34_EVERY CHOICES IS DEPTHS

27 9 2
                                    

CONTENT WARNING:

This story may contain explicit language, murder, violence and theme that can be harmful or triggering to some readers.

Few chapters or maybe all parts of these story may contain themes or scene that may not be suitable for any young readers. Readers discretion is highly advised.

Giving feedback or thoughts is highly appreciated, thank you again for reading.
______________________________________

CHAPTER 34

Third Person P.OV

        How to survive if you need to choose, how to survive if you need to sacrifice one of the important choices, and also how to choose when all of the choices is needed and important.

        Tanaw ng mga tao na nasa tore ng utera ang lahat ng mga kaganapan sa loob at labas ng isla, tila maging sila ay nagulat sa mga nangyari, nagkaroon ng tensyon ang lahat ng mga tao sa doon sa loob ng tore kaya naman galit na ipinagpapaliwanag ng mga nakaluluklok at opisyales ang mga nasaksihan na pangyayaring naganap na gumulat sa kanilang lahat, pawang laging mga tanong sa mga nangangasiwa sa Reyalona Academy ay kung bakit hindi nila napansin ang pagiging espiya ni Riza Silvaticus. Ang mga mamayan naman ng tatlong kabisera ay pawang kinakabahan rin sa mga nangyayari, lalong lalo na ang mga nasa hanay ng Hilagang Kabisera na kung saan orb nila ang pinag-uusapan.

       Sa gitna ng dilim na kung saan mahigit magdadalawang oras nang wala si Rona at Noah, ka pansin-pansin din ang lubusang panghihina ng grupo ng Reya's Alliance at ilang mga naunang tagapangalaga. Sa madaling salita, kahit na si Riza na lang ang halos kalaban nila ay hindi pa rin nila ito makaya.

        "Kung hindi kayo nanlaban, hindi niyo 'to mararanasan." Nagbago at nag palit sa napaka tulis na kristal ang anyo ng kamay ni Riza at nang matapos siya makapag palit ay saka naman na mabilis niyang nasugatan ang leeg ng lahat ng miyembro ng Reya's Alliance. "Mararanasan niyo ang iba't ibang klase ng pasakit ng dahil sa pangingialam niyong magkaka-grupo."

        Kahit na duguan, nagawa pa rin ni Mae na tumawa. "Ang daldal mo, kung papatayin mo kami patayin mo, kasi ako, pag naka wala ako dito, ako ang papatay sa 'yo." Nang gigil na tinuran ni Mae.

        "Asahan mo ako dyan girl... Ganitong sabog na sabog na ako sa sobrang bad trip sa babaeng 'to. Gustong-gusto ko na siya patayin!" Nang gigil rin tinuran ni Janelle bago niya tuluyang nilabas ang libro niya at nagpalit mula sa napaka kulay lila niyang mga mata.

        Walang sinayang sina Janelle at Mae at saka mabilis na tumalsik ang lahat ng Abyssus Beast na nagbabantay sa kanila, naka-on mula sa anyong anodite na sumugod si Janelle, si Mae naman ay firm with high massive intensity rin ang aura na sumugod sa kinaroroonan nina Riza ngunit imbis na suportahan ng mga kasama sina Janelle at Mae ay puwersahan nila itong pinigilan, si Athena ang pumigil kay Mae at si Pollux naman ang kay Janelle.

        Hawak-hawak ni Pollux ang dalawang kamay ni Janelle mula sa likod nito. Si Athena naman ay ganoon din kay Mae.

        Nang makita ni Riza ang ginawang pagpigil ng dalawa kina Mae at Janelle ay natawa ito.

        "BAKIT NIYO KAMI PINIPIGILAN!" Isang nakakakilabot na echo ang lumabas sa bibig ni Janelle.

        Akmang tatanggalan pa sana ni Janelle si Pollux nang mana upang manghina ito nang tutukan siya ni Pollux sa leeg nang mga napakatulis at malikido nitong maugat na mga daliri sa kamay.

        "Pati ba naman ikaw traydor!?" Galit na sigaw ni Janelle.

        "Hindi ako traydor, Janelle. Kung magiging bayolente ka, mamatay ang bata." Natigilan si Janelle sa pagiging pa dalos-dalos nang marinig nito ang mga sinabi ni Pollux.

REYALONA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon