Well hindi narin ako magpa paligoy-ligoy pa at baka madatnan ako ng prof ko na wala pang ginagawa eh lalo akong masermonan.

Nilibas ko na ang ballpen at lapis ko saka nilinga ang folder.

Pag bukas na pag bukas ko ng folder ay bigla nalang ako nagulat sa nakita ko.

"B-bakit may sagot na 'to?" Pabulong na tanong ko sa sarili.

May mga bilog na kasi yung letra sa multiple choice lahat ng question na nasa test paper ko may sagot na.

Sha-shade-dan 'yung bubble sheet then tapos na ako.

Wala akong idea kung sinong tao ang possibleng gumawa nito. 100 questions ang nandito at lahat yun may sagot.

Sino naman kaya ang gagawa no'n para sa'kin?

Ni hindi naman ako friendly dito sa classroom so impossibleng isa sa mga classmate ko ang may gawa nito.

Dahil sa curiousity ay napalinga na lang ako sa paligid ko. Lahat sila mga mukhang nahihirapan sa tine-take na exam maliban nalang sa dalawang relax na relax na ang itsura.

Nang mag salubong ang mata namin ni Tristan ay agad ko siyang sinalubungan ng nag tatanong na expression.

Tumango lang ito at nilipat na ang tingin sa iba.

Seriously? Sinagutan niya yung 100 question sa test paper ko? At para saan naman 'yun? Bakit niya gagawin yun?

Siguro sinabi nanaman ni Clementine na hindi ako nakapag review.  Bwisit na babae talaga na 'to,sinabi niya pa talaga sa iba.

Di pa na che-checkan yung test paper ko alam ko nang mataas ang score no'n at alam kong hindi ko deserve 'yun dahil kasalanan ko naman na late na ako nagising at hindi nakapag review.

Kahit ano pang hiling ko na sana mataas ang score na makuha ko,deserve ko parin yung score na kalalabasan ng hindi ko pag review at hindi yung score ng pag sagot ng iba sa test paper ko.

Aktong tatayo na sana ako para kumuha ng isa pang test paper sa unahan para mag sagot ng exam by myself pero bigla nalang dumating yung prof namin.

"Okay class,are you done?" Salubong nito pag dating.

Napa balik nalang tuloy ako sa kinauupuan ko.

"Sorry,mediyo napatagal ako. Ang dami pa kasing sinabi ng principal eh. The purpose of that exam is I want to know kung may natutunan ba talaga kayo sa 3 weeks na pag tuturo ko." paliwanag niya pa pero yung mga classmate ko parang walang narinig at todo sagot sa test paper nila.

"Oww,Miss Chellish,nandiyan ka na pala. Anong oras ka dumating?" Biglang tanong ng prof ko sakin.

Kinakabahan ko naman siyang nilinga saka sumagot. "Mga 8:25 na po Ma'am"

"So you're 25 minutes late"

Tumango lang ako at yumuko.

"Well,if that's the case for now hindi muna ako magiging bad sa iyo but I wanna see your test paper. Can I see?" Kalmado nitong sambit.

Di na ako umangal pa at kinuha nalang ang folder na nasa harapan ko tsaka ibinigay sa kaniya.

Ibinuklat niya ang laman nito at inisa-isa.

"Infairness naman sa'yo. Kahit late ka,may alam ka naman pala kahit papaano. You may take your sit now." Sambit nito sabay abot na muli sa akin ng folder.

Pag balik ko sa upuan ko ay nag shade nalang ako namg bubble sheet habang ang nasa utak ko ay mamaya ka sa'kin,Clementine. Tuloy may utang na loob nanaman ako kay Tristan.

Matapos mag shade ay nanahimik nalang ako maya-maya lang ay pinapasa nadin ng teacher namin ang test paper at bubble sheet.

At nang mapag sama-sama niya na ang mga test paper namin ay agad na itong nag paalam.

Nang makaalis na ang prof namin ay agad naman akon lumingon sa kanila Tristan.

"Why did you do that?" Kalmado kong tanong.

"Some one said to me hindi ka daw nakapag review,so I helped you. As your friend ayoko namang bumagsak ka. So sinagutan ko nalang 'yung test paper mo. Hindi ko talaga planong gawin yun pero dahil na late ka at umalis yung prof natin,syempre tinake ko na yung oppurtunity na yun para matulungan ka. Alam ko kasi bawal mag kopyahan pag college na and see our distance,hindi ka talaga makakakuha ng sagot from our classmates either from me pero thank god at pinatawag ang teacher natin so ayun,tinulungan kita" nakangiti nitong sangguni.

"I don't deserve it" seryoso kong sambit.

"Don't deserve what?" Naguguluhan niyang tanong.

"The high score of yours" sambit ko.

"It's my fault so I deserve a lower score" dugtong ko pa.

"So you're saying na hindi nalang dapat kita tinulungan?"

"Exactly!" Agad na responde ko sa tanong nito.

Ilang segundo itong napatitig sa akin na tila tinatanong kung sigurado ba ako sa mga sinasabi ko. Hindi iyon naputol hanggang sa magsalita na siya.

"Hhmm..okay" sambit nito.

Aktong lalabas na sana ito nang pigilan ko siya.

Hinawakan ko ang pulsuhan niya at ipinaharap sa akin.

Halatang na offend ko siya. Imbis na mag pasalamat ako eh parang nag dedemand pa ako sa pag tulong niya.

Talaga naman self.

Nang tumitig na siya ulit sa akin ay saka na ako nag salita. "I'm sorry" sambit ko habang nakatingin sa mga mata nitong seryoso.

"I didn't mean to offend you. I mean make me Independent. Wag mong saluhin 'yung mga kasalanan ko. Kung ang magiging resulta ng exam ko eh mababa,okay lang 'yun 'cause I deserve it. It's my fault so hayaan mo na muna ako madala sa mga kasalanan ko. Let me suffer by my own. Kasi pag di mo ako hinayaan,masasanay ako na nandiyan ka so please bare with me. Understood my friend?" Paliwanag ko sa mahinhin na boses.

I pout in front of him,after that he answer.

"Okay" nakangiti nitong sambit. 'Yung ngiti niya is hindi yung casual na ngiti pag masaya talaga siya. 'Yung ngiti niya ngayon parang may bakas padin na lungkot kasi na offend ko siya but I will not let this day passed ng hindi niya ina-accept yung apology ko.

Recess time na namin ngayon. Bago mag second subject may breaktime muna kami kaya naman inaya ko na muna si Tristan na ilibre siya sa isang Restaurant.

"Tara na?" Aya ko sa kanya.

"Saan naman tayo pupunta?" Naguguluhan nitong tanong.

"Kakain tayo,libre ko" sambit ko aktong hihilain na sana siya pero umangal nanaman siya.

"Pero busog pa ako"

Napag hahalataan talaga na medyo may galit siya sa'kin but siyempre di ako susuko.

I held his hand and pulled it.

"Halika na! Wag ka na maarte!" Sambit ko habang hila ang kamay niya.

Hindi na ito muling pumalag pa.

To be Continued...

The Sassy Girl Meets the Nerdy Boy Where stories live. Discover now