Team Building (PART 1)

6.4K 203 9
                                    

[SEDRIC HUN DE MESA]

6am na. Lahat handa na para sa team building mamaya. Medyo nagbago ang schedule namin dahil imbes na Saturday and Sunday lang ay ginawa na itong hanggang Monday nang umaga.

"Hoy!!!" at mabilis kong nilingon ang hinayupak na bumatok sa akin.

"Anong problema mo?!" singhal ko. Nagtaas naman nang kamay si Jester.

"Chill bro' masyado kang seryoso dyan e." sabi niya. Di ko na siya pinansin at sinuot na lang ang headphones ko.

Oo badtrip ako ngayon kaya ang lumapit sa akin baka mabugbog ko -.-

Napapikit na lang ako nang may nagtanggal na naman nang headphones ko. "Ano ba?! Kingina naman eh! nananahimik ako dito!" singhal ko kaya napunta sa akin ang atensyon nang mga nakapaligid sa akin maging si Lesley. Pero ang nakakainis lang ay nang tumingin ako sa kanya ay nag-iwas lang siya nang tingin.

"Problema mo?" sabi ni Luis at umakbay pa. Hindi ko naman siya sinagot. Nakakatamad magsalita.

"Magkaaway kayo nang sweetiepie mo no? Naku!! Pag ganyan break up na sunod dyan." singit ni Chase.

"Eh kung ibreak ko kaya mukha mo Chase?" sagot ko. Ayun nagtatatawa ang gago. Mamatay ka sana sa kakatawa mo -.-

"Umayos na kayo. Nagpapasakay na oh." singit sa amin ni Silver sabay turo nang pila na unti unti nang gumagalaw. Kaya gaya nang sabi niya ay nilubayan na ako nang mga mokong.

Kung nagtatanong kayo kung bakit ako badtrip ngayon... Si Lesley kasi. Tss! Hindi ako kinausap buong araw kahapon. Panay text, tawag at chat na ako sa kanya pinuntahan ko na nga sa kanila kagabi kaso di pa raw umuuwi. Kanina naman nung sinundo ko sa kanila ay di pala siya umuwi at naki-overnight kay na Nics. Oh sinong hindi mababadtrip nun? Boyfriend niya ako, kahit papaano ay dapat alam ko ang mga ganung bagay. Tsaka hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang di namamansin. I don't want to tolerate her childish attitude kaya eto ako at pinipigilan ang sarili ko na lapitan siya.

-----

Isang bus per section naman kaya wala akong problema sa mga magiging kasama ko.

Yung apat na ungas nag-uunahang pumuwesto sa may likod. Sina Luis, Kurt, Chase, at Blake ang tinutukoy ko. Tss! Ang iingay nila. Panay sila kantahan at tawanan.

"Hoy! Manahimik nga kayo!" singhal ko sa kanila. Sandali naman silang nanahimik at ....

Pinagpatuloy ulit ang pag-iingay -.- mga ungas talaga! Kinginadis!
Wala naman akong nagawa at itinodo ko na lang ang volume nang tugtog ko.

"Lumayo ka sa akin Thunder! Wag mo akong simulan." agad kong sabi nang makita kong nakangising papalapit sa akin. Mas lalo lang lumaki ang ngisi niya at tumuloy pa rin sa pagtabi sa akin.

"Pre' break na kayo?" tanong niya. Kung nakakamatay lang ang tingin, matagal nang nakaburol itong monggi na ito.

"Sus eto naman! Walang poreber! Sa amin lang ni Valerie meron! Bleh!" at nagtatakbo na siya palayo sa akin.

"Fck you Thunder! Fck you!" I shouted. Pero mukhang lalo lang lumaki ang
ngumisi ni Thunder. Fck you talaga siya!!!

[LESLEY SHANE CABRERA]

"Girl, why are you sitting with me and not with your boyfriend?" Valerie asked. I rolled my eyes on her.

"Bakit si Thunder ba ang gusto mong katabi?" pang-aasar ko. Bigla naman siyang namula

"Ha-ha-ha. Funny." she said. Got ya' Hahaha.

"Hoy! Manahimik nga kayo!" singhal ni Sedric sa mga lalaki sa likod. Aish! Why do I feel so guilty about his mood today.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectWhere stories live. Discover now