Chapter 81

4.8K 160 10
                                    

[THUNDER HUANG]

Pagpasok ko ng room, agad akong tumabi kay Valerie na nakasimangot at parang kagagaling lang sa iyak.

"Anong nangyari? May umaway ba sa'yo?!" agad kong tanong.

"*sniffs* W-Wala. Malungkot lang ako." sagot niya.

"Eh bakit nga?" tanong ko.

Ngumuso naman siya, "Eh kasi naman eh! Hindi happy ending yung nangyari kay Wang So at Hae Soo. Kakaiyak!!!!" at lalo pa siyang ngumuso.

"Ha? Wang ano? Soo? Ano yun?!" takang tanong ko.

"Yung pinanood kong kdrama. Huhuhu! Yung pinapanood sa akin ni Fallon." sagot niya at muli na namang ngumuso.

"Ahhhh! Akala ko kung ano." sabi ko na lang.

Tsk. Pati si Valerie hinahawaan ni Fallon sa mga korean korean na yan. Paano kamukha daw ni Valerie yung bidang babae dun sa korean drama kaya pinilit niya si Valerie na panoodin iyon.
Naniwala naman si Vale kaya ayan pinagpupuyatan niya gabi gabi ang panonood nun. Tsk.

"Bakit kasi iniwan nila si So? Kung ako yun, hindi ko iiwan ang ganung klaseng lalaki. Huhuhu!" sabi niya.

"My king~~~" sabi niya sa phone niya.

"T-Teka?! Sino tong wallpaper mo?!" tanong ko at inagaw yung phone niya.

"Si...." sagot niya.

"Ha?! Taga san to?! Anong department?! Sasa--"

"Pwahahahaha!!! Thunder! Syet ka! Hahahahaha!" at halos malaglag na siya sa upuan kakatawa.

"Ano natuluyan na yan si Valerie sa pagkabaliw? Hahaha!" biro ni Luis.

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Luis, "Valerie Mikael Cruz, sino tong lalaking nasa wallpaper mo? Bakit hindi na picture natin ito?! Nagtataksil ka na ba sa akin?! Sinong hampaslupa ito!?" sunod sunod na tanong ko.

Inagaw ni Valerie yung phone niya pabalik, "Abnormal ka talaga kahit kelan! Hahahah! Siya yung bida sa pinapanood ko. Siya si Wang So." paliwanag niya.

"Eh bakit mo ginawang wallpaper? Mas gusto mo na ba siya kaysa sa akin?" alalang tanong ko.

"Seriously, Thunder?! Pagseselosan mo siya? Hahaha!" tanong niya, imbes na sumagot ay hamalukipkip na lang ako.

Iniharap niya naman ako sa kanya, "Seryoso ka talagang nagseselos ka kay So?" tanong niya pero nakangisi.

"Aba malay ko ba kung sino yan? Tsk." sabi ko at nag-iwas ng tingin.

"Ang baby kulit ko nagseselos na naman. Ayiiieee~" pang-aasar niya.

"Tuwa ka na naman? Sheeshh!" bulong ko.

"Eto na pinalitan ko na po. Masaya ka na po?" sabi niya sabay pakita nung pinalit niyang picture namin sa wallpaper niya.

Hindi ko pa rin siya pinansin, nagtatampo pa rin ako, bakit siya nagpapantasya sa ibang lalaki?! ToT

"Hoy, Thunder! Wag mo akong artehan ng ganyan ah!" sabi niya, nilingon ko naman siya.

"Di mo ba ako susuyuin? Nagtatampo pa ako dito oh!" reklamo ko.

Umirap muna siya at lumapit sa akin, "Eto tatandaan mo, kahit na ilang lalaki pa ang mas gwapo sa'yo, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko. Di kita ipagpapalit sa kanila, ikaw lang ang nag-iisang 'kulit' ng buhay ko. Okay?" sabi niya. Napakurap na lang ako, paano ang seryoso kasi niya nung sinabi niya ang mga iyon. Ilang segundo pa bago ko na'realize lahat ng sinabi niya.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectWo Geschichten leben. Entdecke jetzt