Chapter 65

5.3K 177 11
                                    

[THUNDER HUANG]

"Sir... Nandito na po tayo." halos mapabalikwas ako nang magsalita yung driver ko. Sht! Antok na antok talaga ako. Kalalapag ko lang galing sa New York and f*ck jet lag is killing me. Sa sobrang pagod at antok ko ay nagpa'drive na ako papuntang MIS. Kailangan ko kasing personal na ibigay yung excuse and apology letter na hinihingi nila dahil sa pag-absent ko nang tatlong araw. Tss! Biglaan din naman kasi yung offer sa New York kaya hindi ko na naayos yung mga kailangan kong ayusin. Ni hindi nga ako nakapagsabi sa tropa na aalis ako pero malamang nalaman din nila iyon.

That was the most tiring three days of my life! Hindi lang kasi sa New York ang location namin. We've been to China, South Korea and London. Halos wala akong pahinga at tulog nitong mga nakaraan. Kawawa naman ako. Haaay!

Naglagay na lang ako nang sunglasses bago bumaba ng sasakyan. As usual naman ay napansin kaagad ako nang mga estudyante. May ilang nagpipicture sa akin, may ilang bumabati at may ilang nagtatanong. Minadali ko na lang ang paglakad dahil wala ako sa mood ngayon na makipag usap sa kanila.

******
Daanan ko kaya sila? Tapos na akong magpasa nang letters sa office. Pinag-iisipan ko kung pupuntahan ko ba sila sa room nila, kapag pinuntahan ko sila siguradong mapapatagal ako dito dahil magtatanong sila nang magtatanong. Aish! Wag na nga, papasok na rin naman ako bukas e.

"Thunder..." napalingon ako nang may tumawag sa akin. Nagulat ako nang makita ko si Valerie na mukhang iiyak. Anong nangyari sa kanya?

Nawala ang antok ko nang patakbo siyang lumapit sa akin at niyakap ako. OO, NIYAKAP NIYA AKO! Totoo ba ito?! Halos hindi ako makagalaw dahil nakayakap siya sa akin. Nung humiwalay siya tsaka lang ako nakabalik sa wisyo.

"Letche kang lalaki ka! Umaalis ka nang walang paalam. Letche ka talaga!" sabi niya sabay pinagpapalo ako.

"A-Aray! Teka lang! Kanina lang yakap yakap mo ako tas ngayon naman binubugbog mo na ako. T-Teka lang ha? Grabe ang lakas talaga nang sapak mo." sabi ko habang sinasangga ang mga palo niya. Buti na lang tumigil na siya.

"B-Bakit ka ba nagagalit dyan? Namiss mo ba ako nang sobra? Sorry na." sabi ko. Tinignan niya naman ako nang pagkasama sama.

"Mukha bang namiss kita?" bulyaw niya.

Napatawa naman ako. "Oo. Eh kung yakapin mo ako kani-- Aray Valerie! Nakakailan ka na ah." sabi ko.

"Papasok ka na ba?" pag-iiba niya sa usapan.

"Hindi pa. Kagagaling ko lang nang New York wala pa akong tulog. Bukas na lang ako papasok." sagot ko. Nakita ko namang lumungkot ang mukha niya.

"Pagpahingahin mo lang ako, bukas na bukas kukulitin na ulit kita. By the way I missed you." sabi ko. Umirap naman siya at ngumuso.

"Umalis ka na nga. Pumasok ka bukas kundi bobombahin ko bahay niyo." sabi niya at naglakad na palayo sa akin. Ay sus! Kinikilig lang e. Hahahaha!

[LUIS HANZ CHUA]

Napangiti na lang ako nang matapos yung dalawang mag-uusap.

"Thunder..." tawag ko sa kanya. Halatang sobrang nagulat siya, napatalon pa e.

"Luis naman!" singhal niya kaya natawa ako.

"Miss na miss ka nun." sabi ko tas ngumuso dun sa dinaanan ni Val.

"Alam ko, halatang halata naman e. Hahahaha!" yabang na sagot niya.

"Yan gusto ko sa'yo eh! Tigas ng mukha mo." asar ko.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectWhere stories live. Discover now