Baking class ♥ (part 1)

14K 378 8
                                    

[LESLEY SHANE CABRERA]

"Good Morning class."

"Good morning Mrs. Javier!"

Baking class namin ngayon, di ko nga alam kung bakit may ganito kaming klase e pauso ng MIS.

"Napag-aralan na natin ang basics tungkol sa baking so now we need to know kung naiintindihan niyo ba talaga ang mga itinuturo ko." sabi ni Mrs. Javier.

"Ma'am magbabake po tayo?" excited na tanong ni Belle. Mahilig kasi talaga siyang magbake eversince.

"Yes Ms. Tolentino and we'll do it by partner." sagot naman sa kanya ni ma'am.

"Paano po ang pairing?" tanong ng isa naming kaklase.

"Randomly ako ang mamimili boy and girl para naman fair sa lahat. simulan na natin."

"Cabrera" tawag sa akin ni ma'am.

"po?"

"you'll be with— Mr. De Mesa." De Mesa? si Sedric?

"Ma'am? sino nga po ulit." isa pang tanong ko.

"Mr. Sedric De Mesa is your partner Ms. Cabrera." sagot niya sa akin.

"Ahhh— o-okay po ma'am." at tumungo na lang ako.

Ang malas naman sa dinadami pwedeng maka pair bakit si Sedric pa? why?

Nadidinig ko namang nagatawanan yung girls kaya tinignan ko na lang sila ng masama.

"Uyyy. destiny! hahaha!!!" asar sa akin ni Valerie.

"Mukha mo destiny." asar na sabi ko

"Next will be, Ms. Cruz with Mr. Huang." at nakita kong napanganga siya, ako naman ang tumawa. Kasi naikwento sa amin ni Valerie yung nangyari sa kanila ni Thunder at simula nun inasar na namin sila.

"Destiny nga naman." pagpaparinig ko kaso kinurot lang niya ako. hahahaha! asar siya e.

"Ms. Madrid with Mr. Benitez."

"Ma'am bakit siya?" sigaw ni Aliyah.

"Something wrong?" nakataas ang kilay na tanong ni Ma'am.

"Wa-wala po." nakayukong sagot ni Aliyah.

"Ms. Tolentino with Mr. Sy." nakita ko namang nag apir yung dalawa.

"Ms. Santos with Mr. Park." Erliyah and Charlie. Hmmm?

"Next is Ms. San Pedro and Mr. De Vera." Nics with the casanova.

blah blah blah . . .

"So lahat may partner na go to your partners at pag isipan niyo na kung ano ang ibebake niyo. A simple cake will do.Bukas na iyan so I think you need to buy your ingredients mamaya." dagdag ni Ma'am Javier.

"Bye girl." nakangising sabi sa akin ni Belle at pumunta na sa tabi ni Lay.

"Tignan mo nga naman si destiny pinaglalapit talaga tayo." sabi ni Sedric at umupo sa tapat ko. take note napaka lapit ng pagmumukha niya sa akin ah.

"Destiny mo your face, ako na lang mamimili mamaya. Ano bang gusto mo?"

"Hindi pwede, kaya nga by partner e. Kasi dapat yung dalawa na yun magtutulungan sa gawain." nakangising sabi niya.

"Alam mo Sedric kaya ko naman mag-isa—"

"Kahit kaya mong mag-isa tingin mo ba hahayaan kitang gawin yan ng mag-isa lang?" seryoso niyang sabi.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectWhere stories live. Discover now