Pa'no mo ba malalaman pag siya na ang true love mo?

Ganito rin kaya ang nararamdaman niya para sa'kin?

Hindi naman siguro impossibleng parehas kami ng nararamdaman.

Napabuntong hininga nalang ako.

Hayst! Itutuloy ko pa ba 'tong nararamdaman ko? Or titigilan ko na? Para naman hindi ko na natorture 'tong puso ko.

Ano ba namang utak to! Nag dadalawang isip nanaman.

"Good luck,Trist! Good luck sa'yo" payo ko sa sariling takot.

"Pagbutihin mo 'yan ha! Pag ikaw utak pumalpak ka at pinaiyak mo nanaman si puso,dudurugin na kita!"

Nagulat nalang ako ng biglang may mag salita.

Akala ko nagsasalita na ang kaluluwa ko! 'Yun pala  si Hayden ang nag sasalita.

"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi ba obvious?" Sambit nito sabay lapit sa akin dala ang mga chi-chirya at juice ko.

Tsk! Tsk! Tsk! Dinekwat nanaman ng mga 'to ang stock kong pagkain.

"So narinig mo din 'yung pinag sasabi ko?"

"Ah-huh!" Agad na sagot niya.

Sumunod namang pumasok si Keith galing pintua.

Mga wala pa silang palit ng damit. Naka uniporme parin sila kasi kagagaling lang nila sa school diretso na sila agad dito.

"So anong pinag uusapan niyo?" Pakiki esyoso ni Keith sabay upo sa sahig.

Sa sahig kami lahat umupo para hindi madumihan ang higaan ko.

"Wala! Ito kasing si Tristan nakikipag talo sa puso't isipan niya" sagot ni Hayden sa tanong ni Keith.

"Ano ba kasi 'yan,bro? Tell it to us. Bakit ka nakikipag talo sa puso't isipan mo?" sulsol ni Keith.

"Eh kasi.."

Di ko talaga kayang sabihin sa kanila. Feeling ko hihimatayin ako sa kahihiyan pag sinabi ko. Kahit pa sabihin kong kaibigan ko sila,alam kong aasarin at aasarin padin nila ako pag nalaman nila ang kinikimkim ko.

"Eh kasi ano?" Patanong na sambit ni Hayden.

"A-ahm,nuod tayo movie" pagiiba ko ng topic pero mujhang waepek dahil di padin natatanggal ang titig nila sa akin.

"Wag mo nang ibahin,bro!" Sigaw bigla ni Hayden.

Talagang desidido silang malaman 'yung nararamdaman ko.

"'Cause you like her?" Sambit ni Keith na may nakakalokong ngiti.

Wala na! Di na ako makapag salita.

"We all know you like her since then,right?" Dugtong niya pa.

Oo na! Gusto ko na siya! Matagal na ako nakakaramdam ng ganito pero hindi ko magawang pangalanan ng GUSTO KO SIYA dahil nga sa pag aaway nitong puso't isip ko hindi ako nakasigurado na 100% hindi ko siya gusto noon.

Pero ngayon,iba na. Sobrang iba na. Noon hindi ko magawang sulyapan man lang siya dahil pag nakaharap siya sa akin palagi nalang may galit sa mga mata niya pero ngayon. Hindi nalang sulyap ang nagagawa ko sa kaniya. Nayakap at nahawakan ko pa ang kamay niya.

Ang nakakagulat pa duon ay hindi niya tinatanggihan ang mga pag yakap at pag hawak ko sa kamay niya. Nagagawa pa niyang sagutin sa gano'ng bagay din ang ginagawa ko.

Itong nararamdaman ko tuloy lumagpas na sa like road to love na siya at hindi ko mapigilan ang pag punta nito sa love. Pakiramdam ko pag pinigilan ko 'to mas masakit ang mararamdaman ko. Mas lalo lang akong masusubok sa pagmamahal kung pipigilan ko.

