Chapter 62

5.6K 219 25
                                    

[ERLIYAH MAE SANTOS]

"Titaaaaaa~~~ Aalis na po ako." paalam ko at humalik sa pisngi niya.

"Nako! Em daig mo pa may pasok ah? Si Aliyah nga tulog pa." puna ni Tita.

"Halos dun ka na tumira sa ospital. Kamusta na ba siya?" dagdag pa niya.

"Maayos naman na daw po siya kaso... hanggang ngayon hindi pa po siya nagigising." sagot ko. Limang araw na ang nakakalipas at di pa rin siya nagigising. Tsk!

"Ganun ba? Kawawa naman pala siya. Aba'y kahapon pala dumaan dito si Charlie kaso nasa ospital ka na nun." sabi ni Tita. Napatigil naman ako. Ilang araw na kaming di nag-uusap ni Charlie. Okay to be honest I feel so guilty about what I've said to him. Sobrang pagod and stressed ako nun kaya ko iyon nasabi. But I don't mean any of it. Siguro napuno lang ako o sadyang si Kristofer ang priority ko nun. Hindi ko alam kung paano ako mags'sorry. I don't even know kung paano ako makikitungo sa kanya after nito. Nitong mga nakaraan, naguguluhan talaga ako sa mga bagay bagay. Ni kahit ako nga sa sarili ko hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang mga nagiging desisyon ko. Yes I'm weird. I know. Hahaha!

"Tita, paki-alagaan po ang baby Ace ko ah. Aalis na po talaga ako. Bye bye!" paalam ko.

******
Naging tambayan ko na halos ang ospital nitong mga nakaraan. Nagdadala ako nang mga libro at nagbabasa dun. Pinayagan naman ako ni Tita na magbantay dun. Kahapon dumalaw si Tito Art at nagka-usap na kami. Naipaliwanag ko na ang lahat sa kanya. Nasabi ko na rin sa kanya na alam na nang mga kaibigan namin ang koneksyon nang dalawa. Nakakalungkot lang dahil hindi siya pwedeng mag-stay nang matagal kahapon. Hindi niya tuloy maabutan ang paggising ni Kris.

Madaming nagtatanong sa akin, bakit ko ba daw ito ginagawa? Daig ko pa daw ang girl friend kung umasta. Ang sagot ko naman, bakit girlfriend lang ba ang pwedeng mag-alala at mag-alaga? Tss. Utak kasi nang mga tao ngayon kakaiba na.

Hindi pwede ang maramihang bisita. Kaya ang girls, after class ay dumidiretso na dito yung boys naman kapag gabi bumibisita kaya di ko na sila naabutan. Kamusta na kaya yung mga yun? Tagal ko na silang di nakikita. At balita ko si Jestet at Nics na daw nung isang araw. Sayang at di ko na witness ang ka'sweetan nila. Pero okay lang nasa website naman na nang school yung video e. Kilig na kilig nga ako nung pinapanood ko kagabi. Ang haba nang hair ni Nics. Hahahahaha! Di ko pa nababati yung dalawang yun. Di bale next week naman makakapasok na ako at inihahanda ko na ang sarili ko sa mga bashers. Hahaha!

Napatigil ako nang may nakita akong nag-aalangan na pumasok sa kwarto ni Kris. Anong gagawin ko? Hindi ko ineexpect na makikita ko siya ngayon.

Ilang araw ko lang siyang di nakikita pero iba na ang aura niya, para bang ang lungkot niya. Lumapit na ako sa kanya.

"Uy? Bakit ayaw mo pang pumasok?" sabi ko. Napapitlag naman siya.

"I-Ikaw pala." tanging nasabi niya. Ngumiti na lang ako.

Ako na ang nagbukas nang pinto nakapasok na ako sa loob pero siya ay nanatiling nakatayo pa rin dun. Hinila ko na siya papasok, kaya wala siyang nagawa kundi pumasok na.

"Is he okay?" tanong niya habang nakatingin kay Kris.

Tumango ako. "Side effect daw kasi nung anesthesia kaya hindi pa rin siya nagigising pero okay naman na siya." sagot ko.

Katahimikan ang namayani sa loob nang kwarto. Ngayon lang ako nailang na ganito kay Charlie. Should I say sorry? O intayin ko siyang i-open ang topic na iyon?

"Char..."

"Hmmm?"

"You look troubled." sabi ko.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz