Chapter 23

10.9K 273 14
                                    

[BLAKE HARPER BENITEZ]

"Kuyaaaaaaaaa~" sigaw ni Naschielle mula sa labas ng kwarto ko.

"Anooooo?" sigaw ko pabalik. Tamad na tamad ako ngayong bumango ewan ko ba -.-

"Si ate Aliyah nandito na." sagot niya. Tsh! Si Aliyah lang pala e.

Napabalikwas ako sa kama. Aray ko po! Anong ginagawa ni Aliyah dito? Teka-- hindi pa ako nakakaligo aysh! >_< ..

"Sabihin mo sa kanya saglit lang. Liligo lang ako." sabi ko kay Naschielle at kumaripas ng takbo sa banyo.

Ayun dinaig ko pa si Flash sa bilis ng paliligo ko. Bahala na si Batman. Mabango naman na ako kahit saglit lang ako naligo. Pagkatapos kong makapaligo at makapag damit ng maayos. Bumaba na agad ako.

"Anong gina-- pft! Anong outfit yan Aliyah?" pigil tawa kong tanong. Hahaha! Paano kasi naka pencil cut black skirt siya tapos long sleeves na puti naka bun yung buhok niya with matching eyeglasses pa. Mukha siyang teacher. Hahahaha!!!

"Wag mo akong tawanan Mr. Benitez." seryosong sabi niya habang nakapamewang.

"Oo na. Oo na. Ano ba naman kasing outfit yan Aliyah? Atsaka ano bang ginagawa mo dito? May usapan ba tayo ngayon?" tanong ko. Tapos bumuntong hininga naman siya.

"I promised you na tutulungan kita para makapasa sa midterm examinations right?  So I'm here to fulfill my promise." sagot niya. Yeah naalala ko na pero pabiro ko lang namang sinabi sa kanya iyon di ko naman alam na sineryoso pala niya. Wala naman kasi akong planong mag-review. Ako yung tipo ng estudyante na kung babagsak edi babagsak. Hahaha! Pero mukhang papasa ata ako ngayon. Haha!

"So what's with the outfit?" pang-asar na tanong ko. Hindi ko pa rin kasi magets kung bakit kailangan naka pang teacher's attire pa siya. Actually bagay naman sa kanya e. She looks so cute with that outfit. Nakakadistract! Haha

"Peste ka namang talaga Blake oh!" nanggigigil na sabi ni Aliyah.

"W-what? Just askin' HAHA!" sagot ko ng nakataas ang dalawa kong kamay.

"Tsh. Kaya ako nag ganitong outfit para damang dama ko ang pagtuturo sa'yo. And for you to know na hindi muna tayo magka-level this time. Ako ang teacher mo at estudyante kita. Kuha mo? Makikinig ka sa ituturo ko." sabi niya. Nakooo~

"Ang sungit naman ni ma'am." sabi ko at naupo na sa sofa.

"So Math lang naman ang problema mo. Kaya simulan na natin." sabi niya at naglabas ng mga libro, maliit na white board at white board marker. Hindi naman siya ganong kahanda no?

After 2 hours ...

"Nakuha mo na?" tanong niya.

"Yes ma'am. Ganun lang pala iyon? Bakit si Ma'am Dela Rosa andaming ginawa tapos ikaw ilang steps lang?" masayang sabi ko. Astig! Ang dali lang pala ng topic namin ngayon sa Math. Sa Tuesday who you kayo sa akin numbers!! Whahaha.

"Oo ganun lang yun. So Okay na? May itatanong ka pa ba? Any clarifications?" tanong niya habang inaayos ang mga ginamit namin.

"Wala na po ma'am." nakangiting sabi ko

"Okay then. Tapos na tayo!" at nagtanggal na siya ng salamin niya.

"Madali ka naman palang matuto e." sabi ni Aliyah sa akin.

"Oo. Sa lahat ng bagay madali lang para sa akin ang matuto." sagot ko. Katulad nito ang bilis kitang natutunang magustuhan. Yaks! Blake. Corny mo.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon