TEAM BUILDING (PART 2)

5.3K 206 12
                                    

[DRAKE OLIVER SERRANO]

"Oh salo!" sabay binato ni Jester ang phone ko.

"Tngina mo ka Jester!" sigaw ko nang muntik kong hindi masalo phone ko pero tumawa lang ang gago.

Oo tapos na ang first day nang team building. Okay lang naman. Medyo masaya pero ewan ko ba naboboring'an ako -.- wala naman kasing masyadong nangyayari e. Puro laro lang at kung ano ano tsh! Di naman na kami mga bata.

"Asan si Kristofer?" tanong ni Jester. Kaming tatlo ang magkakasama sa room.

"Aba malay ko sa dakilang iyon na akala niya ata siya si Superman." sabi ko. Paano nag-ala bayani siya kanina kay Erliyah at nilaklak ang mga egg yolks. Ayun sira ang tyan at nagsusuka si gago. Tsh! Kasalanan niya pa superhero effect siya e.

"Teka! Walang signal dito." sabi ni Jester at lumabas nang kwarto. Tsh! Oo nga no?

Nagpasya na rin akong lumabas nang kwarto. 8:30 pa lang naman at 10pm pa naman ang curfew.

"Oh san punta mo?" tanong sa akin ni Silver.

"Hanap signal. Tsk! Ikaw san ka pupunta?" sabi ko.

"Sa girls' dorm. Hahaha!" sagot niya.

"Hoy! Bawal yun ah." sabi ko. Tumawa naman siya.

"Sometimes it's cool to break some rules. Hahahaha!" sagot niya. Napa-iling na lang ako.

"Good luck kung makapasok ka." sabi ko.

"Makakapasok ako. Pustahan pa tayo." sabi niya.

"lul. Ayoko. Sige na labas na ako." paalam ko.

--------
Kinginang lugar to' bakit walang signal? Tsk! Mag aalas diyes na wala pa akong mapuntahang may signal. Paano kung text na pala nang text ang girlfriend ko? Tsk!

"Drake!" napalingon naman ako. Alam kong boses ni Kurt iyon pero asan siya?

"Taas." sabi niya kaya napatingala ako.

"Tangina anong ginagawa mo dyan sa taas nang puno?!" tanong ko.

Tumawa naman siya. "Eh dito may signal e." sagot niya.

Para naman akong nabigyan nang pag-asa sa sinabi niya. May signal daw dun sa taas. Kaya walang ano ano ay umakyat ako sa taas ng puno. Nakitabi pa nga ako kay Kurt e. Hahaha!

"Tetext mo girlfriend mo no?" tanong niya.

"Oo, miss ko na e." sagot ko. Tsh! Sasabihin ko talaga next year na sa MIS na siya mag-aral para makasama ko na siya nang mas madalas.

"Kadiri Drake! Ewww! Hahahaha." sabi ni Kurt.

"Sus! Kunwari nandidiri sa akin pero siya naman meron din." sabi ko tapos nanlaki ang mata niya.

"A-Ako?! U-Uy! W-Wala ah." depensa niya. Tsh! Halatang halata naman to' hahaha.

"Alam mo Kurt wala kang maitatago sa isang Drake Oliver Serrano. Hahaha!" yabang ko.

"O sige... Sino?" sabi niya. Ngumisi naman ako.

" Mira Sison. first year, BS accountancy, section C." pagkasabi ko nun ay muntik na siyang malaglag sa kinauupuan niya buti na lang nahawakan ko.

"Oh! Hahahaha. Chill ka lang. Kabado ka masyado e." asar ko.

"Tsh!" sabi niya.

"Si Silver ba iyon?" turo niya sa may bandang pasukan ng girls' dorm.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectWhere stories live. Discover now