"Baka magwala ka lang doon."

"What? Bakit naman ako magwawala?

" I knew you well hon."

"Ewan ko sayo."umismid si mama.

"Everything's ready? Let's go? I need to go back to Palawan. Nakapag pabook na ko ng flight pabalik." gustuhin ko mang magtanong kay papa kung anong nangyari sa presinto, at kung bakit siya lang mag-isa ang bumalik, nasaan na si Kiel? Nagalit ba siya sa kanya? Kaso hindi ko magawa dahil mukhang wala sa mood si Papa. Kibit balikat naman si mama.

Dumaan kami sa resort dahil para sa gagawing pag-uusap ng management at ng Parents ko tungkol sa nangyari. Todo hingi sila ng pasensya kila Papa at nangako na hindi na mauulit ang bagay na iyon sa kahit na sinong customer.

Nag-alok din sila ng ilang araw na stay sa resort for free pero mariing tinanggihan ni Papa, para na daw niyang tinanggap na pwedeng bayaran ng kung sino yung masamang nangyari sa akin. Nahihiya ako sa kanila dahil sa mga nangyari. Sobra, dignidad ko yung nakasalalay dahil babae ako at muntikan na akong ma-rape, kahit sino naman siguro ay mahihiya kung pag-uusapan iyon ng harapan, pero yung maramdaman ko na nandiyan yung Pamilya ko at mga kaibigan ang nagpapalakas sa loob ko, pinanood din nila ang CCTV footage ng insidente pero hindi masyadong kita dahil madilim ang lugar.

Napagalitan din ang mga care taker dahil naging pabaya at hindi manlang nakuhang ibukas ang mga ilaw sa poste sa tamang oras. All in all ay naging maayos naman ang usap. May parents are both Educated, ganoon din ang mga namamahala sa nasabing resort kaya hindi naging mabigat ang pag-uusap. Hiningi din ang panig ko at ni Kiel, maging nung kasama niya na security daw.

Nahihiya din ako kay Kiel dahil siya pala ang nagpalit ng damit ko. Inamin naman niya kay Papa at Mama ang totoo, ang nasa isip lang daw niya ng mga oras na iyon ay matakpan ang kahubaran ko.









Back to Manila.
Van pa rin nila Kiel ang ginamit namin pabalik. Si Papa ay bumalik sa Palawan dahil hindi pwedeng wala siya doon.

Nauna kaming hinatid ng driver sa bahay dahil mauuna ang sa amin kaysa kila Kiel.

"Thank you so much sa paghatid Manong. Kiel, Kyla baby, Manang mauna na kami sa inyo." humalik si mama sa kanila.

"Tita can I play with Mia?" tanong ni Kyla kay mama.

"Of course hija. You can visit her everyday or vise versa para hindi ka na aalis pa sa ng bahay." Tuwang-tuwa naman si Kyla, pati si Mia ay bumubungisngis pa. Halata din na masaya si Kiel at manang para kay Kyla.

"Thank you po Tita." si Kiel ang sumagot.

"No hijo, kami ang dapat na magpasalamat sa inyo, you know what I mean. Gusto ko rin kayong imbitahan for a dinner tomorrow."

"Sure tita, salamat po."

Nauna ng pumasok ng bahay sila mama at Mia dahil ako ang magsasara ng gate.

Papasok na sana ako ng bahay ng hindi ko na matanaw ang van nila Kiel ngunit nangunot ang noo ko sa isang itim na motorsiklo na nakaparada di kalayuan sa bahay namin. Kahit naka helmet ang magka-angkas na iyon ay alam kong kapwa sila lalaki at nakatingin sila sa akin. Who are you? Kinilabutan ako at agad na pumasok sa loob, ni lock kong mabuti ang gate at patakbong pumasok sa pinto. Hindi ko alam kung bakit pero kakaibang kaba at kilabot ang dulot sa akin nung dalawang lalaki.
I need to be alert.

Kinabukasan ay naalala ko ang nangyari. Nasisiguro kong alam nila na nakita ko sila kaya kailangan kong magkunwari na walang alam in case na makita ko ulit sila. Shall I tell it to Papa and Mama? Or atleast to kuya? O di kaya ay kay Kiel? Pero bakit ko naman sa kanya sasabihin? Ano ba kami? Kahit nga yata kaibigan ay hindi babagay na itawag sa amin dahil panay lang naman kaming nag-aasaran na dalawa.

Falling In Love with a Gangster- BOOK 1 (COMPLETED | UN-EDITED!) Where stories live. Discover now