Chapter 15

10.8K 349 10
                                    

[THUNDER HUANG]

"Kyaaahhh~ Si Thunder Huang!!!!" sigaw ng mga girls na nadadaanan ko.

"Ang pogi niya talaga lalo na't naka shades pa siya ngayon Grabeee~" dinig kong kinikilig na sabi nung iba.

Grabe! Iba na talaga ang kagwapuhan kong ito. Naglalakad lang ako dito sa may garden papasok na sana ako sa first class namin ng may nakakuha ng atensyon ko. Si Valerie! Yes ang aga aga maasar ko siya. Buo na agad ang araw ko. Inaantay ko siyang makalapit sa akin kaso nilagpasan lang ako? parang di ata niya ako napansin? agad akong napalingon sa kanya. Anong meron sa kanya normally naman pag nagkakasalubong pa lang kami e mamatay na ako sa mga irap na ibinabato niya sa akin bakit ngayon parang iba tong babaeng to? Agad ko siyang hinabol at iniharap sa kin.

"Hoy daldal! Alam mo bang sinisira mo agad ang araw ko makita pa lang kita?" masungit kong sabi kaso tinignan niya lang ako. Ngayon ko lang napansin medyo matamlay ang mukha niya at malalim ang mga mata mukhang puyat ata siya.

"Tigilan mo ako Thunder ha! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito." sigaw niya at bigla akong tinalikuran.

Ano? ako daw dahilan? bakit ako? Ano na namang ginawa ko?

[BELLE MARIE TOLENTINO]

Matamlay na pumasok si Valerie sa classroom.

"Anong nangyari dyan?" tanong ko kay Luis kaso mukhang di rin niya alam ang dahilan.

"Valerie, anong nangyari sa iyo? para kang zombie dyan." sabi sa kanya ni Nicole.

"Huhu di ako nakatulog ng maayos kagabi~~" sabi niya pagkaupo sa upuan malapit sa amin.

"Bakit na naman? sabi ko naman kasi sa'yo wag mo na akong isipin gabi gabi wala kang pag-asa sa akin. tsk" singit ni Luis at ayun nakatanggap siya ng death glare.

"Ewan ko sa inyo! Dun na nga ako sa upuan ko. hmp" at nag martsa papunta sa upuan niya at agad na umuob sa desk.

"problema *nom* nun? *nom*" kilala niyo na siguro kung sino ang nagsalita. Si Kurt na kumakain na naman -.-

"Si Thunder lang yan. Hahaha!" biro naman ni Charlie.

Sumang-ayon naman silang lahat. Tinignan ko naman ulit si Valerie. Si Thunder nga kaya?

"Belle." tinawag ako ni Lay kaya naman lumingon ako.

"Isip bata." sabi ko paano ba naman tinawag ako tapos tinusok yung pisnge ko. Parang bata diba?

"Joke lang naman e." nakapout niyang sabi.

"Uyyy! Belle." sabay tinusok tusok niya yung tagiliran ko. Buti na lang pumasok na si ma'am Sanchez at pinabalik na kami sa mga upuan. Hindi ko katabi si Lay, sina Blake at Erliyah ang katabi ko.

"LQ na naman kayo tapos kung ano-ano na naman na kacorny'han gagawin ni Lay mamaya. tsk!" sabi sa akin ni Blake

"Hoy Blake anong ka'cornyhan? ang sweet kaya ng mga pinaggagagawa ni Lay para sa kanya, palibhasa ikaw wala kang ka sweet sweet sa katawan ." asar sa kanya ni Erliyah isa pa tong mga isip bata.

"Wag ka nga! di porket crush ka ni Charlie ganyan ka na." sabi ni Blake at bigla naman akong napalingon sa kanya.

"Gusto siya ni Charlie?" tanong ko, bigla namang nanlaki ang mata ni Blake.

"Nako ano ba yung sinusulat ni ma'am sa board di ko na makita ang liit kasi ng mata ko. Lipat muna ako ah." sabi ni Blake at kumaripas ng takbo sa may unahan.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectWhere stories live. Discover now