Nakaka-kaba man ang nangyayari sa akin ngayon, gusto ko pa rin na ipakita na kaya ko pang lumaban.

Ramdam ko na ngayon ang mga malalaking bato nag-uunahan sa likod ko na makapasok sa loob ng portal ni Janelle kaya laking gulat niya rin nang makita niya na ang dahilan ng paghinto ng mga bato ay walang iba kundi ako.

"You looked so scared, totoo ba 'yan?" pang-gagaya ko sa una niyang tanong sa 'kin nang tignan ko siya.

"P-Paano— Stop mocking me! Hindi mo ako kaya tandaan mo yan!" Galit na sigaw ni Janelle hanggang sa isang malaking bato ang kinontrol niya gamit ang nag dudugtong sa sarili niya mula sa kapangyarihan na mero'n siya. Kinontrol niya papunta sa direksyon ko ang malaking bato ngunit hindi pa nakakadikit sa akin ang bato nang titigan ko lang ito ay bigla na itong nasira.

"H-Hindi p'wede..." Gulat na gulat niyang sabi.

Isa-isa kong pinalutang mula sa ibaba niya ang lahat ng bato, wala akong sinayang mula sa maliit hanggang pinakamalaki nitong tipak. Nagsisiliyaban na rin ang mga bato mula sa ulo-an niya kaya mas lalo siyang nakaramdam ng takot nang makita niya ang mga ito.

Dalawang malaking tipak na bato, ang pinabulusong ko sa direksyon niya kaya agad niya namang pinalakas ang energy shield na promoprotekta sa kanya.

"A-anong k-klaseng kapangyarihan ang m-meroon ka?!" aniya habang pilit iniingatan na hindi siya mapipi ng dalawang bato sa magkabilang gilid niya.

Hindi ko siya sinagot at sa halip ay isang malaking bato pa ang hinati ko mula sa maliliit na piraso at saka ko ito isa-isang pinabulusong papunta sa direksyon niya.

Sa laki at sa dami ng bato mula sa dimensional simulator na 'to, lahat ng mga iyon ay sa kanya ko lang pinunta.

Tuluyan nang nawala ang librong hawak ni Janelle pati na rin ang portal na ginawa niya. Yapos na yapos siya habang nakahilata mula sa isang malaking tipak na bato, hinang-hina na siya sa lahat ng natanggap niya mula sa akin, puro sugat at dugo na rin ang natamo niya nang saluhin niya ang mga batong nagliliyab na galing sa 'kin kaya naman nangangamba rin ako sa posibleng mangyari dahil alam kong sumobra  ata ako.

Marahan akong naglakad mula sa direksyon niya. Hindi ko tipo ang pumatay ng kahit sino lalo na't wala naman siyang atraso sa 'kin. Alam kong mainit lang ang ulo niya kaya niya nagawang ipalamon ako sa dimensional portal na ginawa niya, ngunit kahit na nabigo siya gusto ko pa rin malaman kung bakit gano'n na lang ka init ang dugo niya sa 'kin.

"Sampal lang ginawa ko sa panlalait mo sa 'kin noon. Pero hindi ko naman inaasahan na ganito ka pala kung gumanti. Sa isang sampal mula sa pisngi mo buhay ang kapalit. Ganyan na ba ka halang ang sikmura mo kaya kahit pagpatay handa kang gawin?" tanong sa kanya habang nakaupo siya at nakatitig sa inuupuan niya.

"Tapusin mo na lang ako, ang dami mo pang sinasabi." tanging sagot niya. Kaya naman nagtaka ako.

"Tapusin? Hindi ko ugali ang ugaling mero'n ka Janelle. At isa pa, training 'to at sadyang ikaw lang ang handang pumatay sa ating dalawa!" sagot ko.

"Kung gano'n, ako ang gagawa—" mula sa likuran niya, may hinugot siyang kung ano kaya agad naman akong ninerbyos kaya hindi ko sinasadyang napatalsik siya mula sa isang malaking tipak na bato sa dulo.

"Janelle!" sigaw ko nang akmang malalaglag sana siya sa ilalim ng kalawakan ng dimensional simulator ng dahil sa 'kin pero bigla ding nawala ang lahat ng ito at bumalik na lang sa ordinaryo nitong itsurang gusali.

_

Walang malay na bumagsak si Janelle sa sahig kasabay ng dagger na hawak niya. Agad akong tumakbo papalapit sa direksyon niya upang tingnan kung anong lagay niya.

REYALONA (COMPLETED)Where stories live. Discover now