Chapter Twenty Six: Argument

Start from the beginning
                                    

"Yes," tipid na sagot ni Trojan saka napatingin ulit sa akin. "May kailangan ka ba sa akin, Miss Delos Santos?"

"Oo! Malaki ang kailangan mong ipaliwa—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko pa sana nang bigla na namang magtaas ang boses ko sa harapan ni Trojan maging sa harapan ng kasama nito.

Muli akong napayuko sa sahig dahil sa kahihiyan at umusal ng paumanhin sa kasama namin sa kwarto.

"Is she one of your employee here too, Trojan?" tanong no'ng lalaki saka muling naupo sa upuan nito kanina. "She's rude. Don't know how to respect. Don't even follow even the basic working ethics. Just fire her."

"I can't do that," sagot naman ni Trojan na nagpa-angat ulit ng tingin ko sa kanya saka niya ako binigyan ng isang malalim at makahulugang tingin. "She's my woman."

"You're what?" takang tanong ng lalaki sabay tingin ulit sa direksyon ko.

"Let me introduce her to you," sabi ni Trojan saka siya tumayo at naglakad papunta sa tabi ko. "Eila, this is Eros Mondragon. My cousin. Eros, my woman."

Hindi ko napigilan ang mapasinghap nang bigla na lang akong hapitin ni Trojan sa baywang ko saka niya ako hinila palapit sa kanya bago dahan-dahang dumausdos pababa mula sa aking likuran ang kamay niya hanggang sa marating nito ang pang-upo ko and slightly pressed me there.

He just touched my butt in front of his cousin!

"So you fck? That's nice," bagot na sabi no'ng Eros saka muling tumayo. "Anyway, I don't have time for chitchats here. Bumisita ka na lang sa Alta Puebo kapag anihan na, Trojan. Kulang sa tao ang sakahan ngayon."

Sakahan?

"Madami pa akong trabaho dito, Eros. Si Ivo ang isama mo nang may magawa naman siyang kakaiba maliban sa pagwawaldas niya ng pera ko."

"Pwede ba? 'Wag kang magpatawa. Hindi mo mapapahawak ang isang iyon ng dumi ng kalabaw o kahit ang paglusong lang sa putikan," sagot ni Eros. "At isa pa, hindi pa ako gano'n katanga para magdala na naman ng panibagong sakit sa ulo sa hacienda."

Hindi ko maiwasan na mamangha sa pananalita nila gamit ang lenggwaheng Filipino.

Hindi ko alam kung ako lang ba ito o sadyang ang mga Mondragon ay may Spanish blood aura sa mga itsura at tindig nila. Gaya ng mga mata ni Trojan, ang mata ni Eros ay hindi rin normal ang kulay. Sa unang tingin, aakalain mo na itim ang mga iyon pero kung tititigan mo ng mabuti, kulay tsokolate pala ang mata nito parehas ng kulay ng buhok nito na akala mo kay kulay itim din sa malayuan.

Matayog din ang tindig ng Eros na ito. Aakalain mong may dalawang Trojan Mondragon sa loob ng kwarto na ito ngayon. They possessed the same height, built and same muscular features on their faces. But Trojan's eyes are more authoritative and humiliating than Eros.

Isa pa, bibihira lang magsalita sa purong Filipino si Trojan kaya nakakamangha talaga silang panoorin habang nagsasalita gamit ang lenggwahe na iyon.

Hindi na muling nagsalita pa si Eros saka ito naglakad papunta sa direksyon namin na malapit lang sa may pinto.

Pero bago siya tuluyang umalis, huminto muna siya sa harapan namin ni Trojan saka niya ako muling pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa bago muling bumalik ang tingin niya sa mukha ko at nagtagal doon.

"Eros." There's an evident warning on Trojan's voice when he speaks his name.

"I'm just checking her," sagot ni Eros sa nagbabantang tono ni Trojan. "Hindi ko lang maisip kung anong nakita mo sa babaeng 'to at ginawa mo siyang babae mo. She's plain and rude."

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Where stories live. Discover now