Chapter 67

5.4K 179 4
                                    

[VALERIE MIKAEL CRUZ]

Masayang naglalakad ako papasok sa room namin. Oh I love my lifeeeeeee~~~

"Good Morning people of MIS." masayang bati ko sa lahat. Yung ibang kaklase namin ay nginitian at binati ako. Nagkatinginan naman ang mga kaibigan ko.

"Naka-drugs ka ba?!" bungad ni Silver sa akin.

"Nope." at umiling iling pa ako na parang bata.

"Shet! Malala na si Valerie. Hahahaha!" asar ni Luis sa akin.

Di ko na lang pinansin ang pang-aasar niya at umupo na ako. Ewan ko pero parang ang saya ng gising ko ngayon sana lang tuloy tuloy na.

Teka asan kaya ang butihin kong seatmate? Pero anyway highway! Okay lang yun. Para di ako maagang highblood. ^o^

-----------
Okay badtrip na ako. -.- Napatingin ako sa bakanteng upuan sa tabi ko. Asan na naman siya?! Bakit di na naman siya pumasok?! Hindi na naman siya nagsabi. Kakainis! Wala akong makakaasaran ngayon. Bwisit siya kapag bumalik siya dito ay hindi ko siya titigilan. Humanda yang Thunder na yan sa akin, bugbog ang abot niya.

"Valerie! Tulala ka na naman." puna ni Lesley sa akin. Di ko napansin na nakapalibot na pala sila sa akin. Eh? Tapos na ang klase? O.O

"Uy! Miss na si Thunder!!!" asar nina Chase at Blake. Sinamaan ko naman ng tingin ang mga hinayupak at ayun mamatay na naman sila sa kakatawa.

"Asan nga ba yang Thunder na yan? Di na naman siya nagsabi." inis na sabi. Tapos nagkatinginan naman silang lahat. Eh?

"Di mo ba alam?" takang tanong ni Belle.

"Alam ang alin?" takang tanong ko.

"Nung isang araw nagsabi si Thunder na---" naputol ang sinasabi ni Erliyah.

"Aalis na si Thunder. Sa ibang bansa na siya mag-aaral. Di niya daw kasi kayang magpabalik balik sa school tas sa trabaho niya sa ibang bansa." tuloy ni Drake na naka pokerface lang.

"A-Ano?" hindi makapaniwalang tanong ko. B-Bakit di ko alam?! Pakiramdam ko ay nagtutubig na ang mga mata ko.

"Akala namin okay lang sa'yo. Nung sinabi niya kasi iyon sa atin ay parang wala kang pakielam." sabi ni Jester. Anong okay lang sa akin?! It's not okay.

"A-Asan na siya? Kelan alis niya?" tanong ko.

"Nasa airport na siguro yun ngayon. 11am flight nun e." sagot ni Silver.

"Ngayon? As in ngayon na?!" sigaw ko. Tumango naman silang lahat.

"Luis! Drive me to the airport." utos ko sa kanya at patakbo akong lumabas sa room.

*****
Kinakabahan ako. Ewan ko pero parang gusto kong agawin mula kay Luis ang manibela at paliparin na itong kotse niya.

"Luis! Matagal pa ba? Malayo pa ba?!" tanong ko.

"Chill Valerie. Hindi aalis ang airport dun." sagot niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Luis alam kong hindi aalis ang airport dun pero si Thunder aalis siya at kapag yun hindi ko na abutan hindi ko na alam ang gagawin ko." sagot ko. Nakita ko naman na ngumiti siya.

"You're acting weird Luis." puna ko.

"No I'm not. Ikaw. Ikaw ang kakaiba ngayon." at ngumisi siya.

"What?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Tsk!

*******
Nakarating na kami sa airport. Agad akong pumunta sa departure area. Naiwan ko na nga si Luis sa sobrang pagmamadali ko. Palibot libot ako sa departure area pero wala akong Thunder na nakita. Late na ba ako? Naka-alis na ba siya? Otamatikong naluha na lang ako. Bwisit na Thunder yan! Bakit di niya ako inintay? Teka bakit ko ba siya iniiyakan?! Kasi naman e. Bakit siya umalis?! Bakit hindi ko alam?! Bakit? Bakit?

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon