Chapter Twenty Six: Argument

Start from the beginning
                                    

Alam kong mali ang ginawa ko kanina pero parang hindi naman yata na maya-maya niya isasampal sa akin ang kagaspangan ng ugali ko sa harapan niya.

"She's a screamer. Her moans are a big turn on," sagot ni Trojan na nagpa-init ng buong mukha ko.

Wala na talagang konrtol ang bibig ng tao na ito! Wala siyang sinasantong lugar, tao o kahit pagkakataon!

"Thought so," nang-uuyam na sabi no'ng lalaki na iyon saka niya ako nginisihan. "I hope to see more of you, Miss Delos Santos. At sana lang sa susunod na magkita tayo, magbago na ang tingin ko sa'yo. Trojan chose you after all. It means you've been mark. Give me more reason to like you, Miss Delos Santos. Have a nice day."

Sinundan ko na lang ng hindi makapaniwalang tingin ang lalaki na iyon bago niya kami pinagsarahan ng pinto at umalis.

"Sino ba iyon? Bakit gano'n manalita iyon? Ano ba akala niya? Na kailangan maging kagusto-gusto ako sa harapan niya para lang magustuhan niya ako?" hindi makapaniwala at inis na tanong ko pagharap ko kay Trojan.

"Can't blame him. He's also the clean and order type kaya hindi mo siya masisisi na maging gano'n ang tingin niya sa'yo matapos mong basta na lang pumasok sa opisina ko nang hindi man lang kumakatok," sagot niya saka naglakad pabalik doon sa upuan niya. "That's very unusual of you, Miss Delos Santos."

Muli akong napalingon sa nakasarado ng pinto kung saan lumabas ang Eros na iyon saka ako lihim na nagngitngit sa loob-loob ko.

Kung hindi niya ako gusto, puwes, gano'n din ako sa kanya! Napaka-antipatiko! Akala mo kung sino umasta! sa isip ko.

"By the way, why are you here anyway?"

Muli kong binalik ang tingin ko kay Trojan nang muli siyang magsalita saka ko siya pinanood doon sa pagta-type niya ng kung ano sa harapan ng laptop niya.

Habang pinapanood ko siya, doon ko lang muling naalala kung ano nga bang pinunta ko dito.

"Mabuti naman at natanong mo ang tungkol sa bagay na iyan, Mister Mondragon," nagpipigil na sabi ko sabay lakad palapit sa mesa niya at binagsak ang sobre na hawak ko sa ibabaw ng mesa niya.

"Mister Mondragon? Eila, you never called me, Mister—"

"Anong ibig sabihin nito?" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya saka mas iniharap sa kanya ang dala ko. "Bakit ang laki nito?"

"Malaki?" kunot-noong sabi niya matapos niyang titigan ang loob ng sobre at napatingin sa mukha ko. "What's wrong with the price? You don't like it?"

"Oo! Hindi ko gusto!" muli na naman akong nagtaas ng boses sa kanya. "Bakit mo ako binigyan ng ganitong kalaking halaga huh? Paano 'pag nalaman 'to ng ibang empleyado mo dito? Ano na lang ang sasabihin nila sa akin? Sa'yo? Na nagkakaroon ka ng unfair treatment sa kompanya na ito? Sa pagpapasahod sa mga empleyado mo?"

"What's unfair with giving you something you work hard for?" taas kilay na sagot niya.

"Trojan, hindi ganito ang sahod ko no'ng nakaraan! At hindi rin gano'n kabigat ang trabaho na pinapagawa mo sa akin kaya I don't deserve something like this!"

"What are you blabbing about?" mukhang naiinis ko na rin yata siya. "Why are you so worked up about this sum of money?"

"Dahil hindi ito ang tamang sahod sa isang bagong empleyado pa lang!" mabilis na sagot ko. "Para saan ang extrang bayad dito? Para sa pagiging babae mo?"

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Where stories live. Discover now