"Aray ko naman," daing ko. "Malay n'yo naman kamukha lang talaga niya 'yan. At saka, hello? Sa probinsya 'yan at napaka-imposible namang magmimeet kami rito—"

"Gurl, halatang hindi ka nagbabasa ng mga love stories ano?" si Honey.

"Nagbabasa kaya ako—"

"Ang tawag d'yan..."

"DESTINY!" sabay-sabay nilang sabi na halos ikabingi ko.

"Destiny, destiny, tigilan n'yo nga 'yan," sabi ko. "At kung siya man 'to, eh hindi naman niya ako naalala, alangan naman ipilit ko?"

Bigla ba naman akong sinapok sa noo ni Aiza, grabe namumuro na sila!

"Aiza naman!"

"Alam mo ikaw, Remsky, kung hindi ka lang namin friend, pinatapon ka na namin sa Ilog Pasig. Siyempre, hindi mo malalaman kung hindi mo itatanong!"

"Or! Kung hindi mo ipapaalala sa kanya!" sinundan 'yon 'agad ni Burma..

Tumayo ako. "Hay nako, tama na 'yang echos na 'yan. Kung siya man 'to o hindi, wala naman akong pake!" sigaw ko sa kanila.

Bakit ko naman ipipilit sa taong 'yon? Hindi naman kami magkakilala, at saka napahiya na ako, bakit uulitin ko pang ipahiya 'yung sarili ko?

Sa kabutihang palad ay nagring na ang bell at hindi na ako kinulit nila Aiza tungkol kay Quentin. Siguro sadyang malalakas lang ang imagination nila (namin) kaya kung anu-ano ang pumapasok sa isip. Ayoko ring mag-overthink dahil totoo naman talaga na mas kinakabahan ako sa magiging play namin sa susunod na buwan.

Ako lang naman ang main lead! Hanggang ngayon tinatanong ko pa rin sa sarili ko kung bakit ako? Kung kaya ko ba 'yon? Kinakabahan ako!

Walang kamalay-malay si Mamang sa nangyayari sa'kin sa club sa school, hindi rin naman niya magegets kahit na ikwento ko—kahit na kating-kati ako ikwento sa kanya 'yung tungkol kay Quentin, mas minainam kong sarilihin na lang muna.

Hanggang sa dumating na 'yung araw ng pagpractice namin, araw-araw pagkatapos ng klase, salitan ang venue sa school namin at sa Silvestre Academy.

Damang-dama ko 'yung pressure habang kasamang magpractice ang tiga-ibang school. At as usual, halos mamatay ako sa mga titig ni Chantal, na hindi pinalad magkaroon ng major role sa play.

Hindi ko na rin natiis 'yung mga pananadya sa'kin ni Chantal tuwing practice kaya naman isang hapon ay naabutan ko siya sa CR, break time namin mula sa practice.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko sa kanya.

Tumigil siya sa paghuhugas ng kamay, hinarap niya ako habang nakahalukipkip. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot.

"Matagal ko nang napapansin na palaging mainit ang dugo mo sa'kin... Gusto ko lang itanong kung... kung may nagawa ba akong mali sa'yo? Kung meron... sorry. Kaya sana..."

Tinaasan lang niya ako ng kilay at akmang lalabas pero hinarangan ko siya.

"Hindi ka lalabas hangga't hindi mo sinasabi sa'kin," matigas kong sabi.

Mukhang tumalab naman sa kanya kaya umatras siya at sumandal sa lababo.

"Nakakairita ka," sabi niya. "Alam mo kung bakit?"

"Kaya nga ako nagtatanong eh," mas sinamaan niya ako ng tingin. Kung nakakamatay lang talaga ang titig.

"Kapitbahay ako ni Viggo," sabi niya na ikinagulat ko. "Bata pa lang kami crush na crush ko na si Viggo!"

Hindi ako nakasagot. Sobrang hindi ko ineexpect na may kinalaman ka Viggo 'yung galit niya sa'kin pero ano ulit ang kinalaman ko ro'n?

"'Yung tipong ako na ang lumalapit sa kanya pero ayaw niya talaga sa'kin kasi sabi niya may gusto siyang iba!" sabi pa ni Chantal na halos ikanganga ko. "At ikaw 'yon! Noong tumuntong ng high school, tuwang-tuwa ako na schoolmates kami! Pero ang nakakabwisit, ikaw pa rin daw ang gusto niya!"

Dalaga na si RemisonWhere stories live. Discover now