Chapter 8

288 29 11
                                    

Chapter 8
Alessia's POV


"Ano?? Anong pretend pretend tigilan mo nga ako Mason!" pagtataray ko sa kanya. Jusko ayan nanaman siya sa mga trip niya.








"Come on just this once! Wala naman mawawala sayo eh. You just have to play pretend that you're my girlfriend and I'm your boyfriend. It's that easy." tinignan ko siya sa mata niya. I can see na seryoso talaga siya sa sinasabi niya.

"Para saan ba kase? And why should I be the one to pretend? Pwede namang jumowa ka ng totoo diyan na iba! Alam mo kung ano-ano nanaman trip mo. Purkit gwapo eh!" oh ayan lalaki na ang ulo niyan kase sinabihan kong gwapo. Tsk tsk.

"Can you please lower down your voice? Look I'm doing this because-" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil biglang dumating sila Ayumi. "I will tell you later. Dismissal time meet me at the parking lot."

Magsasalita pa sana ako pero bigla nalang siyang umalis sa harap ko at lumabas ng room. Ewan ko ba naman sa lalaking yun!

"Oh Alessia bakit nakabusangot ka diyan?" tanong ni Valerie sakin. Ngumiti lang ako at umiling bilang sagot.

"Oh, binilhan kita kahit drinks lang." inabutan naman ako ni Ayumi ng isang bottle ng coffee.

"Ow? Wow thanks Ayu!" sagot ko. Binuksan ko ito at nilagok.

"You're welcome- oh teka dahan-dahan naman Alessia. Kape yan oh di yan alak, grabe ka kung maka straight ng inom ha" suway ni Ayu sakin.

Nilunok ko nalang yung iniinom ko at napaisip. Di mawala sa isip ko yung sinabi ni Mason sakin. Para saan kaya?

-----


Here we are in the middle of class and siyempre, heto ako at pandi take ng notes. Nakoo masama na kapag di ako nakapag take ng notes ayoko bumagsak dahil malapit narin ang pre-lims namin.

"Angle A bisecting angle B, what is the-" habang nagsasalita ang prof namin ay napatigil siya nang may dumating na dalawang matatangkad na lalaki na nakasuit na black at nakashades pa.

Wow men in black bakit naman kaya sila nandito?

"We're here to excuse Mr. Mason Greene. His mother ordered us to pick him up." sabi nung isang lalaking naka black na suit. Teka si Mason? Wow sosyal naman ng sundo infairness ha!

"Oh, okay. Mr.Greene? You're excused from the class." sabi numg prof. Teka ganun lang yun? Di man lang siya nagalit dahil bigla nalang inistorbo ng dalawang lalaki na yun ang klase niya?

Lahat kaming apat na babae ay nagkatinginan. At mukhang kami lang yata ang gulat sa pangyayari. Ang ibanh estudyante ay walang pake at patuloy lang sa pagsusulat. Siguro, madalas narin nangyayari 'tong ganito kaya di na bago sa kanila?

"Tsk! Ako na, I have hands can't you see??" napatingin kami kay Mason na iritang inagaw ang bag niya na dapat ay dadalhin na nung lalaki para sa kanya.

I'm guessing, they are Mason's body guards.

"Nakoow, ayan na. Tenten tenen. Tenten tenen." bigla namang nagtawanan ang iba ng magsalita si Cade at kumanta pa nung tono ng pangkasal. Huh?? I'm confused.

"Huy, tignan mo oh kanina pa nakatingin si Mason sayo." bulony ni Valerie sakin. Lumingon ako kay Mason at nakita kong sinenyasan niya ko na sumunod sa kanya.

Napakunot ang noo ko at pinagmasdang lumabas siya kasama yung dalawa niyang body guard.

"Grabe 'no. Ang yayamanin, may personal body guards si Mason. Tama ba Jess? Alam mo ba na personal body guards niya yun?" tanong ni Selene kay Jessica.

HEART BEAT [discontinue]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon