SEDRIC'S SIDE

9K 246 12
                                    

(A/N : Hi! This is the Point of view of Sedric Hun De Mesa. Yung past parang flashback ganun. Kasi sa previous chapter POV lang ni Lesley ang nakalagay. So to clarify things up at para maintindihan niyo din ang side ni Sese. Thank you! )

2 years ago ...

"Sese! Maganda ba ako?" tanong sa akin ni Lesley habang sukat sukat niya yung gown na gagamitin niya para sa prom namin.

"Hindi hahaha!" biro ko. Pero sa totoo lang mukha talaga siyang prinsesa kahit hindi pa siya ganong naayusan. Inaatake ka na naman ng ka cornihan Sedric -.-

"Hmp! Ganyan ka naman lagi e. Lagi mo na lang sinasaktan ang damdamin ko." tampong sabi niya at pumasok muli sa fitting room. Opps! Napasobra na ata ako.

Sinamahan ko kasi siyang kunin yung pinatahi niyang gown para sa prom namin bukas. Ako ang ka partner niya at wala nang iba pa. Patay sa akin ang magtangkang lapitan ang prinsesa ko. Mwahahaha!!

"Tara na. Okay na to!" sabi niya nang naka pout. Ano ba yan masyado ata niyang dinamdam yung sinabi ko kanina.

"Pst?! Galit ka ba?" tanong ko sa kanya. Pero hindi niya ako kinikibo. Ano ba yan! Nagtatampo? Nagpapalambing lang to e. Haha!

"Sorry na prinsesa ko. Binibiro lang naman kita kanina e. Ang ganda ganda mo kanina para ka nang tunay na prinsesa yun nga lang akin ka. Prinsesa na kita." bulong ko sa kanya habang naka back hug. The sedric's style \m/

"Ano ba yan!? Dapat magtatampo ako sa'yo e." naka pout niyang sabi.

"Yiee! Di ako matiis." pang-aasar ko.

"Eh kasi nga gusto kita." nakangiting sabi niya at oras naman na ito para ako naman ang kiligin. Hehe

"Di mo na naman ako sinagot." malungkot niyang sabi. I know I like her but I'm not sure if I love her or I'm just enjoying her company. Baliw diba?

"Tss. Di naman kailangan may sagot sa ganun." paglilihis ko sa usapan namin.

"Ganyan naman lagi sinasabi mo e."

Prom night

Nag-iintay na ako sa may sala nina Lesley. Alas sais ang usapan pero 6:30 na at hindi pa rin siya bumababa.

Nagpalakad lakad na ako dun. Napakabagal kumilos talaga ni Lesley nako.

*clok clok* *kunwari tunog ng heels keke~*

"Ang usapan nati--" Whoa. Just Whoa! Ang ganda niya. Simpleng puting gown lang naman iyon pero bakit napakaganda niya? Pakiramdam ko tuloy ay nakita ko na ang babaeng gusto kong salabungin sa altar. Pakiramdam ko naglalakad na siya papunta sa altar palapit sa akin.

"Hoy! Ano Sese? Nganga pa more. Late na akong naayusan e. Kaya ang tagal ko. Tara na!" sabi niya na nag pabalik sa akin sa realidad tss. Nasa may kiss the bride na ako e. Haha! Joke lang.

Habang nasa kotse kami. Hindi ko maiwasang mapasulyap sa kanya. Siya ba talaga to? Siya ba talaga yung babaeng paulit ulit na nagsasabi sa aking gusto niya ako? Yung paulit ulit na nangungulit na sagutin ko siya kapag sinasabi niyang gusto niya ako? Haha! Isa lang ang napatunayan ko

.

.

.

.

.

.

Ang pogi mo talaga Sedric Hun De Mesa!

Nung inihinto ko na ng kotse hindi pa rin niya ako kinikibo.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectWhere stories live. Discover now