11_IMPACT OF RESPONSIBILITIES

Начните с самого начала
                                    

"Nais ko mahawakan ang babaeng 'yan, maari ba?" tanong ng matanda kay Ms. Mica upang ito'y makalapit na sa akin.

Napansin ko ang pagtango ni Prof-T at gayundin si Headmistress Coline kaya naman walang nagawa si Ms. Mica at sumunod na lang siya.

Halos isang dangkal na lang ang layo ko sa puwesto ng matandang babae kaya naman sinubukan kong pilit kontrolin ang lahat ng takbo ng katawan ko. Mariin at tutok ang bawat detalye ng bawat titig sa 'kin ng matanda at ganoon din ang mga kasamahan niya. Nalulunok ko na lang ang lahat ng takot ko sa katawan upang pigilan itong hindi mahalata gaya ng utos sa akin.

Isang kamay ang biglang humawak sa kamay ko sa lahat ng matinding takot na nararamdaman ko. Napatingin ako sa kamay na humawak sa kamay ko, gusto kong magpasalamat sa may-ari ng kamay na 'to dahil kahit papaano ay nawala ang kaba ko.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay na hawak-hawak ko nang biglang lumapit na sa akin ang matanda.

"Napano 'tong marka na 'to sa mukha mo hija?" Bigla akong nagtaka sa sinabi ng matanda.

"Marka?" tanong ko dahil hindi ko alam ang tinutukoy niya, sa halip ang alam ko ay wala akong marka sa muka liban na lang kung may nilagay si Headmistress Coline dahilan ng pagsakit nito kanina ng hawakan niya 'to.

"Hindi mo alam na may marka ka sa mukha?" nagtatakang tanong nito.

Akamang sasagot pa lang ako nang biglang may tumunog na kalembang sa ikalawang palapag kung nasaan ang mga mang aawit at ang ilang orkestra na inupahan sa piging na ito.

Napatingin kaming lahat sa itaas at nakita namin si Iryll na naka ngiti doon kasama ang ilang mang-aawit ng paaralan.

"Senya na guys kung naagaw ko ang pansin niyo ha, curios lang ako sa tunog nito hehehe! Sensya n—" Hindi ko na natapos paringgan ang mga sinasabi ni Iryll nang may humatak sa kamay ko patalikod.

Nang magawi ang tingin ko sa likod nang dahil sa humatak sa 'kin, nakita ko ang mukha ni Noah na walang emosyon na nakatitig sa 'kin, "Ang marka. Sabihin mo na disenyo 'yan sa lugar niyo bilang tanda na pakiki-isa sa paburitong bulaklak ng bathala na si Reya at sabihin mo rin ang mama mo lang ang may gawa niyan." Bigla akong napa-isip sa mga sinabi ni Noah.

Napahinto na lang ako sa aking pag-iisip tungkol sa sinabi niya sa 'kin nang makita ko ang na ang kamay niya pala ang pinaghuhugutan ko ng tapang at lakas simula kanina nung natatakot ako.

"P-Pasensya." Biglang bumitaw si Noah sa pagkakahawak sa kamay ko nang mapansin niyang nakatitig ako dito.

Napansin ko ang mabilis niyang paglipat ng puwesto bago huminto sa kakasermon si Prof-T kay Iryll.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung anong biglang pumitik sa puso ko nang malaman ko na siya pala ang humawak sa kamay ko. Ano ba 'to, nakakainis!

"Hija?" Muli akong napaharap sa matadang kausap ko kanina.

Nang makaharap ako muli sa matanda ay tila bang bumalik ang lahat ng takot ko sa katawan ko. Ang naudlot niyang paghimas sa mukha ko ay siya niyang tinuloy muli bago siya huminto at pumikit. Mayamaya, isang liwanag ang lumabas sa palad nito kasabay ng pag ilaw ng mata niya dahilan upang mapaatras ako ng ilang hakbang sa sobrang takot.

"A-Ano pong gagawin niyo?" tarantang tanong ko.

"Aalamin ko kung ano o sino ang may gawa ng markang 'yan sa mukha mo," anito kaya naman napatingin ako sa mga kasamahan ko na bakas ang pag-aalala. Napatingin ako kay Noah na walang emosyon na nakatitig sa 'kin ngunit pansin ang kaunting pawis niya sa kanyang noo.

Akmang hahawakan na ng matanda ang mukha ko nang humakbang ako papa-iwas, "H-Hindi na po kailangan, n-naalala ko na ang nangyari." Biglang nawala ang liwanag sa mata ng matanda ng sabihin ko ang mga bagay na 'yon sa kanya.

REYALONA (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя