Chapter 66

5.9K 200 30
                                    

[SILVER JUDE KIM]

Everything is normal now and for us normal means....

"BLAKEEEEEEEEEE!!! ASAN YUNG PAGKAIN KO?!" sigaw ni Kurt.

"Ako?! Ako na naman?! Lagi na lang ako. Grabe ka!" drama ni Blake tas nag-iyak iyakan pa dun. Mukhang engot -.-

Oo, magulo na naman ulit kami. Hahahaha! Pumasok na ulit kasi si Thunder. Tapos MEDYO ayos na rin ang pakitunguhan ng magkapatid ngayon tho minsan di talaga maiiwasan ang tensyon sa pagitan nila lalo na kapag si Erliyah ang usapan. It's still our secret na alam na namin ang tungkol sa kanila. Dahil sabi ni Drake ayaw nga daw ipaalam ni Kristofer sa amin yun.

Gusto niyo ba ng updates tungkol sa kanila? Teka... I'm Silver Daldalero reporting. Hahahaha!

1st news: Ang pogi ko talaga! Dejoke! Syempre magsimula tayo sa amin ni Aliyah. Wala namang masyadong ganap. May maliliit na tampuhan pero okay lang. Mabilis lang namang suyuin si Aliyah e. HAHAHAHA!

2nd news: Jester and Nicole: going stronger. Oo, tumatagal silang dalawa. Hahahaha! Sobrang laki ng pinagbago ni Jester dahil kay Nics. Haaaayy! Pag-ibig nga naman.

3rd news: Amiel and Belle are also sailing!!! Kung alam niyo lang, sobrang sweet ng dalawang ito minsan nakakasuka na. Joke! Hahahaha. Eh kasi naman si Amiel habang tumatagal pa corny ng pa corny na ang banat e.

4th news: Sedric and Lesley are slaying the world. Nag-viral kasi yung video message ni Sedric kay Lesley nung monthsary nila. Relationship goals daw ang dalawa.

5th news: Thunder and Valerie dating. SANA! Jusko naman kasi yung dalawang yun. Si Valerie kahit kelan denial queen talaga. Kung ako si Thunder bibiglain ko na lang si Valerie sa pagtatanong kung pwede siyang maging girlfriend ko para tapos na. Ang saya siguro kapag naging sila. Isipin mo na lang mortal enemies silang dalawa tapos sila pala sa huli? Sila ang magpapatunay ng 'the more you hate, the more you love'

6th news: Torn between two lovers pa rin ang ating Erliyah. Oo, walang sumusuko at nagpapatinag dun sa dalawa. Kahit ako hindi ko alam kung sinong papanigan ko kumbaga undecided pa ako. Hahahaha! Pero sa totoo lang, kahit sino namang piliin niya ay di siya lugi. Sana lang maging tama ang desisyon niya.

7th news: SINGLE PA RIN SINA KURT, CHASE, BLAKE, AT LUIS. KUNG NAIS NIYO PONG MAG-APPLY BILANG KANILANG MGA KA- IN A RELATIONSHIP AY HANAPIN NIYO LANG PO AKO. SAGOT KO NA PO ANG PANG-DATE NIYO. HAHAHAHA! JOKE LANG.

"Silver!!!" tawag sa akin ni Sedric.

"Ano?" sagot ko.

"Samahan mo ako tara!" at kinaladkad na ako ni loko.

[CHASE ENRILE]

"Oh ayan wala na si Silver. Anong plano natin?" sabi ni Drake.

Kung nagtataka kayo kung anong plano yung sinasabi ni Drake. Ganito kasi yan, next next week ay birthday na ni Silver. Kaya humihingi ng tulong sa amin si Aliyah. Kaya ayun inaya muna ni Sedric lumabas si Silver para makapag-usap usap kami.

"Of course I want to surprise him. It's about time na ako naman ang mag-effort at mag-surprise." masayang sabi ni Aliyah.

"Kilabutan ka naman sa sinasabi mo Aliyah! Kakadiri ka!" asar ni Lesley kaya nagtawanan kami.

"Dapat mag'plano na tayo ngayon palang. Medyo busy tayo next week di'ba?" singit ni Belle.

"Oo nga. Kaso ano pa bang ibibigay ko sa kanya? Tila na sa kanya na ang lahat e." sabi ko.

"Kilala niyo naman si Silver. Kahit gaano kaliit o kasimple ibigay mo dun ay maapreciate niya." sagot ni Aliyah ng nakangiti. She's right.

"Planuhin muna natin. Ano bang balak mo Aliyah?" tanong ni Nics.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectWhere stories live. Discover now