Chapter 22

116 11 3
                                    

Chapter 22
Mason's POV

"Hindi mo ba talaga susundin ang mga sinasabi ko Mason? Nakilala mo lang ang babae na 'yan, nagkakaganyan ka na!" sermon agad ang natanggap ko sa nanay ko. Argh, may hangover pa ako pero boses agad ni Mama ang naririnig ko.

"Sinong babae ba ma?" tanong ko habang hawak-hawak ang sintido ko. Tumitibok ang ulo ko at wala akong oras para makipagbangyan sa kanya ngayon.

"What do you mean who?? Your girlfriend! That Alessia girl!" napatingin naman ako kay mama at natawa. She really believed that Alessia's my girlfriend. "Why are you laughing? I'm being serious here Mason." 

"Nothing. Ano bang meron kay Alessia? She's nice--

"Simula nakilala mo ang babaeng 'yon, nagkakaganyan ka na! Really Mason? Tinakasan mo ang body guards mo kagabi? Mas pinili mong mabugbog para lang puntahan ang babaeng 'yon kaysa pumirmi dito sa bahay tulad ng sabi ko sayo!" so mas may pakeelam pa siya sa pagtakas ko kesa sakin mismo.

Ano ba ako bata? Tsk.

I faked a laugh and stood up, "I did not meet with Alessia yesterday." walang gana kong sagot. Tatalikod na sana ako pero pinigilan ako ni mama.

"I'm still talking to you, Mason! You're gonna break up with that girl and you're gonna talk with Clarisse." iyon padin talaga ang bukang-bibig niya, ang anak ng CEO.

Does she really not care about what I like anymore?

"Look, mom. Hindi ako interesado sa babae na yun at para matahimik na kayo, hindi ko naman talaga girlfriend si Alessia. I just said that to stop your stupid idea!"

I received a slap from my mom, again. It freaking hurts. "You humiliated your own mother? Nandamay ka ng ibang tao para lang mapigilan ang plano ko? Then you must be really shameless! I can't believe that you're my son. I should have left you with your father." gigil niyang sabi.

Nasasaktan na ako sa mga sinasabi ni mama sakin. Nang dahil sa simpleng pagtanggi ko sa plano niya, parang gusto niya ng pagsisihang naging anak niya ako.

She only cared more on her career rather than her own son.

"Then, I can't believe you were my mother." nanlaki ang mata niya sa mga sinabi ko. "Did you even bother to ask me what I like? Did you even ask kung bakit ko tinakasan ang mga body guards na inutusan mong saktan ako once lumabas ako ng bahay na 'to? Higit sa lahat, did you even think kung okay lang ba sakin ang plano niyong ipakasal ako sa babaeng 'di ko naman kilala at mahal?"

I waited for my mom to answer. I waited for her to say NO to my questions dahil bago ko pa man itanong ang lahat ng 'yon, alam ko naman ng, iyon ang sagot niya.

"Hindi diba, ma? Because you only cared for yourself. Kahapon, tumakas ako dahil pakiramdam ko nakakulong ako dito. And, a mom who loves her son won't let her son get hurt, but it's funny how you're the one who ordered the guards to hurt me haha. You do as you please, not thinking about me at all."

Binuksan ko ang drawer ko at kinuha ang susi ng kotse ko. Kinuha ko 'rin ang gym bag ko at doon nilagay ang mga gamit ko.

"What are you doing?" mom asked. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pag iimpake ng mga gamit.

"Mason!" mom grabbed my hands. "A-anong ginagawa mo?" she asked again.

HEART BEAT [discontinue]Where stories live. Discover now