Chapter 83

4K 167 74
                                    

[KRISTOFER MONFORT WU]

Days passed, hindi na ulit kami nagkita ni Ercielle. Matapos siyang magbigay sa akin ng isang palaisipan ay hindi na siya ulit pumasok sa klase namin. What's with the EJ and KM?! All I can think is that it stands for Ercielle Jung and Kristofer Monfort? Kung tama ang hula ko na ganun ang meaning nun, paano naman kami nagkaroon ng ganung tawagan? Is she someone from my past? Pero bakit hindi ko siya naaalala?

*tsup*

Someone kissed me on my cheeks, she's smiling from ear to ear. "Good Morning!" she greeted.

I smiled at her, "Full of energy eh?" Haha!" bati ko.

"Syempre! Ngayon na lang ulit tayo nagkita eh!" sagot niya, somehow I feel guilty when she said that. Tsk!

"Let's go?" then I opened the car's door for her. Agad naman siyang sumakay.

"Nakapagtataka lang, dati ikaw pa nagpupumilit na pumasok sa bahay kahit saglit lang tas ngayon inantay mo na lang ako dito." sabi niya ng makasakay ako.

"Talaga ba? Di ko napansin. Pasok ba muna ako sa inyo?" biro ko kaya hinampas niya ako.

"Let's have breakfast muna? What do you want?" tanong ko tapos inistart ko na ang makina.

"Your choice, kahit san basta may makakain. Haha!" sagot niya. Ngumiti na lang ako. The last time we had breakfast together was two weeks ago, ngayon naiintindihan ko na kung bakit parang excited siya. Ano bang ginagawa ko nitong mga nakaraan at hindi ko siya masyadong nabigyan ng oras? Tsk. Nakakaguilty tuloy lalo. -_-

I started driving, madami siyang kinukwento sa akin pero hindi ko iyon maintindihan. Para bang iba ang nasa utak ko. Iba ang iniisip ko. Siya ang nasa isip ko.

"Ba? Okay ka lang ba?" alalang tanong niya habang nakahawak sa braso ko.

Napalingon naman ako sa kanya," Oo, okay lang ako." sagot ko. Unti unti na niya akong binitawan at umayos na ng upo niya.

"Sorry." sambit ko.

She gave me a weak smile, "Okay lang, sanay naman na ako." sagot niya. Napalingon ako sa kanya, nawala na yung ngiti niya. Napabuntong hininga na lang ako at piniling wag na lang magsalita.

Madaming tumatakbo sa utak ko ngayon. Bakit ganun? Bakit si Ercielle ang iniisip ko? Shit! No! Hindi pwede, si Erliyah ang kasama ko. Siya ang girlfriend ko. Sa kanya lang dapat ang atensyon ko. Bigla akong naguluhan. Naisip ko lahat ng oras na kasama ko si Ercielle. Muli kong nilingon si Erliyah, 'I am sorry for thinking about another girl even when I'm with you' gusto ko iyong sabihin sa kanya. She doesn't deserve this.

[ERLIYAH MAE SANTOS]

"Idiretso mo na lang ako sa Monfort. Dun na lang ako mag-aalmusal." utos ko, nilingon naman niya ako. Parang may sasabihin siya pero tumango na lang siya. Okay, hindi man lang niya ako pinigilan. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit ba siya nagkakaganyan? Hindi ba siya masaya na nagkita ulit kami? Ilang araw kong tiniis na hindi siya kulitin dahil sabi niya ay busy siya. Ngayon na lang ulit kami nagkita pero mukhang mag-aaway pa kami. What's happening to him? Parang hindi siya ang Kristofer ko.

Ayoko mang isipin pero pakiramdam ko ay nagiging cold na siya sa akin. Hindi naman sa naghihinala ako sa kanya pero... Simula nung nakita ko sila ni Ercielle sa mall ay hindi na naalis iyon sa isip ko, dagdag mo pa na nagsinungaling siya sa akin nun na nasa school siya. I know Ercielle, ayokong i'judge siya base lang dun.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectWhere stories live. Discover now