Mr. Bipolar

18K 566 13
                                    

[ERLIYAH MAE SANTOS]

2nd day namin ngayon at ngayon sabay na kami ni Iyah. Ako na nga gumising sa kanya para sure ayoko nang mapa'trouble ulit noh!

"Couz, bilisan mo naman ayoko nang malate." sabi ko

"Tshhh, susunduin tayo ni Silver kaya wag kang mag-alala!" sagot niya sa akin habang kumakain kami ng almusal.

"Ginagawa mo namang service si Silver." puna ko sa kanya

"Hoy, hindi ah! Siya ang nagpresinta noh!" mabilis na sagot sa akin ni Iyah.

"okay fine—" naputol yung sasabihin ko ng dumating si Silver.

"Talking about me eh?" sabi ni sabay kuha ng tinapay.

"At kung gawin ko mang service si Silver e pambayad na yun sa lahat ng pagkaing kinukuha niyo dito." biglang sabi ni Iyah.

Nagtawanan na lang kami, at nagdecide na mas maagang umalis para mailibot pa nila ako sa MIS.

~Monfort International School~

"Punta muna tayo ng cafe?" aya sa amin ni Silver.

"Bakit gutom ka na naman ba ha?" takang tanong ko, eh nag-almusal naman siya heavy breakfast pa dun sa bahay e.

"Yeah, my treat? ano gusto niyo?" sabi ni Silver sabay labas ng wallet.

"Ako gusto ko ng Frappe dali libre mo akooooooo~" lambing sa kanya ni Iyah.

"ikaw Em? anong gusto mo?" tanong niya sa akin.

"Nahh, busog ako." sagot ko.

"Ok then, tara Iyah!" sabi niya

"san?" takang tanong ni Iyah

"Sa cafe, ano ako pa bibili ng iyo? ililibre ka na nga e." sagot sa kanya ni Silver

"pero? si couz—"

"Ok lang intayin ko kayo dun sa garden, balikan niyo ako ah!" sabi ko sabay turo dun sa garden na pinuntahan ko kahapon.

"Sige promise mabilis lang kami Couz." at umalis na agad sila.

"Hayyy!" sabi ko at umupo sa isang bench dun at pinikit ang mata ko ilang saglit lang!

"Ehem!" di ko pinansin baka naman kasi hindi ako iyon.

"Santos." bigla akong napamulat ng may nagsabi ng apilyedo ko at kung mamalasin ka nga naman si Kristofer pa.

"wh-what?" kinakabahang sagot ko.

"You're seating on my place." sabi niya sa akin.

"Wala namang pangalan mo ha?" sabi ko pagkatapos kong inspeksyunin yung bench.

Di niya ako pinansin at tinignan lang niya ako

"Oo na, oo na aalis na tsh! yabang!" sabi ko at pinagpag ko yung bench.

"Ayan na ha! nilinis ko na baka mag-inarte ka pa!" full of sarcasm kong sabi kaso wa epek kay Kristofer -.-

Tatawagan ko na nga lang sina Silver na mauuna na ako sa room kasi nasira na ang araw ko.

"Sinong tatawagan mo?" ako ba kinakausap nito?

"Hey! I'm asking you sino yang tinatawagan mo." sabi sa akin ni Kristofer.

"a-ako?" tanong ko sabay turo sa sarili ko.

"May iba pa bang tao dito bukod sa atin?" pilosopong sagot niya.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectWhere stories live. Discover now