Chapter 27

9.7K 252 14
                                    

[LUIS HANZ CHUA]

'Nakita mo yung kanina? Sabay pumasok si Amiel tsaka yung bago nilang kaklase Cleo daw yung name.'

'Guys! Alam niyo na ba? Kalat sa buong campus iba na daw ang nililigawan ni Amiel.'

'Bago na? Paano na si Belle niyan?'

'Grabe hindi ko akalaing may makakagulo pa sa kanila. Kulang na lang sa kanila yung Oo ni Belle parang sila na e.'

Nandito ako sa may library kung saan dapat ay tahimik pero ayan ang ingay nila at iyan ang mga nadidinig ko. Hindi ko sila maintindihan. Imposibleng magsabay yung dalawang yun kasi hindi pa naman sila magkakilala. Kung nagkasabay man knowing Amiel baka may good deeds lang siyang ginawa kaya napasabay siya kay Cleo. Isa pa, imposible ding manligaw ng iba si Amiel mahal na mahal nun si Belle e. Tsh! Ang chismis nga naman.

~Sunday morning rain is falling♬♪~

"Hello?"

[Asan ka?!]

"Calm down baby girl no need to shout. Nadidinig kita hindi ako bingi. Mabibingi pa lang." sabi ko kay Valerie. Yeah! Siya yung tumawag at masakit sa tenga ang pagkakasigaw niya tila lumabas ata ang eardrums ko.

[Asan ka nga?! Hindi ako makakalma dito. Naasar ako lulu asdfghjkl.]

"Bakit ba? Ano bang ipinuputok ng butchi mo?!"

[Si Amiel. Mahirap kasi iexplain pumunta ka kaya dito sa room ng malaman mo.]

At ibinaba na niya yung phone niya. Hindi kaya-- Agad akong napatakbo papunta sa room namin. Pagkapasok ko nakita ko dun si Amiel katabi si Cleo. Nakatayo silang dalawa sa harap nina Nicole.

"Luis andyan ka na pala." sabi ni Erliyah ng nakita niya ako. Nagugulahan ako. Anong nangyayari?

Lumapit agad ako sa kanila at kitan kita ko ang inis sa mukha ni Valerie. Bakit?

"Anong meron?!" tanong ko.

"Ayan kumpleto na ang lahat. May ipapakiusap kasi ako sa inyo." pagsisimula ni Amiel.

"Ano iyon?" tanong ni Silver.

" I want Cleo to be in our group. Hayaan niyo sana siyang pumasok sa grupo natin." sabi niya.

"A-Amiel teka-- paano si --" pinutol ni Belle ang sinasabi ni Nicole.

"I'm fine. Don't worry about me. Nung una pa lang di'ba sinabi ko na sa inyo na mabait si Cleo? Trust me." nakangiting sabi ni Belle pero hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na nasasaktan siya.

"Ano bang tingin mo sa grupo natin? Basta basta na lang magpapasok ng kung sino sino?! Bakit ano mo ba siya? Why do you need to drag her in our group?" sigaw ni Valerie. Agad kong pinigil si Valerie sa pagsasalita. Masyado na siyang mainit. Alam ko kung bakit siya ganyan. Si Belle, si Belle ang iniisip niya.

"I'm actually his ex girlfriend." sagot ni Cleo na nagpanganga sa aming lahat. What?! EX?!

"What? You're joking right?" hindi makapaniwalang sabi ni Lesley.

"No I'm not. Totoo ang sinabi ko." sagot ni Cleo.

"Okay lang naman siguro sa'yo na makasama niyo ako sa grupo di'ba?" baling ni Cleo kay Belle. Ngumiti naman si Belle at tumango.

"At sa tingin mo makakatangi si Belle?! May alam ka ba sa mga nangyayari dito? May alam ka ba dito sa grupong gusto mong pasukan?! Alam mo ba kung anong koneksyon namin sa bawat isa?! Para hingin mong pumasok ka sa amin?!" sabat ni Aliyah. She's turning red meaning she's really mad by this time.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectWhere stories live. Discover now