"Ma."

"M-Ma?"

"M-Mama!"

"Mama!?"

Mahigit tatlong beses kong tinawag si Mama at naalimpungatan lang siya ng tapikin ko siya sa pang-apat na beses.

"A-Ah. . .w-wala anak, m-matulog na tayo." Utal-utal na saad ni mama at saka niya ako nilapit sa kanya at saka niya ako niyakap habang hinihimas ang ulo ko.

"Ayos ka lang Ma?" tanong ko kay mama habang nakatingala sa mukha niya.

"Oo anak, tulog ka na." Saka niya ako nginitian.

Nginitian ko na lang din si mama bago ko siya niyakap pabalik at saka ko na hinayaan ang sarili ko na makatulog sa mga hita niya.

*****

Sa sobrang himbing ng pagkaka-tulog ko nagising na lang ulit ako sa mga narinig kong sunod-sunod na ingay mula sa labas ng bahay namin kaya naman napabangon ako ng mabilis upang alamin kung ano ang ingay na iyon.

Para kasing ginigiba ang gawa sa kahoy naming bahay nang dahil sa matinding ingay at ilang mga yabag na mula sa labas na hindi ko mawari kung ano ba 'yon at ganoon na lang kalakas na parang ginigiba ang bahay namin.

Nang maalimpungatan nga ako ay agad akong tumayo mula sa aking pagkakahiga, kinusot ko rin ang mata ko dahil sa sobrang antok pa talaga ako. Nang mahimasmasan na ako ng kaunti ng dahil sa ingay, ay saka ko na nga napansin na parang kami na lang ata ni Ella ang nasa kuwarto namin, na siya namang tunay kaya naman labis ang kabang naramdaman ko bigla. Tinignan ko ang orasan mula sa katapat kong dingding at pasado alas-dyis na nga umaga.

Tuloy pa rin ang ingay sa labas na para bang mga yabag ng kabayo na may bitbit-bitbit ng mga karwahe ang kasalukuyan kong paulit-ulit na naririnig. Hinawi ko ang kurtina sa bintana namin at tinignan ko nga ang labas namin at inaalam ang mga hindi matapos-tapos na ingay simula kanina at tama nga ako, puro karwaheng may mga bitbit na pamilya ang madaling madali na animo'y para silang may tinatakasan at nagpapabilisan na parang ewan. Ngunit habang tinititigan ko ang mga karwaheng tuloy lang sa pag arangkada, ang mas umagaw ng pansin ko ay ang kulay nga ng langit na hanggang ngayon ay itim pa rin. Mistulang gabi pa rin ito sa dilim ngunit umaga na sa orasan nang tignan ko ito kanina.

Ang gulo, ano ba ang nangyayari?

Sa ilang segundo kong pagmamasid sa langit, nakaramdam ako ng kaba kaya dali-dali akong tumayo dahil wala rin dito sa tabi namin si mama at mukhang kailangan na rin naming kumilos sa kung ano man 'tong nangyayaring 'to.

Ano ba to!?

Lumabas ako papuntang sala para tignan kung nandon si mama ngunit hindi ko pa rin siya nakita. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko kaya naman lumabas ako ng bahay para doon mag hanap. Sa ilang minuto kong paglilingon-lingon, nakita ko si mama sa labas na may kausap kaya agad ko silang nilapitan.

Haaay! Kinabahan naman ako doon.

"Ang dagat mare, naglabas ng liwanag kaninang madaling araw. Bali-balita na naglabas ito ng mga masasamang pangitain sa mga tao dito sa atin at gano'n din sa ibang kabisera." Halos tarantang-taranta sagot nang kausap ni mama.

"May balita kaba kung anong ibig sabihin niyan, nararamdaman ko kasi na may mangyayaring gulo." Ramdam ko sa bawat bigkas ni mama ang takot na hindi niya hinahayaang makita ng kahit sino kahit na nababalutan ang paligid niya ng tensyon at katatakutan. Ngunit, bilang anak, mas kinakabahan din ako sa kalagayan niya ngayon dahil hindi dapat siya tumatayo o kumilos man lang dahil baka makasama sa kanya ito at sa katawan niya.

REYALONA (COMPLETED)Where stories live. Discover now