Chapter 73 (Part 2)

6.9K 229 40
                                    

[LUIS HANZ CHUA]

'Last 10 minutes!!!'

Napabuntong hininga naman ako. 10 minutes pa?! Tsk! Muli akong tumingin sa relos ko, 7:35 na, baka di ako makapanood sa mga monggol na magsasayaw. Sobrang pinaghandaan pa naman nila iyon. Hahahahaha!!!

Dahil ako ang captain ng basketball team, required akong manood ng sports fest. Kaya kahit kanina pa ako nabo'bored dito ay hindi ako makaalis. Ang daya nga eh! Gusto kong manood nung Kpop dance battle para maasar ko sila pag natapos. Hahahaha! Sana maka-abot ako.

[DRAKE OLIVER SERRANO]

"Hoy Drake! Kabisado mo na ba?!" tanong sa akin ni Sedric.

"Oo, tangina! Pakiramdam ko koreanong hilaw na ako!" sagot ko at nagtawanan naman sila.

Punyeta naman kasing buhay to oh! Bakit ba ako nakisali? Eto tuloy ako ngayon, nagkakabisa ng linya ko. Tngina talaga! -.-

"Ikaw Blake okay na? Kabisado mo na?"  tanong ni Charlie.

"Oo naman! Ako pa? Hahaha!" yabang ni Blake.

Nandito kami ngayon sa dressing room na assigned sa amin. Ewan ko ba kung bakit push na push sila sa Kpop battle na ito. Ultimo kasi yung stage outfit nung ico'cover group namin ay gayang gaya namin. EXO yung group na gagayahin namin, are you guys familiar with them?

Dahil 9 kaming kasali, hinati hati namin ang parte. Ako, si Blake, at Chase ang tatayong  vocals ng grupo mostly kami ang kakanta. Kaya puro kami panganagbisado ng lyrics. Kingina! Pakiramdam ko nga nagiging Koreano na ako nitong mga nakaraan -.-
Sina Sedric, Jester, at Lay naman ang tatayong mga lead/main dancers. Yung tipong sila lagi yung mapupunta sa harapan ganun. Dahil sa kalokohan may nadagdag na punishment yung tatlong natira. They dyed their hair. Buti na lang hindi ako napunta dun, kundi mapapatay ko na silang lahat kung pati kulay ng buhok ko pakikialaman nila. Tsk! Charlie's hair is color red. Silver's hair is color ash gray. Tapos si Kurt naman blonde. Kanina lang sila nagpakulay kaya malamang magugulantang ang lahat. Dahil half korean sina Charlie at Sedric sila na ang mga rapper. Sila lang kasi ang may kayang magsalita ng korean ng mabilis at tuloy tuloy. Sila rin nagturo sa amin ng tamang pronunciations ng mga lyrics.

Tok... Tok....

Nagkatingan kaming lahat. "Akala ko ba di sila pupunta dito para surprise?" takang tanong ni Amiel. Oo, sabi kasi nung girls ay hindi na daw nila kami kikitain para daw surprise yung performance.

"Malay niyo si Luis yan o si Kristofer." sagot naman ni Chase.

"Buksan niyo na lang kasi para malaman natin. Tsk." sabi ko at binalik ang tingin ko sa lyrics na kinakabisa ko. Kahit papaano ayokong mapahiya kaya ginagawa ko rin ang parte ko.

"Looks like we have a visitor. Haha!" dinig kong sabi ni Jester.

"Hoy Drake! Lingon naman dyan." sabi ni Blake.

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Tas tinuro niya yung katabi niya. Ah! Si Aira pala. Binalik ko na lang ulit yung tingin ko sa lyrics. Wait. Teka. Nilingon ko ulit yung katabi ni Blake. PVTANGINA?!

"Bakit ka nandito?!" tanong ko. Tumawa naman silang lahat pati si Aira. Bwisit.

"Ayaw mo nun? Supportive si girlfriend! Hahahaha!" pang-aasar ni Kurt. Sinamaan ko na lang sila ng tingin at hinila si Aira palabas.

****
"Bakit ka nandito?" agad na tanong ko.

"Tsk! Bakit di mo sinabing sumali pala kayo sa dance battle?" tanong niya.

Mr. Cold vs. Mr. PerfectWhere stories live. Discover now