Chapter 28

149 13 5
                                    

Chapter 28
Ayumi's POV


"I don't think this stall should be here, dapat 'yung malapit sa entrance ng campus para kita agad ng tao at para mapansin." sabi ko 'don sa babae from lower year na incharge sa food stall na nasa harapan ko ngayon.




I'm a bit of a perfectionist kasi so hindi ko matiis na may isang imperfect na bagay akong nakikita hehe.






"Ah okay sige po ate Ayumi, salamat po!" sabi nung babae, ngumiti naman ako at tumango. Bigla naman dumating sila Valerie habang kumakain ng cotton candy.




"Girl, paalala ko lang ha? Sa party ka incharge hindi sa buong event kaloka!" sabi ni Val. Natawa naman ako, and yup. I'm now the head of the Party commitee. Si Jessica kasi ay nag back off at ilang araw nadin siyang 'di napasok ngayon. Ano kayang nangyari sa kanya? Nagsimula lang 'to simula nung nagbreak sila ni Khai at naging sila ni Joshua.




"Che! Pakagat naman diyan sa hotdog mo Alessia." sabi ko kay Alessia at lumapit para kagatan ang hotdog sandwich niya. Binigyan  naman niya ako ng nakakadiring tingin. "Oh?? Bakit? Wag ka mag-alala nagtoothbrush ako kanina sis." sabi ko sabay pahid ng mayonaise sa gilid ng labi ko.




"Pfft, hahaha!" bigla naman tumawa si Selene pati narin si Yna habang si Alessia naman ay diring-diri parin nakatingin sakin. Aba't?! Ano bang problema ng tatlong bruha na 'to?




"Grabe ka naman Ayu, pechay ang meron ako hindi hotdog 'no!" sabi ni Alessia sabay kagat sa hotdog niya-- oh, wait. Kaya pala sila tawa ng tawa dahil sa sinabi ko kanina! Mga green minded kasi!




"Hahaha! Ikaw Ayu di ka nagsasabi samin ha, mahilig ka yata sa hotdog eh." tuwang-tuwang sabi ni Selene. Umirap ako sa kanila at naglakad na. Ang dudumi ng utak! Hahahaha.




"Hotdog sandwich kasi okay? You girls are so green minded, 'pag naliligo kayo try niyo din linisin utak niyo okay?" I'm not trying to be innocent kasi obviously I know what they mean about hotdogs and pechays pero still! Hahahaha mga kaibigan ko nga talaga sila.




"Nagsalita ha? Ito na oh kagat ka na ulit sa hotdog ko, sayo na 'to hahaha!" pang-aasar pa ni Alessia. Inirapan ko nalang siya at natawa nalang rin ako dahil pare-parehas kami ng iniisip ngayon haha!




Nakita ko naman sa di kalayuan si Cade na abala sa pagkakabit ng banner na may nakalagay na, Lockwood University at sa ilalim noon ay nakalagay, 30 years. Naalala ko naman bigla si Selene na aayain daw si Cade sa cotillion para sa Anniversary Ball ng LU.




"Selene," tumabi ako kay Selene, "Kamusta? Pumayag ba si Cade?" tanong ko sa kanya. Tumigil siya sa pag-kain niya at umiling.




"Hindi raw siya sasali 'dun eh. Siguro busy din kasi siya sa pag oorganize nitong event." nakangiting sabi niya. Sayang naman akala ko mapapalapit na siya kay Cade gaya ng gusto niya.




"Oh eh sino ng kapartner mo?" tanong ni Val. Tumingin naman si Selene sa direction kung saan nandoon si Bryan. Wait, don't tell me...




"Si Bryan. Bryan asked me earlier and I couldn't reject him so I said yes." Bryan's really making a move to Selene huh.




"Wow parang niligawan lang ha? You said yes? So kayo na? Yieee." pang-aasar ni Alessia. Come to think of it, masyadong inilalapit ni Bryan ang sarili niya kay Selene. It's too obvious na he's interested with my friend but, what's his real intention?




"Hahaha ano ba Alessia hindi sa ganun, may makarinig pa sayo diyan bruha ka." sagot ni Selene. 




Hmm, maybe I just need to find a way to convince Cade to join the cotillion. Ngayon lang magkagusto ng ganyan si Selene, I should help her.




HEART BEAT [discontinue]Where stories live. Discover now