Chapter 73 (part 3)

7K 223 27
                                    

[CHASE ENRILE]

"Hoy Erliyahyehyihyohyuh!" pang-aasar ko sa kanya.

"Epal mo talaga Chasing cars ah! Wag mo ngang murderin ang pangalan ko! Hahaha!" sagot niya pabalik.

As of now, kaming dalawa lang ang magkasama at nagmumurder'an ng pangalan dito sa kitchen. Patapos na kaming magligpit, last day na kasi nitong mini restaurant namin. Balita ko nga umabot ata ng 70K? yung kinita namin buong linggo. Ang saya nga namin eh! Tas nag-ambagan kami para maging 150K yung ibibigay namin sa charity na napili namin.

Dahil onti na lang naman yung gagawin dito, nagvolunteer na kami ni Erliyah na kami na lang tatapos dahil may mga kailangan pang gawin yung iba. Si Kristofer kasama namin dito kanina kaso pinatawag ni Dean at may sasabihin daw.

Ang bilis nga ng araw eh, last day agad ng foundation week. Hello professors, lessons and assignments na naman kami next week. Hayyy!!! Pero dyahe na! Enjoy naman kami sa mga events eh. Syempre! Pinaka the best yung sayaw namin, ako nga nagtago nung trophy namin dun sa Kpop dance battle na sinalihan namin eh. HAHAHAHA!

"Hoy chasing cars! Ilalabas ko lang ito ah? Intayin mo na ako ah." Sabi ni Erliyah, nag-ok naman ako, wala naman akong choice eh! Tsk! Baka bugbugin ako ni Kristofer kapag iniwan ko si Erliyah dito. Hahaha!

Pinagpatuloy ko na lang ang pagpupunas dito sa kitchen sink. Oo, sa gwapo kong ito nagpupunas ako ng kitchen sink. Bakit ba kasi nagpakadakila na naman ako eh? Balak ko atang palitan si Superman eh. Hahaha!

"Cha--/Waaaaahhhh!!!!" sigaw ko ng may biglang umakbay sa akin.

"De letse naman Charlie! Papatayin mo ba ako?!" pasigaw na tanong ko sa tawang tawang si Charlie.

"Pfffft-- C-Chase?! Letsugas ka! Hahahaha! Dinadagdagan mo ang buhay ko! Hahahaha!!!" halos mamatay na si Charlie sa kakatawa.

"Bakit ka ba nandito?! Tsk." inis na tanong ko. Letseng lalaki ito! Halos lumabas yung puso ko sa gulat, buti na lang pogi pa rin ako. Tsk!

Humalukipkip na lang ako at inantay ko na lang na mahimasmasan sa kakatawa si Charlie. "Ano okay na? Pwede ko na bang malaman kung anong sinadya mo dito?" tanong ko ng tumigil na siya at nagpunas ng luha niya.

"Haaayyy! Sarap tumawa ulit. Hahaha!" sabi niya, natigilan naman ako.

"Bakit? May problema ka ba?" tanong ko pero ngumiti lang siya ng tipid.

"Si Erliyah?" tanong niya.

"Huh? Lumabas eh pero babalik yun dito." sagot ko.

"Can you do me a favor?" biglang pagseseryoso niya.

"Ano yun?"

"I want to talk to Erliyah... Yung kaming dalawa lang. Ako na lang tatapos nitong mga gagawin mo dito." pakiusap niya. Dahil mukhang seryosong seryoso siya ay pumayag na ako.

Bago ako umalis ay nilingon ko siyang muli "Ah Charlie? Alam mo naman siguro yung sitwasyon di'ba? Ano siguro med--"

"Alam ko Chase, thank you." sabi niya at nginitian ako. Tumango na lang ako at lumabas na sa kitchen.

I think they really need to talk.

[CHARLIE PARK]

Napasandal na lang ako ng umalis si Chase. Tama kaya itong gagawin ko? Pero ang mas dapat kong itanong ay...

Kaya ko ba talagang gawin ito? Parang suicidal move ata ito. Hahaha!

"Chasing cars! Paki--- Char..." sambit niya. Agad ko siyang tinulungan sa bitbit niyang mga plato.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectWhere stories live. Discover now