sa akin, hindi ko akalain na sa kabila ng pagiging ma-autoridad niyang pagkatao ay naroroon ang Noah na mahiyain, pilyo, mapag-alala at higit sa lahat mapagmahal at maasikaso.

Tungkol naman sa ipinakitang ilusyon sa akin noon nang sirpyenteng si Judas, hindi ko alam kung bakit ganoon ang naramdaman ko sarili ko.

I was in the middle by accepting all the regrets and blames coming from to myself at that time. Even if I'd also mourned, that kind of mourn is not all about my mom but instead, that is also all about the risk and overthink that I've taking for at that time. Masyadong masasakit ang ipinakita at ipinaranas sa akin ng sirpyenteng iyon simula nang maranasan ko ang kapangyarihan na meroon siya.

Matapos kong pagmasdan ang mukha ni Noah, napagpasyahan kong tumayo at maghanda na lang ng mga pagkain. Ngunit papatayo pa lang ako nang biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto namin kaya naman medyo nakaramdam ako kaba.

"Ms. Amon, gising na po ba kayo?" Boses ng tao mula sa labas ng pinto ko.

"Ahm opo, per—"

"Gusto raw pong pumasok ng mga kaibigan niyo na mula sa Reya's Alliance."

Shit!? It can't be, bwesit.

"Thank you kuya." Rinig kong boses ni Janelle. "Girl papasukin mo kami na miss ka na namin!"

"Indai we miss you!!"

"Ronaaaaa be!"

"Rona!!"

Kanya-kanyang pamilyar na sigaw ang biglang nagpabilis ng tibok ng puso ko ngayong oras na 'to, lalo na't hindi ko rin alam ang gagawin kapag nalaman nilang magkasama kami ni Noah ngayon sa iisang kwarto.

"R-Rona..." Napatingin ako kay Noah nag-uunat-unat dahil kagigising lang. "Ba't ka nakatayo dyan, tara dito gusto kita mayakap," aniya.

"N-Noah---"

Hindi na natuloy sasabihin ko nang sabay kaming nagulat ni Noah sa sigaw sa labas.

"Indai naiinip na kami kaya papasok na kami sa ayaw at sa gusto—"

Isa-isang napahinto sa pagpasok sina Iryll, Janelle, Janelyn, Yumi, Jane, Mae, Ralph, Billy, Athena, Pollux at Rozi nang makita si Noah na nakahiga sa kama ko na halata pang bagong gising.

REYALONA (COMPLETED)Where stories live. Discover now