18_DEATH MONTHSARRY WITH DEATH THREAT

27 10 1
                                    

CHAPTER 18:
DEATH MONTHSARRY WITH DEATH THREAT


Gaya ng normal na nilang nakagawian dito sa paaralang 'to, nakasanayan ko na rin gaya nila na maaga na ring gumising tuwing umaga.

Pasado mag a-alas syete ay gising na rin ako gaya ng ibang estudyante rito. Ang laking pagbabago ang ginawa sa 'kin ng paaralang 'to kahit na nasa binggit ako nang pagiging makasarili at hindi nag iisip noong mga araw na walang-wala akong makapitan nang dahil sa mga nangyari sa 'kin.

Tanda ko pa noon kung papaano ako naging makasarili noong araw na hinihikayat nila ako maging ka isa sa pagligtas ng Reyalona. Pero ngayon, tila nagbago ang lahat pero ang prensipyo ko na mailigtas ang kapatid kong si Ella ay hindi pa rin nagbabago.


Hindi pa ako nakakatayo sa kama ko nang makita ko ang isang tray na may takip, napaka-aga rin talaga ng mga maid dito na kumilos mahainan lang ang mga estudyanteng nag-aaral dito.

Sa tuwing naalala ko yung mga panahon na kinakailangan ko pang kumilos para sa kakainin nila Mama at Ella, ngayon, nakikita ko ang kaibahan ng sitwasyon ko dito, bukod kasi sa diperensiya ng sistema, nakita ko rin ang malaking pinagka-iba sa oras na maranasan mo ang klase ng ganito karangyang buhay. Hindi naman sa kinakalimutan o nawawala sa isip ko ang pinanggalingan ko pero, sa oras na maalala ko o maisip ko na may taong nangangailangan ng tulong ko, naiinis ako sa sarili ko, feeling ko kasi ay parang nagpapasarap lang ako dito habang yung kapatid ko ay hindi ko alam kung ayos ba ang kalagayan niya ngayon.

Habang naalala ko yung mga panahon na iyon, nakita ko ang isang pouch na ginamit ko noon sa event dito sa school na 'to, binuksan ko ito at nakita ko nga ang larawan na pinaka-iniingatan ko ngayon.

Ngayon buwan na 'to ang unang buwan ng pagkamatay ni mama, labis ang paghihinagpis ko noong araw na 'to noon. Itong araw na rin na 'to ay ang araw na pagkawala rin ni Ella. Kumusta na kaya si Ella, kumusta na rin kaya ang labí ng katawan ni mama doon sa tapat ng bahay namin.

Isinantabi ko saglit ang larawan na hawak ko at saka ako tumayo mula sa kama. Inayos ko lahat ng mga gamit na ginamit ko at saka ako naghilamos.

Nang matapos ako maghilamos ay saka naman ako kumuha ng tuwalya at saka ako umupo sa may tabi ng lamesa ko. Binuksan ko ang laman ng lalagyanan ng pagkain ko at nakita ko nga ang ilang hindi pamilyar na pagkain para sa 'kin, kahit na kasi hindi ko kilala ang pagkaing ito alam ko na mamahalin ito. Nakakalungkot nga rin pala talaga noong unang araw ko dito na kung saan kasabay namin ang iba naming ka mag-aaral at guro na kumain noon sa may Main Hall, sa ngayon kasi ay inihihiwalay o kundi naman kaya ay sari-sarili na kami, simula kasi na malaman nila Prof-T ang tungkol sa 'kin bilang isang tagapangalaga, iniwas niya na ako sa ibang tao bilang pag iingat daw, nakakalungkot man pero respeto at pag uunawa na lang talaga, sana nga matapos na 'to e.

Nang matapos kong ubusin ang pagkain ko, muli kong kinuha ang pouch at saka ko tinitigan ang itsura ng litrato nina Mama at Ella, pinagmamasdan ko ang litrato nila lalo na si Mama, mas lalong umigting ang lakas ng loob ko na sana makita ko siya ngayong unang buwan nang pagkamatay niya. Sa tuwing binabaliwala ko at sinusubukan iwasang isipin dahil nga malabo naman talaga na payagan ako, hindi ko na pinipilit pa ang sarili ko, ngunit ngayon, para bang may kung anong nanghihikayat sa 'kin na umalis at puntahan ang labi ni mama roon sa may tapat ng bahay namin kung saan ko siya inilibing.

Habang pinagmamasdan ko ang litratong hawak ko, sunod-sunod na katok naman ang gumulat sa 'kin dahilan upang tumayo at pumunta ako sa may pinto. Nang silipin ko ang butas na tumatagos sa labas ng pinto ko, nakita ko sina Billy, Ralph, Iryll, Janelyn, Jane at Athena. Nang makita ko si Athena ay medyo nanlaki ang mata ko dahil hindi ko alam kung bakit siya naririto sa kuwarto ko kasama ang mga kaibigan ko. Ang dumi-dumi pa naman ng kuwarto dahil tamad talaga ako. Kahit na kasi na may tagalinis ako, ayokong nagpapalinis, gusto ko kasi na ako lang ang mag lilinis sa kuwarto ko dahil kaya ko naman ito at personal ko itong kuwarto kaya dapat matuto akong maglinis nito.

REYALONA (COMPLETED)Where stories live. Discover now