03_REYA'S ALLIANCE

Magsimula sa umpisa
                                    

Habang pinagmamasdan ko si Ella nakaramdaman ako nang awa, nang dahil kasi sa murang edad, naranasan niya na ang mawalan ng parehong magulang, gustong-gusto ko siya yakapin at iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa, pero dahil nga nasa ganitong sitwasyon kami, hindi ko pupuwedeng gawin iyon dahil hangga't nabubuhay ang mga taong pumaslang sa magulang namin, hinding-hindi maatim ng sikmura ko na huminto sa kagustuhan ko habang sila malaya lang na pumapaslang ng iba pang pamilya o tao. At hinding, hindi talaga maari iyon.

_

Pinunasan ko ang luha ko nang isang puno ang bumagsak papalapit sa akin kaya agad akong lumayo rito upang umiwas.

"Ate!" sigaw ni Ella na halatang nag-alala sa akin, dahil akmang pupunta pa sana ito sa kinatatayuan ko.

"D'yan ka lang Ella!" Utos ko na siya namang mangiyak-ngiyak niyang sinunod.

"Ate sa likod mo!" sigaw muli ni Ella kaya napalingon ako at sakto ngang may isang halimaw na lumusob sa 'kin.

Nakailag ako ngunit ramdam ko ang hapdi sa mukha ko nang dahil sa tulis ng kuko ng halimaw na lumusob sa 'kin.

Pinunasan ko ang dugo sa mukha ko at saka ko hinanda ang ispada ni Mama na gagamitin ko pantapos sa buhay ng mga walang hiya na 'to.

Nakapalibot ang mga halimaw sa akin ngayon na para bang nag-iingat din sila sa mga gagawin nila sa akin.

Mahigpit kong hinawakan ang ispada ni Mama at saka ako huminga ng malalim.

"Pagbabayaran ninyo ang ginawa ninyo sa magulang ko, sisiguraduhin ko na may dadanak na dugo sa sa atin dito at kayo 'yon." Saka ako lakas loob ng tumakbo papalapit.

Hindi ako ganoon ka bihasa sa pakikipaglaban lalo na sa paghawak ng mga patalim o kahit na anong sandata. Ngunit sapat ang kakayanan ko upang ipagtanggol ang sarili ko laban sa mga gaya nitong mga halang ang kaluluwa.

Agad silang tumalon ng mataas kaya napahinto ako. Maya maya ay sabay-sabay naman silang naglikot sa itaas. Tumatalon-talon sila ng mabilis sa bawat puno na masasampahan nila. Sa sobrang bilis nila ay hindi ko na makita ang bawat galaw nila.

Maya maya pa, sa gitna ng patatalon-talon nila, isang kakaibang uri ng kutsilyo ang biglang bumulusong papunta sa p'westo ko kaya agad akong umilag ngunit na-dali pa rin ako ng mabilis nito dahilan upang masugatan ang bewang ko, kaya naman napahawak ako sa bewang kong panay ang pag agos ng dugo ngayon.

Kapareho ito ng sugat ko sa mukha na hindi rin tumitigil sa pagdurugo simula kanina pa. Ano kaya 'to...

Tumayo naman agad ako nang maayos ngunit isang matalim na bagay na naman ang bumulusong papunta sa akin. Natamaan na naman ako sa hita at ganoon na lang din ito kung mag dugo kagaya ng mga nauna.

Peste. Paano ko sila papatayin kung ganyan sila ka likot. Ni wala akong makita sa sobrang liksi nilang kumilos.

Agad akong tumayo ulit ng maayos saka akmang gagamitin ang kapangyarihan ko laban sa kanila ngunit hindi ko pa naku-kontrol ang kapangyarihan ko nang biglang may papunta na naman sa akin na mahigit anim na matutulis na sandata.

Nailagan ko ang dalawang patalim ngunit napuruhan pa rin ako ng ilan dito. Para akong na-uubusan ng dugo nang dahil sa mga sugat na natatamo ko. Hindi normal ang pagdurugo ng sugat ko dahil kahit maliit lang ang galos ay tuloy pa rin ito sa pag dugo. Sinubukan kong tumayo kahit na ayaw na nang katawan ko, ginamit ko ring pang-alalay ang ispadang hawak ko at pinutol ko rin ang mahabang tela sa palda na suot ko upang sa gayo'y makakilos na ako nang mabilis. Ngunit hindi pa ako nakakatayo nang biglang umatake ang dalawang halimaw mula sa likod at harap ko.

Damang dama ko ang tulis ng armas na mero'n sila no'ng tumama ang mga ito sa magkabila-ang gilid ng bewang ko. Tagaktak na ang mga dugo na nawawala sa katawan ko sa oras na 'to. Hindi ko na rin kayang tumayo at lumaban dala nang panlalabo ng paningin ko.

REYALONA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon