07_BRUTALITY TRAINING

Magsimula sa umpisa
                                    

Napansin kong pinunasan ni Janelyn ang mata niya, "Pero kahit na gano'n, dapat hindi tayo maawa sa sarili natin. Pangkalahatan 'to at lahat tayo dito sa kabiserang ito ay makikinabang sa oras na makuha natin ang solar orb kaya dapat. GV, GV lang," aniya saka niya ako niyakap.

"Baliw... " saad ko habang nakangiti bago ko siya marahang yakapin.

Hindi ko naman kasi akalain na mag c-comfort ako nang isang taong 'di ko naman close.

"Osiya, kailangan na natin pumunta sa training ground dahil mahigit 30 minutes na tayong wala do'n." Napatango naman siya at saka na kami tumakbo.

For almost a lot of time, 'di ko pa rin talaga alam kung ano ang dapat kung pang hawakan sa lugar na'to, ni hindi ko nga rin alam kung dapat ba silang pagkatiwalaan. Alam ko naman na kilala ang paaralan na 'to nang dahil sa mga magagandang napapabalita dito, ngunit syempre bilang pag iingat, hindi ko pa rin maiwasang kabahan para sa sarili kong kaligtasan. Naghalo na kasi sa utak ko ang pangamba, takot at lungkot. 'Di ko na talaga alam kung saan ko ba dapat ilugar ang salitang 'saya' sa tuwing maalala ko ang mga buhay na nawala at mawawala nang dahil sa 'kin. Kaya kahit na masakit, hirap na rin akong mag tiwala.

Tumakbo kami ng tumakbo kahit hindi ko naman alam kung saan kami dapat pumunta kaya naman agad akong napahinto. Napatingin ako kay Janelyn na panay ang tawa, "Ano na realize mo?" tanong niya habang tumatawa.

Napansin niya ang pag iba ng timpla ng mukha ko kaya mas lalo siyang humalaklak nang pagkakatawa. "Sorry na Rona, natawa lang talaga ako. Nagulat ako kasi akala ko alam mo na talaga," aniya na hindi matigil-tigil sa kakatawa.

"Tara na umalis na tayo, b'wesit ka." Napairap ako sa kanya dahil hindi pa rin siya tumitigil sa kakakatawa.

Habang tumatakbo kami, sa bawat nadadaanan naming mga estudyante hindi ko maiwasang mapatingin lahat sa kanila dahil damang-dama ko ang mga titig nila. Lahat sila mga nakangiti pero dama ko pa rin na parang ang lungkot. Ewan ko pero hindi maiwasan ng labi ko na suklian ang mga ngiti na 'yon, kahit ba kasi na baguhan lang ako dito sa lugar na 'to hindi ko pa rin maiwasan na mangamba para sa sarili ko at para sa kanila.

Nang huminto kami sa isang pinto, nakarinig ako ng ilang kalabog mula sa loob nito, "Ito na ba 'yon?" tanong ko at naapangiti naman siya.

Nang makapasok kami sa loob, para bang kumalabog lahat ng sulok nito sa sobrang ingay na mula sa isang bilog na nasa harapan namin.

Nang makalapit-lapit na kami, nakita kong nakatayo sina Janelle, Yumi, Sir Aljun, Ms. Mica at Prof-T na para bang may pinapanood. Hindi namin na agaw ang pansin nila kaya naman napatitig kami sa pinagkakaabalahan nila.

Nakita kong magkatabi sina Mae, Iryll at Ralph at sa kabila naman nila ay sina Billy, Jane at Noah. Para bang pare-pareho silang pagod at puno ng galos sa katawan. Maya maya, nagulat ako sa biglang pagsugod ni Jane. Hindi ko napansin ang mabilis niyang galaw dahil agad silang nag tama ni Mae ng kanilang ispada. Nang mag tama ang pareho nilang ispada, mas nawindang ako sa sunod na nangyari dahil sa mga ginawa ni Mae. Sinipa niya sa tagiliran si Jane dahilan para mamilipit ito sa sakit at tumalsik papunta sa kabilang gilid ng arena.

Shit. Ako nasaktan do'n para kay Jane.

"Woah... Buo pa kaya buto niya sa tagiliran?" natatawang tanong ni Janelle kay Yumi.

Totoo yun. Gano'n din ang itatanong ko kung sakaling close ko silang lahat. Sa sobrang bigat ng paa ni Mae, hindi ko alam kung may tyansa pang makatayo si Jane sa kinatatayuan niya. Totoong pareho silang malakas pero 'di hamak na mas magaling si Mae sa ganitong klase ng laban. Iyong tinatawag nilang bardagulan? Sa bigat ng bawat sipa at suntok ni Mae, malabong hindi ka sumuka ng dugo.

REYALONA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon