Chapter 50

6.6K 218 9
                                    

[KURT MIGUEL SANDOVAL]

"Okay na ba lahat?" tanong ni Sedric. Nagthumbs up naman ako sa kanya.

"Nakausap ko na sila. Alam na nila ang gagawin nila." sagot ko. Tinapik naman niya ako sa balikat.

"Salamat talaga pre' magpapalit na muna ako ng damit." sabi niya tumango naman ako.

"Welcome pre!" sagot ko

After 3 days na magkakasama kami ulit wala na akong masyadong nararamdaman na awkwardness sa kanila. Sa nakalipas kasi na tatlong araw madalas kaming magkakasama dahil dito sa surprise para kay Lesley. I guess that made the gaps between us vanish.

"Hoy! Kurt magpalit ka na rin ng idadamit mo. In an hour malamang dadating na si birthday girl." sigaw ni Silver sa akin.

"O'ge." sagot ko. I hope our plan will be successful.

[BELLE MARIE TOLENTINO]

Nandito kaming girls ngayon sa tambayan nina Kristofer. Actually first time kong nakapasok dito at ang astig nito dahil para talaga siyang bahay.

Because Lesley's parents aren't here in the country we'll make this day extra special. Malalaman niyo kung bakit ito special mamaya. Hahahahaha!!!

"Picture naman tayo girls." aya ni Aliyah. So nagtransform na kaming lahat and groupies are created. Chos! Actually we plan a little celebration for Lesley. It's her 18th birthday and I think it should be celebrated more special than the other birthdays. Kahit sabihin niyang ayaw niya ng parties or so what wala siyang magagawa dahil naka prepare na kami ng little celebration para sa kanya. Kaya kami nandito ngayon ay dahil para itago yung damit namin. We're all wearing a beige dress kasi ayun ang favorite color niya. As for the boys they're all wearing their tux. Nahanda na yung stage sa field also the function hall is ready for the surprise.

"Hala?! Yung phone ko na kay Luis!" malakas na sabi ni Valerie.

"Samahan mo ako Belle. Kunin natin sa kanya. Please?" pakiusap niya dahil hindi naman ako busy at maaga pa naman at siguradong hindi pa dadating si Lesley ay pumayag ako. Tsaka nasa may dressing room lang naman sila ng auditorium kaya keri lang muna na lumabas.

Lumabas na kaming dalawa ni Valerie sa tambayan nila. Madaming tao ang bumabati sa amin. May mga pumupuri ganun kaya natagalan kaming makarating sa dressing room.

"Intayin na lang kita dito sa labas." sabi ko kay Valerie. Nagugulahan man ay tumango na lang siya at pumasok na sa loob.

These past few days mas lalong naging iwas sa akin si Amiel. Alam niyo yung parang casual lang kami sa isa't isa. Nag-uusap naman kami pero hindi katulad ng dati. Good mornings and Goodbyes are our most often conversations. No more no less. Walang kamustahan, kwentuhan o biruan man. Kada naiisip ko yung nangyayari sa amin hindi ko maiwasang malungkot to the extend na minsan naiiyak pa ako. Akin siya dati pero ano? Tanga tanga ako kasi akala ko hindi siya mapapagod at magsasawa sa akin. I'm stupid for believing that. Kahit sino napapagod. Hindi naman siya si Superman.

"Superman!" nagstiff ako ng madinig ko ang pamilyar na boses ng babae. Nilingon ko sila and they're together AGAIN.

"Ayusin natin yung tie mo." sabi ni Cleo sabay inayos niya iyon. Mukhang ang saya saya nilang dalawa.

Hindi pa naman nila ako tanaw mula dito sa kinatatayuan ko. Kaya eto ako nanonood sa kanila. Bakit ganun si Cleo? Mukha siyang mabait kapag kaharap niya si Amiel pero kapag ako na ang kaharap niya para na siyang ibang tao? Hindi ko tuloy alam kung alin ba ang totoong siya yung mabait o yung bitchy Cleo na nakausap ko noon. Hindi na ako nagtangka pang sabihin kay Amiel yung nangyari sa amin noong confrontation ni Cleo. Baka kasi akalain niya ay sinisiraan ko lang si Cleo sa kanya. Gusto kong ipaglaban si Amiel pero kada nakikita ko na mukhang masaya naman siya kay Cleo napapaisip ako kung tama ba ang gagawin ko.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectWhere stories live. Discover now