31_ATTRIBUTIVE FACTICITY

Start from the beginning
                                    

"Mag tago na lang muna tayo sa ilalim—"

Napahinto si Noah sa dapat na sasabihin niya nang biglang may pagsabog na naganap sa likurang banda namin. Sa lakas ng pagsabog na 'yon ay halos hindi kami nakagalaw sa mga kanya-kanya naming mga puwesto.

Nagkadikit-dikit ang mga likuran namin nang biglang may mga mabibilis kaming napansin sa gitna ng usok sa kadahilanan ng pagsabog.

Mabibilis ang mga itong naglilipatan ng mga puwesto kaya naman napilitan kaming magdikit-dikit.

Maya maya, isang pa sugod sa direksyon namin ang naramdaman kong presensiya kaya naman nang maaninag namin ito, naghanda kami ngunit nagulat kami sa ginawa ni Pollux.

Dinakma ni Pollux ang mukha ng isang Abysuss Beast na balak sanang sugurin kami. Nang madakma ni Pollux ang mukha ng Abysuss Beast na 'yon, ay agad niya nga itong sinalubsob sa kinaapakan niya at nagulat na lang kami nang pigain ni Pollux ang mukha nito hanggang sa pumutok na nga lang ito sa lupa.

Sa mga nangyayaring 'yon, mas lalong dumami pa ang lumusob sa amin kaya naman muli kaming napasabak sa laban. Lahat ng mga Abysuss Beast na lumusob sa amin na nakatago mula sa matinding usok ng pagsabog, mabilis naming pinapatay ngunit tila hindi sila ma-ubos-ubos kaya naman napilitan si Noah nagamitin ang kapangyarihan niya upang lamunin ng dilim ang mga Abysuss Beast.

Basang-basa na kami nang dahil sa matinding ulan, pawis na pawis na rin kami nang dahil sa pagod. Pawis at tubig ulan, 'yan ang mga kasalukuyang naghahalo sa mga katawan namin. Puro na rin kami mga dumi at putik bukod din do'n puro rin kami may mga pasa at galos ng dahil sa hindi matapos-tapos na mga laban sa pagitan namin ng mga Abyssus Beast.

Sa pag kumpas ni Jane ng ispada niya, napayuko kaming lahat ng dahil sa ito ang utos niya. Nang matapos namin maramdaman at marinig ang napaka tining na tunog ng hangin, nagulat na lang kami na bagsak na ang ilan sa mga Abyssus Beast ngunit syempre, hindi 'yon do'n natatapos dahil napakarami pa ng dapat naming kalabanin na Abyssus Beast.

Gamit naman ang flat barrier na mula sa kapangyarihan ni Janelyn na lumalabas sa dalawang kamay niya, ayon ang ginagamit niyang panlaban upang protektahan niya ang sarili niya. Samantala sina Pollux at Noah naman, dahil malakas sila sa pakikipaglaban na kahit mismong kamao nila at mga binti ay kaya nang makapatay ng isang gaya ng uri ng Abyssus Beast, hindi na sila nag aaksaya ng aura at lakas para lang mapatumba ang mga Abyssus Beast. At ako naman, gaya rin ng mga kasamahan ko, lahat ng mga lumalapit na mga Abyssus Beast sa akin, ay binabalibag ko gamit ang kapangyarihan ko.

*****

Bagsak at halos walang malay na napapalibutan kami ng mga Abyssus Beast na napatumba namin. Ang ibang paparating na mga kalaban ay kinakailaban ng mga kapwa nila Abyssus Beast nang dahil sa abilidad na ipinasa ilalim ni Iryll sa ibang Abyssus Beast.

Tila lupaypay kaming nakabagsak rin sa may putikan. Habang naka-upo, sinubukan na naming tumayo, hindi kasi kami maaring magtagal sa pamamahinga dahil bukod sa tinatakasan namin ang Hera na si Ysyndro, hinahabol rin namin ang oras na dapat ay siyang una naming ginagawa.

"Guys?" boses ni Athena mula sa Communications Stone.

"Nasaan kayo?" tanong ni Noah.

"Nandito kami Capt sa may sentro, kasama na namin ang grupo ni Rozi pero siya ang wala rito," sagot ni Iryll.

"Hindi ba't abilidad mo ang may gawa sa mga Abyssus Beast na kumalaban ng kapwa nila?" tanong ni Noah.

REYALONA (COMPLETED)Where stories live. Discover now