23_NOTHING BUT A TRUTH

Zacznij od początku
                                    

"Rona, hija."

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Prof-T mula labas ng bilog na humaharang sa amin dito sa loob.

"Kumusta ka, ayos ka lang? Wala kaming magawa para masira 'to para matulungan ka na namin dyan sa loob. Napakatibay at lakas ng bilog na 'to." Kita ko ang pag-aalala sa mata ni Prof-T kaya naman nginitiaan ko lang siya at pinakalma.

"H-H'wag po kayo mag-alala Prof-T, kaya na po namin ni Rozi 'to..."

Sinubukan ko nang tumayo at maglakad, narinig ko pa ang ilang paalala ni Prof-T ngunit hindi ko ito pinansin dahil alam kong nag-aalala lang siya.

".... You, you disappointed me Rozi," aniya nang mama ni Ms. Riza habang nakatitig sa anak niya. "I'd expect a lot from you, Rozi. I thought you can easily defeat everyone's here , but your such a faulty child that I had, mahina kang nilalang."

Hindi ko alam pero para sa akin napakasakit ng mga salitang iyon pero nang titigan ko ang mukha ni Rozi para lang normal sa kanya ang lahat ng mga sinabi ng magulang niya.

"Oo siguro mahina ako, pero I am not faulty child, you are defective mom, I was came from you kaya 'wag mo akong kwestyunin kung bakit ako ganito."

Para silang magka-away na grabe ang pagpapasakitan ng salita sa isa't isa, hindi ko alam pero halos pareho akong biglang nakararamdam ng awa sa mga binabato nilang salita sa isa't isa sa kanila. Para silang hindi mag ina kung mag away at magsalita.

Nang matapos ang tungkol sa kanila pareho na silang hindi umimik nang matapos nilang sabihin sa isa't isa ang mga sinabi nila kanina at kasabay nga no'n ay nawala na nga rin ang bilog na humaharang kanina sa puwesto namin na mula sa sa labas na galing din sa kapangyarihan ni Ms. Riza. Ilang mga medical team na rin ang umaalalay kay Rozi nang mawala ang bilog, tiningnan nila ang kalagayan ni Rozi ngunit ito namang si Rozi ay tinabig niya lang ang mga ito at saka umalis nang hindi nagsasalita.

Matapos umalis ni Rozi, pinuntahan na ako nang mga kaibigan ko at ginamot agad ako ni Janelyn. Maraming tanong ang biglang itinanong nila sa'kin ngunit hindi ko na nagawang sagutin ang lahat ng iyon dahil nanatiling nakatitig ako kay Rozi habang naglalakad ito pa layo.

Samantala ang mama niy namang si Ms. Riza ay saglit lang din akong tinitigan at saka na rin siya muling umupo sa upuan niya na animo'y kala mo walang nangyari.

Yung ibang tao, halata pa rin ang takot kay Ms. Riza ngunit ang iba naman gaya ng mga Magic Council, opisyales at mga mahaharlikang pamilya ay nanatiling kalmado at walang paki-alam.

Sa ilang mga ginawang interogasyon ni Prof-T kay Ms. Riza ay wala ito gaanong nakuhang ideya dahil nanatiling kalmado at naka upo lang ito, kung paminsan-minsan ay tumitingin din sa akin si Ms. Riza pero ang tingin niya ay parang tingin na lang ng isang ordinaryong nilalang na basta lang napatingin.

Gustuhin ko mang humingi ng paumanhin kay Ms. Riza sa mga nangyari ngunit hindi ko pa rin kayang gawin, ganoon din kay Rozi, gustuhin ko man siya sundan kanina at hanapin ngayon pero hindi ko magawa dahil sa takot na kung sakaling magkita at pinuntahan ko siya ay baka mag away lang kami, kaya mas minabuti ko na lang din na respetuhin ang kasulukuyang nangyari at pigilan siyang hindi sundan kahit na alalang-alala na ako para sa kalagayan niya.

Bago pa matapos ang event ilang mga parangal at paalala mula sa iba't ibang tao't pamilya na may mga matataas na katayuan mula sa apat na kabisera ang nag bigay payo sa amin. Yung iba ay basbas ang ginawad sa amin lalo na yung mga matatanda, yung mga kilala at mahaharlikang pamilya naman binigyan kami ng ilang sapat na dasal maliban lang sa representante ng kabisera ng Melo-Aqua. Matapos ang lahat ng 'yon, ay nag si alisan na sila, yung ibang magulang ng mga kasama ko  naman sa Reya's Alliance kinausap pa sila, medyo naging ma-drama nga rin ang dating ng mga pag uusap nila kaya naman maging ako ay labis din na naapektuhan.

REYALONA (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz