"Yung phone ko." napatampal ako sa noo at malalim na huminga dahil sa iritasyon. "Shit, shit talaga!" napasuklay ako sa buhok ko.

"Kahit kailan talaga pinepeste mo ang buhay ko Khalex Montenegro!" gigil na bulong ko at nilingon ang ulo ko. "Gagantihan kita, pagdidikitin ko ang muka niyo ni Zsa Zsa! Parehas kayong mga peste."

Halos mawalan na ng pagitan ang kilay ko habang natakbo, paulit ulit kong minumura si Khalex sa isip ko.

'Ayoko nga ng commitment then in just a snap, married na agad ako? Nakakatangina.'

Mabuti nalang at dahil sa pag-ulan kahapon ay malamig ang simoy ng hangin. Ni hindi ako pinagpapawisan kahit kanina pa ako natakbo.

"Yes!" I exclaim and clench both of my fist, I finally reach the dead end after a lot of run. Tiningala ko ang mataas na pader at pinag-aralan kung paano ako aakyat kahit mukang ikamamatay ko kapag nagkamali ako ng kapit o apak.

Nilapitan ko ang pader na gawa sa bato, medyo madulas ito at basa. Halos lahat ng nasa ibabang parte ay puro lumot na, merong mangilan ngilan sa itaas pero hindi ako nito mapipigilang makatakas.

Pinunit ko ang laylayan ng kasuotan ko para ipangtali sa kamay at paa ko. Medyo pasmado ako at baka dumulas ang kamay ko, kaya ko naman tinalian ang paa ko ay baka magsugat ito, mahirap makatakbo ng may sugat ang paa.

Umabot sa ibaba ng panty ko ang haba nung dress ko kaya paniguradong kapag pumanik ako ay makikitaan ako.

'Hayaan na! Parang hindi ka naman nagbi-bikini.'

Sinimulan ko ng umakyat, sinigurado kong mahigpit ang pagkakahawak at pagkakaapak ko sa bato.

"Fuck.." I gasped, nasira kasi yung batong kinakapitan ko. I positioned my feet in the broken stone wall and push myself upwards, I immidiately hold at the nearest stone.

If only I could turn to a Spiderman or something, this would be so fucking easy.

Tinangala ko ang pader at napagtantong wala pa sa kalahati ang naaakyat ko. "I can do this.." I cheer myself, that's the most least thing I can do in this situation.

Pagkakapit ko sa sirang bato ay nadurog ito at nagpatakan ang maliliit na mga bato galing dito, kasabay non ay pagkasira nung batong inaapakan ng kanang paa ko. I immidiately find something to hold on. My heart were racing in fear that I might fall, as I said earlier. Everlyze needs me, I can't die  when Everlyze was still in trouble.

Magiging kuntento lang ako sa buhay ko kapag nakita ko na siyang masaya at wala ng pinapasan na sakit at paghihirap.

'It would make me the happiest living person.'

Kamalas malasan ay nasira ang batong inaapakan ng kaliwang paa ko, nakakapit ang iisa kong kamay at pilit naghahanap ng maapakan ang mga paa ko ganun din ang kamay ko na kinakapa ang mga bato para makahanap ng kakapitan.

"Ugh! Shit! Shit! Shit!" I'm starting to panick when my fingers were slowly slipping. "Jesus! Oh God!" ang isang kamay ko ay pinangkapit ko sa nakapa kong sirang bato.

Napatili ako ng parehas nasira ang batong kinakapitan ko, pakiramdam ko ay nahuhulog ang puso ko kasabay ng paghulog ng katawan ko.

Napapikit ako ng naramdaman ko ang bisig na sumalo sa'kin. Napasapo ako sa dibdib ko sa sobrang kaba, napakabilis ng tibok ng puso ko at halos kinapos na ako ng hininga.

'Muntikan na yon!'

Lumunok ako at idinilat ang mata ko. Ang galit na mga mata ni Khalex ang una kong nakita, magkasalubong na magkasalubong ang kilay niya. Ramdam na ramdam ko ang malalim na pagtaas baba ng dibdib niya.

OWNED BY KHALEX MONTENEGROWhere stories live. Discover now