CHAPTER 57 (PART 1)

6.4K 217 18
                                    

[THUNDER HUANG]

Lintek na trapik to oh! Ano forever?! -.-

Kring ... Kring ...

Tapos may tatawag pang...

"Ay syet si Valerie tinatawagan ako." masayang sabi ko ng makita ko yug caller ID.

"Yes hello Valerie? Miss mo na ako?" bungad ko.

'Wag mo akong simulan Thunder ah. Nasan ka na ba?'

"Nasa puso mo." banat ko.

'Kaya pala di ako makahinga may bwisit na nakabara!'

Spell basag? T-H-U-N-D-E-R -.-

'Kung alam ko lang na pag-iintayin mo ako ng ganito katagal sana kay Luis na lang ako nagpasundo.'

"Oh chill ka lang. Nasa labas na ako ng subdivision niyo. Psh! Si Luis na naman. May crush ka ba sa kanya?" sabi ko.

'Alam mo Thunder minsan talaga gusto na lang kitang sapakin. Bahala ka nga!' at binaba na niya ang tawag.

Beast mode na naman si Valerie. Tsh! Paano ako makakadiskarte nito? Haaay!!! Pogi ko talaga.

[VALERIE MIKAEL CRUZ]

"Oh asan na daw siya?" tanong ni Dad sa akin.

"Nandyan na daw sa labas ng subdivision. Daddy naman kasi bakit sa kanya mo pa ako pinasundo? Kaasar ka naman e." angal ko.

"Eh siya ang date mo hindi ba? Edi dapat siya ang sumundo sa'yo." baliwalang sagot ni Daddy.

"Arggggh!" natawa naman si Mommy.

"Sir andyan na po ang sundo ni Valerie sa labas." sabi ni Manang.

"Papasukin mo muna manang. Gusto kong makausap." sagot ni Daddy.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectWhere stories live. Discover now