Chapter 49

7.1K 259 9
                                    

[SEDRIC HUN DE MESA]

First day ng second semester at as usual naman kapag kasisimula lang ng klase ay wala pa masyadong ginagawa at maaga ang mga dismissal kada subject.

Nandito kami ngayon sa tambayan namin. Nagpa-plano ng para sa birthday ni Lesley and that would be by the next three days. Nakaisip na ako ng plano ang hindi ko na lang maisip ay kung paano ako hihingi ng tulong sa kabilang grupo dahil mga walang kwenta tong mga kasama ko -.-

"Hoy mga monggi tulungan niyo na ako. Ang tagal ko nang nanghihingi ng ideas sa inyo mga wala kayong mabigay. Kingina this week na iyon uy!" bulyaw ko sa kanila.

"Pwede naman na yung sinabi mo noon ah?" sagot ni Drake sa akin.

"Oo nga, kaso paano ko nga magagawa yun? Eh mga kingina kayo hindi naman kayo tumutulong." sagot ko at nagtawanan naman sila.

"Tss."

"Wag mo akong ma-tss tss dyan! Ikaw ang pinaka walang natutulong sa akin Kristofer." sabi ko. Tumayo naman siya sabay sabing...

"Hindi mo ba kakailanganin ang tulong nina Charlie?" nagulat kaming lahat sa sinabi niya. Actually kanina pa kami naninibago sa kanya. Medyo mild na lang kasi ang pagiging masungit niya. Tapos walang humpay siyang nakikipag-asaran kay Thunder dahil sa bagong kulay ng buhok nito. Kinamusta niya rin kami isa isa kanina at tinanong kung ano nang mga nangyayari sa buhay namin. Nakakapanibago kasi hindi naman siya matanong noon. Nag sembreak lang kami naging ganyan na iyan. Ano kayang nangyari nung sembreak dito? Tsk. Baka sinaniban to ng mabuting espiritu? Hahahaha!!!

"Hoy Sedric tinatanong kita!" nagising ako sa pagmumuni muni sa tanong niya.

"Kailangan ko kaso..." naghehesitate akong lumapit dahil ewan ko? Nasanay ata akong umiiwas sa kanila. Tsh! Tsaka nahihiya akong lumapit dahil baka isipin nila na lumalapit lang ako kapag may kailangan ako sa kanila. Sa totoo lang mas mapapadali ang plano ko kung makakatulong ko sila.

"Ano pang tinutunganga mo dyan? Tara puntahan natin sila." sabi ni Kristofer na lalong nagpagulo ng isip namin. Anong nangyayari dito?! Nagkatinginan naman kaming lahat at sabay sabay na nagkibit balikat na lang kami.

"Ano? Hindi ka pa ba gagalaw? Bilisan mo. Tss!" bulyaw niya.

"Oo. Oo na! Sandali intayin mo kami." sigaw namin dahil nanguna siyang lumabas.

[CHARLIE PARK]

"Nakakamiss din pala si Blake no?" sabi ni Silver sa gitna ng pagkain namin. Napangiti na lang ako ng mapait. Unang araw ng klase at wala si Blake para magsisigaw at magrant dahil may pasok na naman. Nakakamiss si loko. Hahahaha!!!

Nandito kami sa cafe. Lagi naman e. Hahaha! Katabi ko ngayon si Erliyah.

"Oo nga nakakamiss si daldalerong Blake." nguso ni Erliyah.

"Andito naman ako e." singit ko. Tapos namula na naman siya. Hahahaha!!!

"Yikes! Landian na naman kayo dyan. Hay nako?!" kunwaring inis na sabi ni Valerie.

"Bitter siya oh! May Thunder naman siya. Hahahaha!!!" asar ni Luis kaya ayun nagsapakan na naman sila. Hahahaha!

"Excuse me." sabay sabay kaming napalingon sa nagsalita.

"Baba!!!" masayang sabi ni Erliyah.

"Oh? Saya mo na naman nakita mo ako." sagot sa kanya ni Kristofer.

"Wow?! Kapal naman." agad na sagot ni Erliyah.

"Pwede ba kaming maki'share ng table?" nakangiting sabi ni Chase. Kaya mas lalo akong nagulat. Silang anim lumapit sa amin tapos gusto nilang maki'share ng table? I mean wow hindi ko inexpect na mangyayari ito.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