Mahirap mag assume pero hindi ko maiwasang isipin na,hindi kaya parehas talaga kami ng nararandaman? Kasi kung normal lang ang nararamdaman niya at hanggang friends lang talaga kami sa isa't isa para sa kaniya,siyempre tatanggihan niya 'yung paghawak ko sa kamay niya.

Friends are not allowed to do that,unless you had a valid reason to do that.

And for me,we're not friends. We're more than friends. At sana gano'n din para sa kaniya.

"Bro,tingnan mo kami? Nalabanan namin pagka torpe namin and it's time for you para labanan 'yang pagka torpe mo!" Sambit ni Keith.

Napalingon naman ako sa kaniya. Lahat sila masaya na kasi nay kaniya-kaniya na silang girl friend.

Masaya naman ako sa sitwasyon ko eh pero sa tingin ko mas sasaya pa ako pag nagka girlfriend na ako.

Hindi naman ako nagmamadali pero ayoko din sayangin ang oppurtunity na 'to.

"Ano bro?" Kalabit sa akin ni Hayden.

"Hanggang kailan ka maghihintay diyan? Ayan na oh! Close na ulit kayo." Digtong niya pa.

Gusto kong mag salita pero 'yung mga salitang guato kong bigkasin eh sa utak ko lumalabas.

"Alam ko deep inside gusto mo siya,tama ba?" Tanong ni Hayden.

Instead of saying Yes tumango nalang ako senyales na Oo gusto ko siya.

"Gusto mo pa bang magka Girlfriend or wala ka nang balak?"

"Bro,siyempre gusto! Gusto kong maranasan na magkaroon ng Girlfriend,gusto kong maramdaman na may nagmamahal din sa akin gindi bilang kaibigan kundi bilang Boyfriend" this time hindi ko na napigilang ipaliwanag sa kaniya ang sagot ko.

"Ayun na pala eh! Bakit pinipigilan mo pa?" Biglang sulpot ni Keith matapos kong sumangguni.

"I just..can't accept it" mahinahon kong sambit habang nakayuko.

"What?" Naguguluhan nilang tanong.

"I just can't accept the fact that I like her. I know in my self that I like her but I'm scared everytime that I'm thinking about her feelings na baka hindi kami parehas ng nararamdaman" paliwanag ko pa ng sariling opinyon.

"Accept it! No matter what happen,accept it!" Sambit ni Keith.

"Kung ganyan ang sitwasyon ako na'ng bahala." Biglang singit ni Hayden na may nakakalokong ngiti.

Mukhang may pinaplano nanaman siyang kalokohan.

"Huh?" Sabay naming tanong ni Keith.

"I-se-set up namin kayo at kapag ikaw di padin umamin bahala ka na mag manage ng nararamdaman mo basta ang sa amin lang eh tinulungan ka namin. Wag mo sana sayangin ang oppurtunity na ibibigay namin sa'yo ha Tristan?" Paliwanag niya sa plano niya.

I knew it may plano nga siya.

"Me as your friend,ayokong nakikitang hanggang diyan nalang ang level mo sa babaeng gusto mo. You deserve to be happy Trist. You deserve to be loved by a woman that you loved too! Kaya sana naiintindihan mo ang side namin bilang kaibigan mo. Di man kami ang nasa kalagayan mo pero hindi naman dapat palagi pairalin si utak. Oo may mga pagkakataong tama si utak at mali si puso pero hindi naman ibig sabinin no'n palagi nalang mali si puso,Trist. Pairalin mo rin siya kahit minsan. Malay mo hindi na siya magkamali ngayon,diba?" Sambit ni Keith habang tinuturo ang puso at isip.

Napahinga nalang ako nang malalim.

Napa tango-tango nalang ako sa mga nasabi nilang dalawa sa akin.

Siguro nga ito na 'yung tamang time para pairalin ko naman si puso...

To be Continued..

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon